Bigla nalang sumagot ang utak ko (parang sasakyang humahataw ng 150kph…sabay preno…. skreeettchhhh!)…”bat akala mo ba lahat ng me partner eh masaya?…na jowa ang ultimate solusyon para makamit ang eternal bliss-nirvana- enlightenment- forever-everlasting happiness? …at hindi ka tatanggapin sa langit kung wala kang naging syutah…at kung intact pa ang hymen mo?….at kung wala ka man lang nakalips- to-lips…kat nung nilasing mo na yung kulapong matagal mo nang pinapantasya?…nakanang….e kung iuntog kaya kita sa pader…nang makita moh!”

“loveable naman ako ah”…iyon ata ang huling narinig ko na nagbalik sa’kin sa ulirat… kanina pa nga pala nagmo-monologue ‘tong fren ko (akala nya dialogue…dahil kaharap ako)….salita sya ng salita….akala nya me kausap sya…di nya alam lumilipad utak ko … pumalaot na dun sa mga “sana” na imposible mangyari…tulad ng…

sana ang binabayaran sa trabaho ay yung pag-absent mo… at kung madalas kang late …me extra pay….at pag-undertime…me cash bonus sa pasko…. At ang mga bossing …bawal magsermon…mandatory na magsmile sila…at ipagtitimpla ka ng kape pag tinatamad ka…. ahahhaaay … kelan kaya yun?

Biglang kabloommm!!! (parang pumutok na lobo!) ….nag sharp-turn utak ko…pilit kong ipinihit  ang  atensyon sa fren na parang nangingitm na sa kakaemote nya…ok, ulet nga (nirewind ko isip ko para marecall dakdak nya….anu nga ulet yun?)… ahh… I see…I see…yun naman pala…ang puno’t -dulo  pala ng paghihimutok nya eh…bat wala syang boyprennn??!!!  (anak ng pating!)…ako naman ang nagkulay-violet  …parang tumayo lahat ng balahibo ko… buti inde ako si cyclopse …kundi sunog na sya….kala ko kung ano nah…kala ko yung riot  sa Suanavumi airport sa Bangkok ang isyu…bigla akong nagchant ng pangpakalma ko (kinopya ko ke ness/sis ko)…nihao-pho-nguh-yen….breath- in…breath-out….haaahhh!… ayan… me-oxygen na ulet utak ko…bakit  nga ulet?…anu nga ulet yun?

“maganda naman ako…malambing…mabait…(sniff-sniff)…e bakit nga???? Bakit nga wala akong boyprennnnn???…

Tinitigan ko syang mabuti…tinatantya ko kung kakayanin nya kung detonate ko sa mukha nya ang mga counter arguments na parang bomba atomika ang intensity… ah… inde ata pwede now …mukhang mother of all hormonal havoc  ang tumama ke kurdapya… parang biernesantong  good for ten years…ang hinakot nya at itinambak  sa araw na ito… …seryoso sya sa kanyang pagka-aning…ok, siguro…low-intensity, soft, “call a fren” approach lang ang kaya nya today… (taragis…dito ko na ata gustong isumpa…bat naka-attend pa ko ng gmrc classes ko…hmp!)

Kat  gusto ko na syang bigyan ng pambili ng kausap…hindi ko ginawa (bat kaya walang medal para sa mga gantong kabayanihan…tsk!)…kat gusto na bumula ng bibig ko…nakinig ako…nagpakatino….nagpakahinahon… feeling ko tuloy naka-straight-jacket ako at me busal ang bibig…pigil na pigil ang pagmumura…piling-pili ang mga bibitiwang salita… (foooothang ina!….ayan, dito ko nalang naibubuhos)… pero sempre ang mga lumabas na “feel-good” lines eh ganto:

“okay lang  yan… wala naman sa’yo ang diprensya…natapat ka lang talaga sa mga bungi… at chaka talagang nauubos na po ang lahi ng matitinong lalaki…epekto na siguro ng global warming (nyah!)… inde sya natawa…tuloy sa kanyang pagngunguyngoy haaay… pano ba toh?

 Naisip ko tuloy magsuggest ng solusyong matino…”eh kung try mo kaya mag surf sa mga jowahan na website?” (todoh na…ayun na po ang matino kong advise) sabe nya…”ayoko dun… mahirap makahanap ng seryoso dun”… “sus meron naman siguro….try mo dun sa wanted-matinong –jowa.com…baka andun hinahanap mo”…inirapan nya lang ako…ayus!

Isip…isip…isip…pano…pano…pano…saan…saan…saan… at dito ko naisip na sana…pede nalang umorder ng jowa…yung tipong pasadya…sakto sa sukat..pasado sa quality control… at me warrantee…pede mo isoli…palitan….o ipakumpuni kung me pyesang sira… o di kaya sana me makaisip nalang na i-clone na yung mga lalaking  “ideal” ang dating…parang nagpaparami  lang  ng semilya ng tilapia…ganun!

Naubos na ata powers ko…sabe ko nalang sa kanya…”

alam mo kase…kat  ipagdasal naten na umulan nalang  sana ng matinong lover…e di yun mangyayare… everything good should start slow”

.wanko anu naman ibig kong sabihin dun….pero cute kase pakinggan eh… (ngurk!)…sabay rumepeke nako ng mga chenes-chu-chu na pang-lift ng mood nya…tas sa huli sabe ko…”magfrenstew ka kaya… baka yung mga dati mong kakilala…e  isa dun ang magiging kapalaran mo”…at bigla….parang bumbilyang umilaw ang mata ni kulasa…”uu nga noh?…sige nga…check ko nga mamaya yung tatlong account ko kung anu na bago dun”…(ay  foooothang ina! …. tatlo?!!…ansarap chinelasin ng hitad!)

Niway…pinadugo ko paden ang utak ko para kat papano eh magabayan si kulasa…para malinawan kung kandidato talaga sa pagka-jowa ang matitipuhan nyang fren… binusisi ko ang mga detalye sa “status” field ng frenstew… (kat mas mukhang batikan pa sya…e…baka naman me maiambag den ang listahang ito (katuwaan lang po…baka naman ito ang ibig sabihin ng mga sagut dun)…oy kulasa para  sa yo toh…pakchagaan mo! hehehe

Standard na sagot (at meaning) sa “status” field ng Friendstew:  

  • 1. single  (wala pang nabibingwit)
  • 2. married  (me naka-bingwit na)
  • 3. it’s complicated  (binagyo ang palaisdaan…ahahahha!)
  • 4. in a relationship(me kumagat sa pain…pero nagdadalwang isip kung   bibingwitin o hinde)
  • 5. domestic partner (inuwi na sa bahay ang nabingwit…nyah!)

 Sana/dapat  idagdag sa choices:

  • 6. game over(nagsawa na sa bingwitan…nasa palengke na)
  • 7. desperado(dynamite fishing na itoh!)

At para mas malinaw…sana more specified as follows:

A. Single

  • 1. single na single(galit sa mundo?…naiinip nah o sadyang mababa lang ang libido..waaa!)
  • 2. single na married  (kaliwete…nangangalunya…lagot ka!)
  • 3. single na it’s complicated  (panung?..patiwakal ka na…magulo kah!)
  • 4. single na in a relationship (patikim-tikim lang….safety first!…segurista?)
  • 5. single na domestic partner(ibinahay na ng katikiman…)
  • 6. single na game over (sariling-sikap!)
  • 7. single na desperado (pwede na kahit “ano”! nyahhh!)

B. Married

  • 1. married na married(makapal ang helmet na suot…mabuti naman!)
  • 2. married na it’s complicated(biktima ng double jeopardy?….sinabi ko na nga sa’yo!)
  • 3. married na in a relationship(kaliwa’t-kanan ang diskarte…busy!)
  • 4. married na domestic partner (anu bat toh?…serbisyong-bayan?)
  • 5. married na game over(wala ng sex-life?…o baka temporary impotence lang)
  • 6. married na desperado(nagbababad sa internet café!…cyber na toh!)

C. it’s complicated

  • 1. it’s complicated na it’s complicated (taragis…umayos kah!!)
  • 2.it’s complicated na in a relationship (me reserbang kalaguyo…sinuswerte!)
  • 3.it’s complicated na domestic partner(ewan ko…pano ba toh?…bahala ka na!)
  • 4. it’s complicated na game over (punta na sa araw!)
  • 5. it’s complicated na desperado  (bumubula na bibig…ahahahaha!)

D. in a relationship

  • 1. in a relationship na in a relationship (nakanang…bat di mapakali?)
  • 2.in a relationship na domestic partner (“… pang isports pah!)
  • 3. in a relationship na game over (pauso?…wala nun!)
  • 4. in a relationship na desperado (ramble na itoh!….strike anywhere!)

E. domestic partner

  • 1. domestic partner na domestic partner (inday, di ka makahalata?)
  • 2. domestic partner na game over (basta me sex life ayus!)
  • 3. domestic partner na desperado (malaki fon bill kaka-SOP….weeeee!)
  • F. game over
  • 1. game over na game over(ay salamat nabawasan ang panggulo!)
  • 2. game over na desperado(wak ka na umepal…ubos na sagot …ahahhaa!)

G. desperado

  • 1. desperado na desperado (naku…masama tong biruin…exempted!)

H. dagdag na panggulo

“yet to be classified”…  (at dahil talagang mahirap i-classify ang mga status na yan ….dahil varried ang complications at particularities ng mga cases….mabuti pa e dito na tayo pumwesto lahat…para sakto!)

At para sa fren kong nag-iinarte…later sana marealize nya na…hindi naman lahat ng ligaya ay matatagpuan sa pagkakaron ng jowa…hindi naman kase pwedeng i-asa lang ang pagiging happy naten sa kamay ng isang nilalang na kahit gano kasanto sa dating e “tao” lang den…pano nalang kung bigla den syang topaken…at ihagis ka sa bulkan?… e di nagmukha ka ng…anak ng bulkan?…ahahhaha

palagay ko ang pagiging masaya ay isang attitude na tanging tayo lang ang makapagtuturo sa sarili… kailanagan lang nating desisyunan kung ano ang mga itinuturing nating mga “langit”….( o yan po…kung mali o me kulang… hiritan nyo lang …para naman lalo tayong masaya!)

 smile lang po ha?…lalo na ngayong malamig na ….at panahon na naman ng mga  “wish ko lang”… wag po masyadong magkwenta…tandaang ang mga bagay na mahalaga ay walang tag price…

 Ciao po!

Comments 3 Comments »

 

 

Habang naghuhugas ako ng plato… naisip ko nalang bigla…bakit nga ba ang hirap magkaintindihan ng mga tao kapag nag-uusap sila…  hindi lang dahil me language barrier (lalo kung nasa foreign land ka),…which is obviously a natural deterrent para magka-intindihan ….. talagang minsan…or madalas… magulo ang takbo ng mga usapan….

Naisip ko tuloy, siguro pwedeng i-classify ang mga tipo ng usapan/ argumento/“talks” sa mga sumusunod na  patterns:

1.”alin ang nauna…itlog o manok?”

(eto yung tipong mapapatid na litid nyo sa paliwanagan, balitaktakan,hanggang mauwi na sa sigawan…talsikan na mga laway nyo…at inabot na kayo ng isang-daang taon (ibig sabihin hanggang sa kabilang buhay yun)…  hindi paden tapos ang usapan…..tas me sisigaw na  sa inyo…”oy magsaksakan nalang kaya kayo… mga buset!!!!!!!)

2.”sige sumagot ka…aha! sumasagot ka na?!!”

(lahat naman ata ng anak dumanas nito….pwera nalang kung putok ka sa buho…..o napulot  lang sa tae ng kalabaw…hinde ka mahal…hindi ka pansin…hindi ka nakatikim ng sermon (merun ba nun?)….well, ewan kung sad or happy yun…pero yung lumaki sa meal-time-sermon-time na mga bata….ay alam na ang arumentong ito ay madalas pa nga na may karugtong na….”sige sumagot sagot ka jan….wala kang allowance makita moh!)(sempre sino pa kikibo nun…ahahhaa…anhirap magpalaki ng magulang noh?)

3.”uu sige tama…panalo ka na…(taena mo abangan nalang kita sa kanto!”)

(sino nagsabing pambata lang toh?… mas masahol pa nga sa pikunan ang matatanda… now kung di mo naman kayang mang-ufakh…kulamin mo nalang!..juks lang!… kaya nga dapat kang mag-ingat sa taong agree lang ng agree sa sinasabi mo…weh hindi mo alam…kumukulo na pala tae nun… nakangite paden sa’yo….delikado!)

4.”uu sige tama…panalo ka na…pautang?

(me kanta toh e…’wag mo akong tingnan na para bang uutang ka…at meron pang padrama-drama ang iyong mata…weeeeeeeeee!….ito ata mas delikado?)

5. “weh! wala yan sa lolo ko….”

(ayan…usapang eat-bulaga! dapat madami kang baon…panalo ang mga lasenggo dito…(isa na ko dun)…pero ito po sure hit… kahit sa malungkot na lugar sa ospital ….kapag narinig mo me nag-uusap ng ganito ang format… natatawa ka na agad e…totoo dibah?…imagine kung bago mag-umpisa ang mga court hearing or congressional sessions ay me hihirit muna ng gantong mga lines…ansaya siguro ng mundo…)

6.” papunta ka palang…pabalik na ko…”

(hindi ka ata tao kapag sa life time mo e wala kang nasagupang ganitong linya….palaging me marunong na isa…matanda man sya… mukhang matanda…or matanda lang mag-isip…meron palaging magmamagaling….tingin ko naman ay ayus lang yun….atleast me gumagabay dibah?….pero kapag sobra na….minsan gusto mo din barahin…at sagutin ng “ papunta?…weh,  wala naman kaya akong balak umalis…”)

7.”bato-bato sa langit ang tamaan…wag magalit…”

(mga pasaring ni aling charing… etchusan blues itoh!…dakdak ng dakdak pero hindi tumutumbok…walang tinutukoy kung para kanino yung dakdak….parang carpet-bombing lang …lahatan…pakyawan…lahat inaasar…hanggang sa merong hinde na makapagpigil at mapasigaw …”Futang Ina….sino ba talaga ang umutot…aminin nyo na…kanina pa nakukulili ang tenga ko!!”…ahahhahahaha )

8. “blah-blah-blah-blah-blah… teka anu tanong?”

(ala Rambo style naman ito…bratatatatatatatatat!….ayus ah…hanep ang mga birada…pang famas pa yung iba…tapos lahat naka-taas na ang kilay…umuusok ang ilong..…lalapit sa kanya ang isa… sabay batok….”ngakngak ka nang ngakngak….e anlayu naman ng sinasabi mo….tas sasagut sya…“ah eh…anu ba tanong?…ngurk!)

9.”blah-blah-blah-blah-blah… tamang sirang plaka”

(ganto ata mga bossing eh!….ansarap irecord…kala ata nila dagdag fogi points yun?… hinde pa nila isabay sa national anthem…sermon nila…tutal ganun ka predictable ang frequency ng schedule at content…saulado mo na… naiisip mo  tuloy….”kelan kaya sila matitigok?”)

10.”blah-blah-blah-blah-blah… and I quote…sabe nga ni ka jerry tungkol sa pagpapadami ng itlog ng kwago… ”chenes, mhdlskeytf bdnd… chenes…”

(patay tayo jan!….mahirap kausap tong pang “ating alamin” ang dating…wiz ka na spuke mabuti pah….dito mo na kaiingitan ang mga bingi….ahhaahhaha)

 

Haaaay naku…kaya siguro magulo… kase walang gustong magpatalo?  At ang pinaka mahirap gawin…ay payagan ang iba na gamitin ang karapatan nila na magkamali…korek? korek! (o yan na nga bah!….tama na naman! … e pano  naman kase… “kelan ba naging tama ang mali?”)…Aray ko!….anu daw?… Ayoko na ata…baka maging “itlog o manok” na usapan na toh….Bahala ka na nga umintindi… malaki ka na! (kindat!)

Madami pa siguro akong hindi naisali… ikaw ba po…anu naman style mo…pano ka naman makipag-usap ng “malabo”?…(nyah!)

Comments 6 Comments »

 Kung buo na ang loob mo…

 

Sigurado sa loob ng silid na kwadrado

aabot tayo sa disyerto, tatawid ng mga dagat,

aakyat sa mga bundok, gagala sa mga lungsod,

ng dalawang sulok ng ating mga teritoryo.

At  kung papalarin,

baka maakyat natin ang langit;

baka sakaling magtagpo,

buong ikaw,

buong ako.

 

Hindi ko ipipilit na masangkot ka

sa mga digmaang kinapapalooban ko;

mahirap yun - mabigat na desisyon.

Pero kung buo na ang loob mo,

sige hamunin natin ang  mundo;

iguho ang mga rebulto,

angkinin natin ang layang

di nakakamit ng walang pakikipagtalo.

 

Kung buo na ang loob mo’y handa na rin ako;

hindi kalian man aalis sa tabi mo,

sa gitgitan ng katwiran at prinsipyo,

hindi mananahimik sa’king kamay -

ang punglong tangan ko.

Asahan mo.

 

 

 

 

Tula para kay Zenki

February 29, 2008

Nonthaburi,Thailand

 

 

magulo ang chronological compilation ng  mga postings ko…sensya na …kase naman naiisipan  ko lang maghalungkat sa mahiwagang baol kapag me nararamdaman akong kakaiba…(kakaiba like gustong mahati ng katawan ko pagbilog ang buwan…ngek.)..,,niweys po…sana mapadpad dito ang insiprasyon ng tulang ito…sayang kase …baka abutin na ulit ng leap year…eh hindi pa din nya alam na may tula ako para sa kanya… sana…sana…wish  ko lang talaga…sana.

Comments 4 Comments »

Definitions and distinctions   
(http://en.wikipedia.org/wiki/Cryogenics)

Cryogenics
The branches of physics and engineering that involve the study of very low temperatures, how to produce them, and how materials behave at those temperatures.                                               
Etymology
The word cryogenics means “the production of freezing cold”; however the term is used today as a synonym for the low-temperature state. It is not well-defined at what point on the temperature scale refrigeration ends and cryogenics begins.

 

(para magkaliwanagan po…ayan sa taas ang definition ng cryogenics…kung naintindihan mo…paki-explain saken pls.)

Hindi ko na matandaan pano ko nalaman …siguro me nagkwento  …or napanood ko sa movie… na may sistema nang pagpi-preserve ng human corpse(or pede ata kahit buhay pa na terminally ill lang …di ako sure)  sa freezing temperature (ipi-freeze)…para later on kapag nahanap na ng science ang gamot sa cause of death ay pwede irevive ang body (defrost) at gamutin….sa makatwid…binuro muna po ang body…para kung me chance na…bubuhayin itong muli…ang gara dibah? parang pagkaing frozen tapos nimicrowave after… anu kaya feeling ng ganun?…well, ayoko malaman…baka ikaw type mo…

matagal na naglalaro sa utak ko ang word… cryogenics… parang na nasilo nito ang sitwasyong karaniwang kinapapalooban ng mga taong nabubuhay ng malayo sa pamilya … isang perpektong image na magrereflect ng “binurong” pag-ibig… buro as in…parang talangka… mustasa … labanos… kanin na me isda…sibuyas…bawang….sitaw…kamatis…kundol… patola…upo’t kalabasa…ngek…sa English diba pickled?    … so pickled love?…binurong pag-ibig… pwede ba yun?…pwede ba buruhin ang pag-ibig?…itago muna sa baol… tapos ilabas nalang pag pwede na…

Anu ba tama? (multiple choice toh…easy dibah?)

a. Maghintay at manatiling malinis para sa muling pagdating ng sinta….

b. Mahalin kung sino malapit sa’yo at wag pabilanggo sa paghihintay… after all life is too short….

c. Maglaro ng apoy para maaliw…habang naghihintay

d. Taena! wak na pag-isipan tong kaletchehang ito

Hanga ako sa iba na kaya nila paghiwalay-hiwalayin mga bahagi ng pagkatao nila… pisikal…sikolohikal…moral…. Wala silang guilty feeling kung … ang motto ata nila…”what one doesn’t know won’t hurt one”…bilib ako… pero talaga nga kayang nagwawagi sila?… hmmm…. Palagay ko eventually, there will come a time na di na  na nila kilalala kung sino yung talagang sila…at lahat ay waring delusional make-up na…di nga ba….ang pinakamahirap na kalaban ay sarili…kaya palagay ko…talo na agad sila ng sinungaling nilang sarili…palagay ko lang naman… pede ring mali….pero malamang tama…

Taena kase kahit isang milyung mura pa gawin naten…bat kelangan pa lumayo para maghanap-buhay….ala nang magbabago…isang social phenomena ang labor migration abroad para sa mga pinoy…..so, harapin naten ang isyu… kahit sumablay tayo sa mga kuro-kuro naten…atleast hinarap…

Unang tatamaan ang relasyong mag-asawa… pamilya… “broken family” ang di masubaliang bahagi ng equation… e pano nga… diba sa biology class naten…nalaman naten na tayo ay highest form of animal… kahit na yung iba ay mukang animal lang…at di nasama sa “highest” form…well ang tao ay tao pa rin… laman at dugo… sa makatwid cellurar (hindi po telepono….) me hormones… nag-iinit…naghahanap…in short…malibog (ang maiskandalo lunukin sana ng lupa! ahahaha)… so panu na?…

Hindi ako moralista… palagay ko healthy ang pagiging malibog… pwera nalang kung pari ka…o madre…o monk…or kinapon….weh kahit naman ata sila malibog paden…kaso tamed/patago lang po…. Well bahala na sila… ang problemahin naten.. anu nga gagawen para matugunan ang need na ito…na kahit ipaligo mo ng sampung ulit sa isang araw….kung andun na talaga sa utak mo…. sumisipa na mga hormones mo…e, wala na makakahadlang…kahit si Batman ( di kaya dito nag-ugat yung linyang…”hahamakin ang lahat…masunod ka lamang”) … si Balagtas ata me sabi nun…tungkol sa pag-ibig…weh…mas eksaktong tinutukoy nun…libog…”sad but true” sabe nga mg mettalica….

Hindi ako moralista pero pathetic…hopeless romantic  naman… tipong extinct…tipong dapat nabuhay nung panahon ng mga dinosaur… nung wala pang cyber sex… at mga kabaret…or phone sex… pero let me make it clear po…. Pwede bumili ng aliw, pero kung jowa ko ang gagawa nun… papakasaya sya… habang ako e nag-iimbento ng ikakasaya  (naggagantsilyo, ko-crosstitch, buburda ng kumot, aaral makluto kahit alang talent…umiiwas sa pagkain ng sibuyas… aalaga nalang ng fish kahit madalas magsuicide dahil kunsumido saken)….aba ibang usapan na yan… “an eye for an eye” na labanan nyan… sa takalok… magka-sore eyes sana mga busero…

Wala po akong solusyon… gusto ko lang ilatag na mahirap ang ganitong kalagayan… alam nating madami nang nahulog sa bangin ng nadurog na mga relasyon… nag-uumapaw ang mga kalansay ng mapait na istorya… kaya nga dapat pag-isipan…anu ba talaga… paano ba mapapanatiling magkabuklod kahit malayo ang isa’t-isa?…

Hindi naman ako si ate Charo para sabihing…”ang wagas na pag-ibig ang makakapagtawid sa inyo para makaligtas sa bagyong ito…”(hawig ko lang siguro sya…pero di ako ganun magpayo)… in fact wala akong payo….hindi ako magmamagaling… produkto ako ng “broken family” at ofw ang tatay ko… and I’m still at a lost kung anu….paano…at bakit nagkaganun? hindi ko niru-rule out dito na madami pang masalimuot na dahilan bat naghihiwalay ang mag-asawa…depende sa kaso yun e…pero me impact den talaga yung magkalayo kase sila physically… pwera nalang kung kahit nuong magkasama palang sila e magkalayo na talaga sila… in which case…pinatingkad lang ng distansya/espasyo ang dati na nilang pagkakalayo… angulo ba?…good!…kase talagang magulo ang usaping ito…

Wala akong sagot… walang solusyon…puro tanong lang din… tanong na sagot sa tanong …paano ba isurvive ang long-distance relationship…kakayanin ba ito….or are we asking for the impossible…paano pinaglalabanan ang biological need (sex) alang-alang sa preserbasyon ng iniingatang pag-ibig… hinde simple… chichinelasin ko magsabing sisiw lang ito… ang kontradiksyong nangyayari sa kalooban ng mga sangkot ay malupit pa sa hitsura ng dalawang nagdaang digmaang-pandaigdig… gitgitan…mabagal…madugo at mahaba ang mga labanang nagaganap sa puso’t isipan ng mga magkarelasyon…

Sa puntong ito…parang gusto ko na isagot sa multiple choice yung ..letter “e”…..kase kung ako nga …yung ibang hapdi sa puso ko e wala pa din pangalan hanggang sa ngayon… pero dahil inilatag natin ang isyu…pagtangkaan na den natin sagutin… siguro…siguro lang naman… tone-toneladang pagchachaga… hinahon…pasensya…at pananampalataya ang pwedeng maging susi sa tagumpay….ito yata ang manganganak ng respeto… pang-unawa…malasakit at kakatig sa pinanghahawakang tunay na pagpapahalaga sa mga bagay na “mahalaga”…sa magkapusong sinusubok ng kanilang pagkakawalay…

Haaaay sori talaga… hindi ko naman gustong pag-isipin ka… sirain ang araw mo….baka nagka-indigestion ka na sa mga dinakdak ko … well kung wala naman kinalaman sa’yo ang topic…atleast now alam mo na po spelling ng  cryogenics….

 

 salamat sa machaga mong pagbabasa…

Comments 2 Comments »

Mahal ko, ewan ko kung sa puso mo’y naubos na ang tamis ng mga alaala….kung di ito sumapat sa mahabang tag-araw at taglamig na binuno nating di magkasama…naglaho na yata ang init ng iyong pagtingin…nanamlay na ang pananabik…nagsawa na sa paghihintay…. pagod na sa madalas na tampuhang nag-iiwan ng mga latay ng alinlangan…hindi na ba magkarugtong ang ating mga panaginip?…bumitaw ka na ba sa paghawak sa ating mga pangarap?

Napakaraming tanong…bunga na siguro ito ng namamagitang lawak ng espasyo at mahabang panahon ng pananahimik…ayaw kong isipin…ngunit di maikakaila… na sa bawat araw na nalalagas sa kalendaryo…ay lalo kang napapalayo…nagiging estranghero…unti-unti kang nagkukulong sa bakod ng iyong pagsasarili…hindi ko maintindihan…paano unti-unting nadurog ang mga tulay…kung paanong naubos ang bokabularyo ng matamis na pagsusuyuan…hindi ko namalayan…hindi ko napaghandaan…nanaig na yata ang pwersa ng pagkakawalay ….unti-unti nitong inilibing sa limot ang ating pagiging magka-isang palad…

Sa kabilang banda’y….niyakap ko ang pait ng pangungulila…kahit na madalas akong di patulugin ng malalakas na kulog at matatalas na kidlat…sa kalangitan man o sa aking kalooban…nagsisiksik parin ako sa sulok ng ating mga alaala…at duon ay napapayapa ang aking pagkabalisa… di ko alam panong  sa tuwing aagos ang tubig sa mata ko’y para bang katabi kita…handuon ka…hinahaplos ang aking mukha…niyayakap ako ng mahigpit….hinahagkan ang mga takot ko at pag-aalala …hanggang sa tuluyan itong mawala…oo handuon ka…kasama ko sa aking pag-iisa…

Kahit na sabihin kong hindi na ako umaasang magtatagumpay pa tayo sa hirap ng mga pagsubok…alam kong sa loob ko’y nakahawak parin ako…kahit na sabihin kong…kaya kong harapin sakaling sabihin mong tapusin na natin ito…alam kong sa loob ko’y maiiwan ako sa ating mundo…kahit na huminto na tayo sa ating pagpipilit na manatili ang pagkakabigkis…. Alam kong ako’y magpapatuloy…. aasa… maghihintay… mananalig parin…

Hindi kita pipigilan sakaling nais mo nang lisanin ang ating pugad…hindi kita pababaunan ng pait at bigat… kakatigan ko ang laya mong hanapin ang iyong bagong langit… kahit na gaano kahirap ‘yon… alam mong hindi ako hahadlang….dahil hindi bitag…hindi hawla…hindi kadena ang ikinawing kong pag-ibig… mauunawaan ko…hindi ko gusto…ngunit tutukuran ko ang kalayaan mo…

Alagaan mo sana lagi ang sarili… at katulad nga ng sabi mo dati….”matulog ng mahimbing…managinip ng maganda”… hangad kong kahit paminsan-minsan sana’y makapagpahinga ka mula sa mabigat na pagpasan sa ‘yong mga alalahanin…

Hanggang dito na lamang…at sana’y umabot sa iyo… ang sa twina’y  ibinubulong ko sa hangin… yakap ng aking mga panaginip…laman ng mga dalangin… bukal ng luha ko’t tuwa…dalawang salitang hindi ko kalian man masukat ang lawak at lalim….at minsan ay waring kapos parin upang ipaliwanag kung anu ka sa akin…..

Mahal kita…

P.S

(Praktis lang Shunga!…niwala ka naman….eto talaga gusto ko sabihin….madapa ka sana…mahulog sa manhole… mabilaukan…mauntog…tamaan ka sana ng kulog…masagasaan ng pison…tubuan ka sana ng pigsa sa pwet… buset!)

Comments 8 Comments »

Kwento ni Mabuti (Genoveva D. Edroza)

Dahil kapag mahal mo ang isang  bagay….lagi mo itong binabalikan…paulit-ulit…di ka nagsasawa kahit halos kabisado mo na lahat ng detalye…kaya binasa ko ulit ang “kwento ni mabuti” mula sa “Ang Silid na Mahiwaga…kalipunan ng mga kwento’t tula ng mga babaeng manunulat” (sa patnugot ni Soleded Reyes)…ewan ko…siguro’y gusto ko lang makisukob sa init ng pagmamahal na nasa puso ng kwneto…

lagi ko siyang iuugnay sa kariktan ng buhay“, sabi ng naglalahad ng istorya…patungkol sa dati nyang guro na kung tawagin nila ay “Mabuti”…walang anu mang kamangha-mangha kay Mabuti…mula sa kanyang anyo hanggang sa kanyang tungkulin sa paaralan…siya’y larawan ng pagka-ordinaryo…tinawag siyang “Mabuti” dahil madalas niyang bukang-bibig ang salitang mabuti….sa kahit anu mang kanyang sinasabi… hindi siya bumabanggit ng kahit anu tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng kanyang pagtuturo…subalit hindi ibigsabihin nito na walang lubak ang kanyang landas…lamang ay, mas gusto niyang tingnan ang buhay sa pananaw na ito ay “mabuti”.

1952 ng maisulat ang kwento…kaya ang hagod ng mga salita at balangkas ng mga pangungusap ay “puro” o payak…o malambing sa aking pandinig….parang tula o isang kundiman na umaawit ng dalisay na pag-ibig… (palagay ko nga ay napakasimple ng istorya…pero ang daloy ng paglalahad ay parang tahimik na paghuni ng isang malamyos na awit ng pagsinta…ewan baka naman guni-guni ko lang yun…ngek? (churi po…nipipigil ko nga na wak magpatawa po)

Narito ang ilang linyang nagustuhan ko… ( at mga hirit kong lagpas sa guhit)

Mabuti sana’y hindi maging iyo ang ganoong uri ng suliranin…kailan man. Ang ibig kong sabihi’y…maging higit na mabuti sana sa iyo ang…buhay. (sa tingin ko mas magaang kasama yung mga laging sa liwanag nakatingin kaysa sa kadiliman…nakakahawa kase ang takot …at nakakabuhay naman ng pag-asa kung positibo ang pagtanaw)

Ang pagmamalasakit niya’y tunay na matapat….” (an sarap pakinggan nito dibah?)

“Pagka-uhaw sa kagandahan…”  (andami kaseng pangit po…nagkalat..kakadehydrate po tuloy…mga taong mapanlamang…makasarili…hambog…at feeling cute all the time,,,,ngek…aku ata un “feeling”?) 

“Pagbibigay kahulugan sa mga bagay na para sa ami’y walang kabuluhan…” (aliwalas ng umaga…awit ng ulan…ngiti ng araw…liwanag ng buwan…kumikindat ang nakasulyap na tala…napapansin mo pa ba toh?…may kabuluhan ba sa yo?) 

“Isang bagay sa buhay niya na nalisya ng ganon na lamang…” (pwedeng mangyari ng ganun ganun lang ang mga bagay na magtataglay ng mabigat na implikasyon sa buhay at sana’y wag ito mabigat na dalhin….pwede…lahat kase pwedeng mangyare dibah?…sa ingles…all is fair in love…ngek…juks!)

“Kumirot sa puso ko ang pagnanasang tanganan ang kanyang kamay, lumapit sa kanya ….at hilinging magbukas ang dibdib sa akin…” (guilty ako dito… minsan kase gusto ko na yakapin nagngunguyngoy kong kaibigan….sermon pa inabot sa ken…patawarin….tao lang po!)

“Iyun lamang nakaranas ng mga lihim na kalungkutan ….ang maaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan…” (e bakit yung iba po…anlupit na ng naging lungkot ….pero ambabaw paden?….ah siguro kinukubli lang nila totoo nilang damdamin… pero bottomline po…palagay ko iisa lang ang mukha ng saya at lungkot…bipolar duplicity…parang kara at krus sa barya?… magkaiba pero magkasama palagi…parang si matching at si pagong…ngek anlayo na ata nun…..churi po!)

“Nadama kong siya ay ako….parehong dumaranas ng lihim na ligaya’t kalungkutan..” (diba naman?…kahit gaano kaganda….katayog…o makapangyarihan ang tao…hangga’t inaamin nyang tao lang sya…parepareho lang tayo ng dinaranas…lungkot at saya…kaya wag sana tayo liparin ng hangin ng ating mga kalakasan….at wag den naman ilibing ng ating mga kahinaan…ayus na yung medya medya lang….sabe nga….”tumawid sa tamang tawiran….ngek!)

“ang kariktan ng katapangan….ang kariktan ng pagpapatuloy ano man ang kulay ng buhay….” (nararamdaman mo ba minsan na parang sinilang kang kakambal ang kamalasan?…well, ako po madalas…nitanong ko nga si wits (utol ko) kung kelan naman dadateng swerte samen….sabe nya….yung mga bonggang saya daw….sa dulo dumadateng….sabe ko ay uu nga…kase sabe nga dibah….”sa hinabaha daw ng prusisyon, sa sementeryo den ang tuloy”….waaaaaa!)

Byahe lang po!…..at kung me masama….meron din namang “Kwento ni Mabuti”…

Salamat sa pagtitiyaga mong magbasa…. (para namang me nagbabasa nga…ahahahaha!) Ciao po!

  

Comments 35 Comments »

Antayin mo

Hayaan mo lang ang mundo

Hayaan mo lang silang magkagulo

Hayaan mo lang kung hindi ka kasali

Hayaan mo lang kung wala kang  katabi

Isang araw mahihilo din yan sa pag-ikot-

Hihinto din

Pipirmis din

Makikinig

Makikinig sa katahimikan

Makikinig sa katahimikan mo

Kaya hayaan mo nang madaming araw ang kanila

Tiyak

Sigurado

May isang araw ding para lang sa ‘yo

Antayin mo!

 

Comments No Comments »

Duplicity

Like two sides of a coin

Toss, and turned out the same somehow

Like the night to daybreak

Engulfed to inevitability of mortality

Like rain to sunshine

Forever reaching to an eternal counterpart…

Me and You,

A metaphor of ironic balance

A complimenting contrast

A symphony of chaotic harmony

A bipolar duplicity…

May 25,2007 when I wrote this poem…. and my painting above entitled “harmony” was done a year earlier… ewan ko po kung pano nyo babasahin ang tula…kahit nga ako everytime na basahin ko ito …nagbabago ang pag-kaintindi ko…pero nagustuhan ko ang pagkatimpla ng mga imaheng pinagkumbina (sensya na kung ako na den magkagusto sa tula ko…waaaaaa)  lalo na yunglast part….tagalugin ko po para magets ko lalo… ngek! Niweys, bahala  na po kayo  umintinde kung anu dawwwwwwwwwwww?  (ang Filipino version …”lost in translation” po)

Ako at ikaw   

Ay Talinghaga ng balintunang balanse                  

Ay Magkatugmang  pagkakaiba                                         

Ay Tugtugin ng masalimuot na pagsasalo             

Ay Nasa magkabilaang dulong kaisahan

 

Comments 1 Comment »

Butterfly_2

Wanting to reach -

But meaning escapes

The cold utterances.

Wanting to hear –

But the drumbeating

Couldn’t out-sound

The screaming

Silence.

You and I in an endless circle

Of wanting, wishing…

Linking imaginings

With a breath of life,

Hoping against hope-

To belong.

(me dumapong butterfly sa kamay ko nung isang araw… medyo natakot ako… nag-isip…ano kaya gusto nyang sabihin?…well nakita ko ang lumang sketch ko ng babaeng nagsasayaw hawak ang tamborine… me tattoo sya ng butterfly sa bewang… at binasa ko ulet ang lumang tula ko… "linking"…at napagdugtong-dugtong ko…ang mga thoughts… nireremind lang siguro ako….na lahat ng hinahanap kong pag-ibig…ay nasa akin na…naisip ko den bigla ang kanta ng Eheads…"wag kang malumbay….ang pag-ibig ko ay tunay….sabihin man ng ‘yong nanay na- di ako nagsusuklayyyyy…..ngek…anu konnek nun?…hehehe…pag-naisip mo paki-explain saken pede?

niway….sabi ni ness…pagdumapo daw ulet saken ang butterfly…IGARAPON ko…at kung nanay ko daw yun…sabihin ko daw na wak muna ko sunduin at di pako tumatama sa lotto….ngek!…ang gulo-kulogo…ge po halungkat pako sa baol ng mga alang kawenta-wentang mga masterpieces ko… baka me tutubi den dun…ahahahha…tnx sa pagbasa po (as if me nagbabasa nga neto….haaaays! ciao po!)

Comments No Comments »

Ikaw at ako ay nasa matayog na pag-akyat…ang pader ay mataas at ang inaasam ay mas mataas….ginawa mo ang unang paghakbang nang kilalanin mong Siya ay para sa ‘yo… ibinigay Nya sa ‘yo ang kanyang lambat na pangsalo at sa kamay mo’y inilagay nya ang lubid…..ang kanyang salita.

Ang una mong mga hakbang ay buong-tiwala at matatag…ngunit sa paglalakbay ay sumapit ang pagkalito… at ang tayog ay naghatid ng takot…naligaw ang ‘yong mga hakbang…nawala ang pagkasentro ng iyong pananaw…nawala ang higpit ng ‘yong kapit…at nahulog ka….sa ilang saglit…na para bang walang hanggan…bumulusok ka sa pagbagsak … walang kontrol… walang sariling kontrol… naguguluhan…nawawala…nahuhulog…

Subalit ang lubid ay lalong naghumighpit…at ang pagbulusok ay huminto…nanatili ka sa kanyang lambat na pangsalo….at natagpuan mong matibay ito…kinapitan mo ang lubid at natagpuan mong ito’y totoo….at kahit di mo nakikita ang iyong Gabay…kilala mo Sya….alam mong Siya ay matatag….alam mong kaya Niyang pigilan ang iyong pagbagsak….

(”food for the soul”…sa takalok…”di lang sa tinapay nabubuhay ang tao…samahan mo naman ng panulak! (ngek…churichurichuri…patawa lang onti po) salamat norms for sending me the english version of this piece…so cool!…tinagalog ko po para maintindihan ko lalo…bopols na kase ko sa Inggles…

Sa lahat po ng naligaw dito….

kapit lang!

Comments No Comments »