ang balagBLOG na blog…at ang me pakana…
napaka-ingay na ng mundo… hinde mo na tuloy alam kung anu susundin…kung kanino makikinig…tapos eto…nakikigulo pa ko…(sori po!)
wala naman nga talaga sigurong kakaiba…o kamangha-mangha sa mga sinasabi ko…pero kung nadama mo o naunawaan ang nararamdaman ko (na pwedeng parehas lang din ng kinakaharap mo)… masaya na yun… para na ring nakahanap ako ng kaibigang handang makinig at makibahagi sa anu mang dalahin…
masarap kase bumyahe ng me kahuntahan….di mo namamalayan ang pagod, pagkainip, o anu mang hirap …tulad din nang masarap kumain ng may kasabay…kahit hindi masarap ang nasa lamesa… masayang napagsasaluhan…
salo-salo lang po tayo…sama-sama…akbay-akbay at kumaway ng sabay-sabay! (nyah!)
alay ko po sa lahat ng handang makinig ang mga tekstong nagpadugo sa utak at puso ko…at pumanday sa talas ng aking paniniwala at pananalig…
salamat sa ‘yong pag-aabala… salamat at napadpad ka at di nalula magawi sa sulok kong ito…”sa gilid ng bangin”.
mabuhay ka po!
Entries (RSS)
tama po kayo….maingay nga ang mundo….minsan ayoko nang pakinggan….minsan ang teknolohiya nakakagambala sa tahimik na pamumuhay pero sa ibang banda….masaya ako at naimbento ang computer…nakilala ko kayo…di ko man kayo nakikita alam ko sa sulok ng mundo nyo pareho din lang tayo ng nasisilayan….alam kong busilak ang puso nyo…wag lang po sana tayong mahulog sa bangin pag tayo ay kumaway ng sabay sabay nyahahahahaha…ayoko pong dumugo ang utak at puso nyo kaya hinay hinay lang po hehehehe…sa gilid ng kahit na anong bangin ang tanawin ay ubod ng ganda…nakakalula….pero may dulot na kakaibang halina….napahinto ako’t napasabi ng….ang galing ng me pakana hehehehe God bless po…
ahahahhaha…wag naman nga sana tayong mahulog sa bangin sa “pagkaway natin ng sabay-sabay”… kapit tayo nang mahigpit sa isa’t-isa…para di mabuwal…
siguro kung makakapag-comment lang ang nanay at tatay ko (sana naka-online po sila sa langit)….sabe siguro nila…after reading your responses sa blogs ko…”ay salamat naman me nakapansin den…akala namin puros alikabok nalang kakainin nitong si kulasa…”well, kung hinde naman sila online dun…print ko nalang po pages dito…at nang maipagmalaki ko naman sa kanila…(siguro sa pagkikita nalang namin ulet yun…at wag naman sana anytime soon un…nyah!)…
sa lahat po nang nagbabasa ng balagBlog na blog (inde kaya puros kamag-anak ko kase kayo kaya nyo napagchachagaan toh?…ahahhaha)… sa mga nagbabahagi ng kanilang reactions (na lalo nakaka-inspire po)…nakasulat man dito o chinika lang sa akin…pati na dun sa hindi kumikibo (aba paramdam naman kayo…ala naman bayad yun…hehheheh)…. salamat…salamat…salamat…salamat….
naisip ko tuloy…diba nung maliit pa tayo…ang tanung lagi sa atin…anu gusto mo “maging paglaki mo?”…tas sempre hindi mo pa alam variety ng choices…so, iisa-isahin nila sa’yo…doktor…teacher…pulis…nars… kusenero…presidente…etc… tas sempre ulit sasagot ka nalang kahit anu…yung medyo pamilyar… hindi ko alam pano ipapaliwanag…pero ang gusto ko lang ata talaga “maging”, kahit nuon pa…e maging mabuting tao(loser?)….kaso wala naman yun sa choices (bat nga bah?)… and later on nga… dahil sumabak naden ako’t pumalaot sa gitna, sa gilid, sa hulihan, sa unahan…sumadsad…tumaob…tumilapon…sa lansangan ng buhay….ang gusto ko nalang ngayon e maging “totoong tao”(loser paden?)…
kaya kahit alam kong napaka-egotistical na larangan ang pagsusulat…e lakas-loob ko na itong gustong lusungin ngayon…puno na po kase ang baol ng mga unpublished works (sayang nga at nawala na yung mga naisulat kahit sa pambalot ng tinapa…sa tissues…sa likod ng mga riseta…sa ticket ng bus, etc…)…sabe ko nga po date…siguro bunga na din ito ng pagkabagot o ng paghahanap ko ng sagot…kaya isinilang na ang “sa gilid ng bangin”…(self theraputic or otherwise…hapi paden ako)
ang totoo’y duwag po ako magpabasa ng works ko… me personalidad ako na gusto ko lang “invisible”…yun tipong nakaupo sa dulo ng row 4…sa tabi ng basurahan…ganun!… ang pagkamahiyain ko po’y sagad hanggang buto… pero ewan nga ba…bakit tuwing me tanong ako at wala man lang kahit isa na nagbe-ventilate nito…kahit sa isang malaking forum…e bigla nalang akong eentra…at parang gripo namang naloss-tread ang bibig at utak ko na nun …ayaw naman nang tumigil…siguro ayaw ko lang pakulong sa mapanlinlang na katahimikan…
ewan kung magaling ako…abstrakto pa rin kase sa akin ang “galing” … basta alam ko lang na minsan gusto ko matawa…gusto ko umiyak…gusto ko magtanong…gusto kong usisain ang mga sagot na naka-kahon…gusto ko maglinaw….gusto ko magdasal…gusto ko huminga ng maluwag at mabuhay ng mulat at me pag-asa… kaya nakikigulo nadin ako… nag-aambag ng tinig hindi upang lalong dumagdag sa ingay…kundi sana ay upang humabi ng musikang magpapanatag sa isip at kalooban…sana…
…so when they say “the world belongs to the enemy”….hindi yun totoo…wag natin yun tanggapin…or kung totoo man…well, hasain natin ang ating mga sandata… bawiin natin ang ating daigdig… (anhirap naman ata nun?..,palagay ko nga….pero di ko naman po sinabing paka-war freak na tayo… ahhahaha…dinaman ata bagay sa mga jologs yun eh…nyahhhh!)
… gusto ko lang ata sabihin po….byahe lang tayo…sa liwanag!
mabuhay po tayong lahat!
alam mo babes ako wala ako yung tinatawag ba na people skills.hirap akong mag-initiate ng conversation sa mga social gatherings kaya di ako mahilig umattend.mahilig lang talaga akong magsulat kahit walang mahilig magbasa.sabi mo nga e egotistical etong larangang eto pero medyo kinapalan ko na rin ang dati ng medyo may kakapalang mukha ko.sabi ko sige makikidagdag ako sa ingay ng larangang ito kahit yung akin ay bulong kumpara sa dumadagundong na likha ng iba.ika nga e para makarating sa paroroonan ay dapat magsimulang maglakad(parang malayo pero maganda nag dating payagan mo na)
di kita kilala personally pero alam ko magaling ka.lumalabas naman yon sa sinusulat mo.nakikita yung pagiging analytical at academic mo.at ang isa pang hinahangaan ko sa yo e ang pagiging beterana mo…sa buhay.mahirap ikulong sa mapanlinlang na katahimikan ang nagsusumigaw na henyo sa iyong pagkatao.
sa gilid ng bangin babes ibang angulo ang kita, 360 degree panoramic view.kumbaga e mas marami kang nakita o nakikita kaya share mo lang. promise kahit kabagan ako sa katatawa o lumaki eye bags ko sa kaiiyak,makikinig ako.
lagi kong binabasa ang comment mong ito ms. eng…at lagi…tumitindig ang balahibo ko…baon ko ang inspirasyon ng iyong pagpapaunlak na mapakinggan ang aking mga akda…at taglay ko rin ang paghanga sa iyo bilang isang marilag na makata…
ngayon ko lang maisusulat ito…pero matagal nang sumibol at yumabong ang aking taos-pusong pasasalamat sa iyo kaibigan…
ngayon ay lalong naging makabuluhan ang ating sama-samang pagtanaw mula “sa gilid ng bangin”…
muli, maraming salamat!