Patalastas:
sinisikap po ng “me pakana” na mabuo ang antolohiya ng mga akda sa ilalim ng kategoryang “Bawtismo sa Liyab ng Apoy“… ito’y upang maunahan niya ang nagkukumahog na panahon na pumipihit sa kanya na tutukan ang ilang mahalaga at personal na prioridad…kaya, sa lahat po ng tumatangkilik ng aking espasyong ito…huwag sana kayong maturete kung magkasunod-sunod ang postings dito (crossed-fingers na sana nga ay magawa ko)…naaatat na din kase akong mai-publish ang mga works at nang di tuluyang umani ng agiw sa aking mahiwagang baol….
salamat po!
__________________________________
Ang “Laging Fiesta” ay lumang tula na hinango lamang mula sa imbakan ng mga creative works ko… nasa mambabasa ang ganap na kapangyarihan sa pagpapakahulugan…
Subalit gusto kong humirit ng kaunti, sa punto na ako ay isa rin sa taga-basa ng teksto…naisip ko lang…bakit kaya sa dulo ng mga relasyong romantiko…kapag nilalagom na ng dalawang partido ang kanilang “kawindangan” nuong sila ay ”bulag” na mangingibig pa lamang…madalas ibalibag ng lalaki ang konklusyon niya na si babae ay “emosyonal”…”OA”…”maarte”… na samantalang nuong kasagsagan ng pagsuyo niya dito…ay itinuring niyang “marikit na tala” sa madilim niyang mundo… ah, siguro galit lang sya…pero ganun man…sumusugat ng malalim sa “ego” ng sinabihan ang ganyang mapanlait na paghusga…
madalas din naman, sa isang banda…na ang babaeng naloloka na sa pag-iisip kung anu ang nangyari…kung bakit ang dating inakala niyang “maayos” na unawaan, ay hindi pala naging malinaw simula’t-sapol…ay nag-iisip na “uu nga ano…wala akong kayang gawin kundi umiyak”….”mahina” ako…
kaya para sa babaeng “umiiyak”…para sa iyo ito….basahin mo ulit ang iyong kwento…hindi ka mahina….huwag mo sana basta tanggapin na walang pwersa ang kakayahan mong magpasya…basahin mo ulit at lagumin ang istorya …pero ngayon…hanapin mo ang sariling tinig at panaligan ito….”kolektahin mo na ang mga naipong barya…at basagin ang mga alkansya!”.
_________________________
Laging Fiesta…
Kung ang pumapatak na luha ko sana ay barya,
ang dami ko na siguradong napunong alkansya.
Kung ang bawat “sorry” mo sana ay keso de bola,
lagi sigurado akong nagluluto ng lazana.
Kung ang bawat paghihintay ko sana ay tinapay,
siguradong busog ang buong barangay.
Kung bawat napakong pangako sana ay liletsuning baboy,
siguradong Fiesta buong taon.
Totoong masarap ang Fiesta,
nag-uumapaw ang lamesa sa grasya.
Ngunit kung aalukin mong muli ako
ng keso de bola, tinapay at litson –
Ipagpaumanhin,
hindi ko na ito tatanggapin…
Kinolekta ko na kase ang naipong barya,
mula sa binasag na mga alkansya.

Entries (RSS)
Would you believe tatlong beses po akong nagpabalik-balik dito sa bangin kanina…tagal kase mag open tapos napa CR ako ka ka antay, tapos pagbalik ko…natagpuan kong wala nang malay ang computer hehehe at ang umaandar na e yung mina marathon kong pinapanood na season ng grey’s anatomy e pinatay ko naman tv and dvd kanina..kinabahan ako nang todo..di kaya minumulto ako hehehe tapos nung nag attempt na naman akong I open blog nyo aba bigla ba namang nawalan ng kuryente..ayun naman pala ang nangyari nung lumabas ako…napatunayan ko na walang multo hehehehe tapos…open ko uli computer…nung bumubukas na naman profile nyo tsk nawalan na naman ng kuryente kaya ganoon po katindi ang suspense na bumalot sa akin bago ko napasok ang fiesta hehehehe…sobra po akong naaliw…baliw po talaga kayo hehehe paumanhin po hehehe baliw kase, nakakaya nyo ring tumawa sa gitna ng pighati…sino ba naman ang makakaisip ng letson habang umiiyak? Hehehehuhuhu pero nais kong ipahiwatig na ang pag ka baliw ninyo katulad ko e yung tipong pagka windang na may sense…na creative..na fantastic..na walastik! Alam ko gets nyo po…honestly..umiyak ako…first phrase pa lang…nakaipon na ako ng fifty pesos- sampung tig fa five pesos ang pumatak mula sa mga mata ko- pagdating ko sa “Kung ang bawat “sorry” mo sana ay keso de bola,” may time deposit na ako…at nang malaman kong nabasag na ang alkansya….nalugi na sa akin ang World Bank!
Asan na po yung kasunod na post? Can not wait po Hehehehe….
Galing nyo po!
Kaya…fiesta na po kung fiesta! Ibubuhos ko ang mga luha!
Love you po!
Oo nga at napaka sarap ng fiesta! Sagana! Ngunit sa likod ng bawat keso de bola ng umaapaw na “sorry” ay may dalang hinagapis… Ang timapay na sandali lamang ma-eenjoy sapagkat sinasawsaw sa pagkainip na nauuwi sa pagkabagot… pati na ang lechon at ang mga barya… Mabuti at natauhan din at nagkalakas loob na bigkasin ang
Ngunit kung aalukin mong muli ako
ng keso de bola, tinapay at litson –
Ipagpaumanhin,
hindi ko na ito tatanggapin…
Sana sa mga biktima ng panandaliang saya dulot ng ganitong klaseng “Fiesta” ay mabasa ang tula mong ito ng sila rin ay makapag isip at magkalakas loob na bigkasin ang mga salitang: “Ipagpaumanhin, hindi ko na ito tatanggapin…”
Another masterpiece Kurdapya! Kudos girlfriend!
“Salamat sa mga lalakeng naghatid ng fiesta sa buhay ko, dahil sa inyo natutunan kong maging matapang at matatag pagkatapos ng selebrasyong madugo.”
dko na maalala ang detalye ng mga fiestang dumaan sa buhay ko, alam ko lang nagkadurog-durog ako.
Pero siguro dahil merong isang ABBY na
*nakipulot ng mga baryang lumuwa sa mga mata ko..
*nakikain ng tinapay at letson…
Kaya ang fiestang masakit naidaos din.
ngayon, mas naappreciate ko pa ang pasko kahit malamig.
“Salamat din s may akda ng tula, naalala kong totoong matapang at matatag ako. Sana’y maalala mo ring pareho tayo”
Ipinakikilala ang babae sa bagong generation. Lumalaban. Pinaparating kung ano ang nasa isip. Marami na tayong choices ngayon at alam natin na tumayo sa sarili nating mga paa ng di umaasa sa pangako ng ibang mga lalaki. Ibang lalaki ang binanggit ko kasi di naman sila lahat puros pangako na napapako, meron ding mga lalaki na kayang tumupad sa kanilang iniwang salita.
Ahah ! eto pala ang sinasabi mong pinag kaka abalahan mo huh ! Babalik balik ako sa mga susunod pang kabanata. Ako ang number 2 fan mo, kc mukhang si Zen ang number 1 eh - di ko sya maunahan pag dating sa comment LOL
hehehehehahahahahahahaha Chay! sorry next time papaunahin kita LOL!
sa mga kaibigang nakisalo sa Fiesta…
Zen (sunsetzen)…..”umiyak ako…first phrase pa lang…nakaipon na ako ng fifty pesos- sampung tig fa five pesos ang pumatak mula sa mga mata ko- pagdating ko sa “Kung ang bawat “sorry” mo sana ay keso de bola,” may time deposit na ako…at nang malaman kong nabasag na ang alkansya….nalugi na sa akin ang World Bank…”
Tes (tekla)…….”Oo nga at napaka sarap ng fiesta! Sagana! Ngunit sa likod ng bawat keso de bola ng umaapaw na “sorry” ay may dalang hinagapis… Ang timapay na sandali lamang ma-eenjoy sapagkat sinasawsaw sa pagkainip na nauuwi sa pagkabagot… pati na ang lechon at ang mga barya… Mabuti at natauhan din at nagkalakas loob …”
Wit (tart))…..“Salamat sa mga lalakeng naghatid ng fiesta sa buhay ko, dahil sa inyo natutunan kong maging matapang at matatag pagkatapos ng selebrasyong madugo.” ….”ang fiestang masakit naidaos din….ngayon, mas naappreciate ko pa ang pasko kahit malamig….”
Chay (elizabethj)…”Ipinakikilala ang babae sa bagong generation. Lumalaban. Pinaparating kung ano ang nasa isip….
alam natin na tumayo sa sarili nating mga paa ng di umaasa sa pangako ng ibang mga lalaki…”
…napaka-sarap ng inihain ninyong putahe sa hapag ng ating salo-salo…ang paghanga ko sa inyo ay ganon na lamang din…salamat sa pang-unawa…salamat sa tinig na pangahas at malaya…
….at para sa mensaheng ito:
“Salamat din s may akda ng tula, naalala kong totoong matapang at matatag ako. Sana’y maalala mo ring pareho tayo”
uu, iyon nalang ata naaalala ko eh…hindi naman kase ako picnic di ba…at lalong ayoko ng madugong FIESTA…
….muli, taos sa aking puso. SALAMAT!
ay kagandang tula….tama un wak na kyu maglitson….nakaka hi blood lng un eh!!! wahaha….wak na rin magipon ng barya… bili na lng mani pampulutan sa malamig na beer! ‘gang sa muling paktatagpo….
ahahahhaha!…rose may, korek na korek…at kung letson de letche pa ang nagustuhan…hayyyy di lang highblood…santambak pang kaletchehan aabutin…at ang sobrang barya…ihulog sa vidioke (yung tig-5 pesos)…sabay banatan ng kanta…mala regine, charise, aegis agad!…ay naalala ko tuloy…sabi ng friend ko…pagkumakanta daw ako…ang galeng daw…pano ko daw ba nagagawa mag-isa yung mag-second voice at third voice sa isang kanta…ay namiss ko tuloy bigla si cathy at wit…pag kumakanta kami parang concert ng back-up singers…pero sobrang galing…..pati baranggay tanod nakikinig muna…pinapatapos kanta namin…bago kami sawayin…ngek!…me nagreklamo na palang kapitbahay?…ahahahahay…naaning ako sa koment mo…salamat…salamat…salamat…you made me tawa to the max…o diba na-konyo pa!…ahahahahay..see you around kapatid!
carmen, ang me pakana ka naman ngayon?
hehehe, pano nyo ba napa-palit palit ang pangalan nyo.
oy sarap nang litson, yun ulam ko kanina, haaay, kinalimutan ko muna ang cholesterol, bahala na sabi ko, itakbo ko na lang.
alam mo, galing mo talaga, mapasa tula man or mapasa kwento, lalim nang mga iisipin at ang mga kataga ay malakas. at gustong gustong ko ang tapang mo, sa pag-ayaw sa litson, hehehe, joking aside, hanga ako dun, talaga naman dapat di ba? ako rin, kahit masarap pa ang litson, kung galing sa kanya, sorry na lang sya! hindi tayo basta bastan iiwan lang at maghantay sa wala, me lakas tayo nang loob para sumulong!
“sulong mga kapatid!!!!”…ahahahay betchai…salamat at nagising mo ang dugo ni gabriela silang sa aking mga ugat (aray!…varicous veins naisip ko bigla!…ahahhaha)…sa ngalan naman ng pag-ibig…ang puso ko’y walang kadala-dala…kung me board exam nga dito…ako’y malamang semplang palagi…”di na natuto”…kumbaga sa pag-aaral…hindi na ko naka-alis sa grade one…ahahahay…kaya para magkaroon ng titulo…aantayin ko nalang na me mag-award ng honoris causa sa akin (wala ata nun?…ahahaha)…
nakakatawa lang po ang dating pero…ang totoo’y hindi madali umahon sa kinahulugan… sana nga meron “epoxy” or kahit bubble gum nalang…na pwedeng gamitin para magkadikit-dikit uli ang nagkagutay-gutay na puso…pero wala nun…kaya sa ayaw at sa gusto man ng “babaeng” binihag…pina-asa…sabay pinagpalit sa isang balot ng pancit canton…ahahhahay…wala na syang ibang magagawa kundi sandigan ang kanyang tapang…ibangon ang sarili…at harapin ang bagong kawindangan na darating sa buhay nya (nyahhhh!)…
gusto ko pa din naman ng letson…lalo na kung ito’y totoo at hindi drawing lang na tulad ng napakong-pangako ni batman….salamat…salamat…salamat betcha at pinaunlakan mong makadalo sa Fiestahan dito sa “gilid ng bangin”….
hehehehe dito na naman po ako hehehe- eto po dialogue nyo…pahiram po…dapat jan sa mga batman na nang iiwan at nangangako nang napapako…ni re rape hehehehehe ka ka challenge naman po nyang batman na yan hehehehe napapaisip ako nang malalim…ano meron sya? ano pa ba ang wala si kurdapya? kung utak sa utak lang naman e sagad sagad na sa laman hehehehe ..pero keber na nga kase sabi nga ni kurdapya ayaw na nya ng kanyang keso de bola kaya hala hanap na lang ng bagong Fiesta…yung tunay na masaya hehehehe…..haaaayyyyyyyyy dito lang po ako….handang makikain sa bawat letson at keso…sayaw lang po sa tugtog ng buhay! Ole!
buti na lang babes at sa buhay hindi everday fiesta…dahil kung nagkataon e magbabara sa ating mga varicose veins este ugat ang malasebong pangako na walang katuturan,hahalimuyak ang makawalang malay na amoy na sorry sa ating katinuan at syempre pa nakasusuka naman ang araw-araw na paglunok ng paghihintay.
at higit sa lahat pasalamat at paisa-isang araw ay nakakapag-ipit ng barya-baryang lakas sa alkansya.kase sa huli yung paunti-unting naipon aba e pag dumami ay sus siguradong makakabyahe na tayo.since nagbasag rin lang ng alkansya ay pakapehin mo naman ako….
zen…ahahahaha…anlakas mo talaga makatimbre…korek….nawindang ang love affair ni kurdapya ke batman…pero wala namang batgirl…at si kurdapya ay wala ding kulapo…ahahhaha…pero teka…parang me bagong ihip ang hangin…at matanong ko na rin ang opinyon mo…kung si batman ba ay bumalik at me dalang cheeze bar…o. yan …hindi na keso de bola…tatanggapin mo ba?…hindi na lazana maluluto dun….baka cheese sticks nalang…ahahahay…nakakaloka…asn na ba ang bato ni darna at kaailangan ko na atang magtransform…pero baka naman si ding ang makatuluyan ko nun…anu bah!…ahhahah…well susundin ko ang payo mo….sayawan ang tugtog…teka anu ba tugtog…ayoko ng cha-cha plsssssss!
Ms. eng…tara…umaatikabong kapihan na ito…palagay ko’y gagayahin ko ang style mo friend…sasampolan ko si kulas ng “best performance of my life”….sabay tanong…”what if”…hindi mo ko tuluyan…nakikita mo ba tong baril ko….tandaan mo lang…”i’m sticking to my gun”…huh!….ahahahhah…patawa lang onte po…well palagay ko naman ay walang hindi nadadaan sa magandang usapan…lalo na kung nakatutok na ang balisong ko sa tagiliran nya…wahahhaha
haayyy…salamat…salamat mga kaibigan…nasasamahan nyo pa rin ako kahit sa aking kawindangan…Thank you po!
ang tugtog po? ayan napapakinggan ko now…mula sa profile nyo- sabi nya “yes, i am invincible….I AM WOMAN!” ..tapos sumunod e HAWAK KAMAY hahahaha lagot na sweet dance na yan hihihihi susundan ng I AM WHAT I AM….hmmmmmmmmmmm sa tanong kung tatanggapin ko po ba ang cheeze bar? …bakit hindi….masarap atang mawindang………hihihihi….pero subalit datapwat ngunit kung ang kasunod nun e katakot takot namang pagbabasag ng alkansya….bibili na lang ako ng sarili kong cheese..ipambibili ko yung naipon kong barya mula sa fiesta….si batman…bahala na muna sa kanya si Lord…kung kinaya siyang patinuin ni Lord….tsk…sige i we welcome ko uli at fiesta na kung fiesta pero pag pati si Lord e ala na nagawa huh….siya na ang ihain sa pista hihihihi love you po!
kulasa…bat ang aga mo namang magising ha?…duty ba?…well ako den duty…sikyo na ko kase…ahahhaha…so ok…ok…nagets ko…ang dapat palang sabihin ni kurdapya ke batman…”uy pakabait ka…..at baka kunin ka na ni lord…sana?”….tama ba yun?….ahhahahah….at kung di pa sya nagpakabait…ang susunod na blog dito sa bangin….”pano magkatay ng lilitsuning batman”….ahahhahhaha….love u den po!
hehehehe duty po ako kanina ngayon at home na ako pero teka imbes na matulog na ako andito pa ako sa bangin tsk adik na ako hehehe pero sabi nga ni Chay ako number 1 fan dito kaya nakahanda ako kelan man balak litsunin si batman nyahahaha…..
ahhahhaha….zen…mababaril talaga tayo sa luneta sa pagka-jologs natin…anu ba yan!…pareho tayong adik sa mga ka-blogan na ito…susko po…ako den di makatulog pag di nag-papa-attendance sa page mo…sabe ko teka…kabasa nga muna ng mga ka-insane insane na kawindangan ni kulasa….ahhahaahha…teka..tumaya ka na ba ng lotto?…taya ka na para pagnanalo ka…magkape tayo sa kubo nyo….sama si eng…at buong tropa ng salitype…..duon na tayo maglison…ahahhaay…matulog ka na nga!….love u!
ha!ha1ha!kulasa and kurdapya…rain check muna ako sa kape at litson hanggat di ko alam caused nitong palpitation ko.
kahit baso ng tubig e parang nagkape na rin kase kayo ang kasama……naks huh!
p.s pala…
me kulasa at kurdapya…ano kaya ako naman si kuratcha!!! ha!ha!ha!
ahhahhaha…ms. eng…bagay na bagay ang kuratcha sa yo….”ang babaeng walang pahinga”!….pero teka…hinay-hinay jan sa kape…at matulog ng maaga…madami pa namang adik sa lungga natin sa forum….kaya…pahinga ka ng madami….at wag kalimutan mag-ehersisyo…mas maganda kung kasama si hubby…para masaya! (kindats!)…..ahahha
napadapo na rin lang naman ako dito magpaparamdam na ako hihihi…gosh Carms…pag nanalo ako sa lotto wag naman na tayo dito sa Pilipinas nating mahal magkitakita sa North pole na hehehehe…Esmeralda Odette aka Kuratcha pagaling ka ha….wag na muna yung excercise with hubby at baka kung mapano ka hihihihi
Aysus… nagbulungan si kulasa, kurdapya at si kuracha dito hahahahaha ang lakas lakas dinig ko hanggan dun sa baryo namin ! Tawagin nyo si kangkarot andun lang at kasama na naman si Mr. Kangkarot LOL
Sama ko dyan sa litsunan !
pechay…ahahahhaha…ako’y nabulaga mo…susko ang puso ko san na ba napunta…yes yes yo!…kasama ka para kumpleto…now ready na talaga…litsunan na…yahooooooo!….ahahhahaha (aba’t kita mo parang naging tula pa ata yun?…hapi lang i guess…kase andito ang buong tropa)…wow talaga!
Kurdapya, sorry out of topic na ko, nasabi ko pala si kangkarot eh di mo sya kilala. Teka email ko sayo ang YM namin kanina pakilala ko sayo ang bagong character.
pechay…payag ba naman si maricar habibi na tawagin natin syang kangkarot…ahhahaha…kunsabagay…swak naman ang dating…
toink!…aray!…habibi…kaw ba nambato ng kamatis?…hihihihi