Nagriring ang cellphone nya …dinukot nya sa bag at tiningnan kung sino ang tumatawag…nanay daw…hindi nya sinagot… ibinalik nya sa bag…kanina pa sya naghihintay sa silid na ito…ikalawang balik na nya dito…nung una ay hanggang pintuan lang sya…ilang minutong nakatayo duon hanggang pumihit syang palayo….halos patakbong umalis …akala niya’y hindi na siya babalik pa dito…ngunit matapos ang usapan nila ni Miguel ilang araw na ang nakakalipas, ay heto syang muli…
…at ngayon nga’y nakaupo na at naghihintay na syang maisalang… sa madilim, mabaho, maduming silid na ito…pakiramdam niya’y nasa lethal injection room siya…nasa silid na may electric chair….nasa lugar ng pinagdarausan ng firing squad…pagpugot ng ulo…bitayan…isang lugar kung saan kinikitil ang buhay…buhay na hindi pa man nakasilay ng liwanag ay nahusgahan nang tapusin…wala nang kasing dilim sa pakiramdam niya ang surgical clinic na ito …at hinihintay na lamang nyang tawagin siya ng berdugo….
”ngayong araw na ‘to…dito sa silid na ito….ako ang magpapasya kung kaninong buhay ang mas mahalaga…sa akin ang pasya…buhay ko …katawan ko…kapalaran ko….akin ang pasya…paulit-ulit na bulong niya sa sarili…”at kasabay noon…waring narinig niyang muli ang sagutan nila ni Miguel sa huli nilang ingkwentro….
“jen, heto ang pera…hindi ko na uulitin sa ‘yo…hindi pa ‘ko handang maging dad…maging asawa…magpamilya…ano ang magiging future natin…pareho tayong estudyante…pareho tayong dependent …hindi pa ngayon…”
“inuutusan mo kong patayin ang sarili mong anak?…ganun ba?…”
…mahabang katahimikan …pagkatapos ay nagsalita ulit si jen… mahina…marahan…”baka naman kaya rin natin …marami namang iba na nagdaan sa ganito pero kinaya nila…subukan din natin?”
”No!…it’s not that easy…don’t romanticize on this…ano?… magsasama tayo?… magmamahalan?…pero kapag naghirap na …kumalam ang sikmura….when real problems set in…everything will turn sour…at duon natin maiisip…sayang…sana hindi na natin pinaabot duon….and by then…magsisi man tayo ay huli na….you are smart…you know better than that!…Let’s see this in a practical, realistic way…pareho tayong hindi handa…at mangdadamay pa tayo ng isang walang malay na bata….
“pero ang walang malay na bata ay anak mo!…flesh and blood!”…mariin ang pagsalungat…nanghahapdi na ang mata ni jen…ngunit hindi ito oras ng pag-iyak….gusto niyang maging reasonable ang usapan…gusto niya ng pang-unawa at hindi awa… …tatlong buwan na ang kanyang ipinagdadalang-tao… at kailamgan niya ng malinaw na direksyon kung paano ito haharapin…
“look…sayang ang scholarship mo…and I’m damned sure hindi matatanggap ng parents ko na maipakasal sayo…”
“iyan!…that’s the main reason kaya gusto mong ipaabort ko ang baby…dahil hindi mo ko kayang ipaglaban sa parents mo…don’t make ours a classic soap- operatic story Miguel…busabos na na-inlove sa mayaman…wag mong ibaba jan ang lebel ng kwento natin!...sumisigaw na sya…naghahamon …”and don’t you dare talk about my scholarship…being practical and realistic…you are just too scared to give up the comforts of your pathetic lifestyle…barkada mo…mga bisyo mo…mga luho mo!…I don’t get it…how could you care so much about yourself and not this child… your child!..”
‘shit!…kahit anu pang sabihin mo…I’m not ready!!!!…and yes…now that you’ve mentioned it…totoong hindi ka tatanggapin ng pamilya ko..i don’t mean to insult you….pero alam ng pamilya ko na disgrasyada ang nanay mo…dalagang-ina… even before she married a foreigner and lived abroad…and you”…
hindi na pinatapos ni jen ang sasabihin ni Miguel…
”Gago!…gago ka pala eh…but for the sake of argument papatulan ko ang makitid mong pananaw…disgrasyada?…tama…therefore victim…dapat gamutin…dalhin sa hospital…at yung nakadisgrasya?..anu tawag sa kanya?… criminal…dapat parusahan…dalhin sa preso…at ang pinagagawa mo sa akin ay pre-meditated murder…so anu tawag sa ‘yo?…murderer!…and if I choose not what you wish…magiging dalagang ina din ako…at anu ka naman by then…binatang-ama na ayaw maging ama?!!!
“Putang ina!… stop it!”
“Putang ama!…and who will speak on my behalf?”
“bata pa ko jen…ayoko pa….hindi ko pa kaya ng responsibilidad…I don’t want yet my own family!…”
“bata pa rin ako…hindi ko rin kaya ang responsibilidad…lalo’t ng mag-isa!…and take marriage out of the equation…hindi asawa ang hinahanap ko sa ‘yo ngayon…tatay…tatay ng anak ko…kaya mo ba…pananagutan mo ba ang anak mo?”….
gusto nang malusaw ni jen sa pagkakataong iyon…ngunit nagpapakatatag pa rin sya…at sa mahinahon…halos nakikiusap na pananalita…
”sagot ka….sagot ka…Miguel payag ka bang maging ama ng anak mo?”
waring naubos ang hangin sa paligid…hirap siyang huminga… bumalot ang nakabibinging katahimikan….ngunit ilang sandali’y kinabig na ni Miguel ang kamay ni jen…inilagay niya dito ang isang sobre…at habang kinukuyom ng mga palad niya ang mga palad ni jen…marahan niyang sinabi…
”I’m sorry…”
…at pumihit na itong palayo…tinungo ang kotseng naka-park sa kanilang harapan…at lulan ng magarang sasakyan….bumiyahe nang palayo si Miguel…palayo…ngunit sa pakiramdam ni jen…tinumbok ng kotse ang kanyang kinaroroonan…at sinagasaan siyang tuluyan…isang kaso ng “hit and run”…gusto niyang sumigaw…pero sino ang makakarinig?…sino ang dadakip sa kriminal?…hanggang sa tuluyang naglaho na sa tanaw niya ang lalakinghumusga sa kanilang buhay na mag-ina ng “I’m sorry…”
hindi niya alam kung paano siyang naka-uwi…namalayan na lamang niyang kumakatok na siya sa kanilang pinto…binuksan iyon ni net….ang pinsan niyang agad na nakabasa ng hinagpis sa mukha niyang iyon na hindi kayang ilarawan sa salita…niyakap siya nito…niyakap ng buong higpit…at duon na kumawala ang paghagulgol niyang kanina pa bumabayo sa isipan…dumudurog sa kaibuturan ng kanyang kalooban…
sa pagkakayapos niyang iyon ay hinayaan siyang umiyak ng umiyak ni net….matagal na pag-iyak na parang panaghoy ng isang namatayan….at nang wari’y bahagya nang kumalma ang nagngalit na pagtangis…marahang nagsalita ang pinsan..,
“hindi ko alam ang sasabihin jen…say something…makikinig ako”…
…at parang nangangapa ng anu mang pwedeng makapag-pagaang sa pakiramdam ni jen…bigla nalang nitong pinakawalan ang isang malutong na mura…
”Putang ama nya kasi…ewan kung paano sya naka-buntis eh wala naman syang bayag!”…
…at duon na nag-angat ng mukha si jen…kumislap na bigla ang mata…at kahit umaagos pa ang luha ay napangiti sa kanyang narinig…
“oo nga putang ama nya…wala syang bayag”…inulit ni jen ang sinabi ni net at sabay silang natawa…..ahahahha…ansarap sa pakiramdam…at inulit pa nyang minsan…”putang ama nya…wala syang bayag!!!!”…at ngayo’y naging mas malakas ang kanilang sabay na paghalakhak…ahhahaha…
Nagring ulit ang cellphone na bahagya niyang ikinagulat…nanumbalik ang kamalayan niya sa kasalukuyang kinapaparoonan… handito nga pala siya sa abortion clinic…naghihintay na maisalang matapos ang ilang pasyenteng nauna sa kanya… ayaw niyang sagutin ang telepono…si nanay ulit iyon alam niya… naikwento ni net sa ina ang kanyang sitwasyon…nagkausap na rin naman sila ngunit parang balewala lang sa kanya ang mga sinabi ng ina….ang totoo’y sa kalituhan niya’y hindi na niya marinig anu man ang sinsabi ng kahit sino…
Isang pasyente pa bago siya, ang naghihintay sa madilim na silid na iyon…walang paghuhusga…nagtataka lamang siya bakit kapag nanganganak ang babae’y handuon ang lalaki sa tabi nya…ngunit sa ganitong pagkakataon…iniiwanan syang mag-isa…magkasama sila sa sarap…ngunit ngayon…sa impyernong ito…aakuin nang lahat ng babae ang pagdurusa…hindi patas!…
…panay parin ang ring ng telepono nya….ayaw tumigil…kaya’t naispan niyang lumabas muna ng clinic at sagutin ang kanina pa nambubulahaw na telepono… habang dinudukot niya ito sa bag ay napansin niyang gabi na pala at kabilugan pa ng buwan… naglakad-lakad siya sa gilid ng eskinita palayo sa clinic…sinagot niya ang telepono….
“o, nay?…
ok naman…
sabe mo ako ang magdedisisyon?…
alam ko…alam ko…
oo…pinag-isipan ko na ito ng matagal…
hindi…bakit ka pa uuwi?…
no, you listen…walang kinalaman sa ‘yo ang desisyon ko…
no, it’s not about you…
…let me have the last say on this…
ok, sige…sige …sige …makikinig ako…”
…habang nakikinig sa boses na nasa kabilang dulo ng linya ng telepono ay titig na titig si jen sa bilog na buwan…hindi niya namalayang mahaba na pala ang nalakad niya palayo sa pintuan ng clinic…hindi niya namalayang matagal na pala siyang nakikinig sa nanay nya…at habang nakikinig ay walang kamalay-malay niyang itinaas ang kuyom na kamao…sinipat ang bilog na buwan…nasambit niya ng pabulong sa sarili…”oo…akin ang desisyon…akin ang desisyon …kahit ito’y isang desisyong suntok sa buwan”
…at muli…sumagot siya sa kausap sa linya ng telepono ng…
”oo…alam ko…
…oo, alam ko nay”
…maraming pagbibilog pa ng buwan ang nagdaan…hanggang isa dito’y bulabugin ng mga sigaw ni jen.,..
“nettttttttt….heto na…daliiiii…arayyyyy….ayan… taxi…tawag ka….dali…yung baby bag…daliii…oy….arayyyyy…. putang ama!…ayan naaaa…net…pumutok na ang panubigan koooo dalian mooooooo…”
…naging masinsin ang paghilab…ang kirot ay hindi na matukoy kung saan nagmumula…ilang saglit pa’y nakasiwang na ang ulo ng bata…lahat ng katas ng katawan ng babaeng naka-apak ngayon ang isang paa sa hukay, ay sabay-sabay nang umagos… luha… pawis… dugo….ihi….tae…
hinugot niya ang pinakamalalim niyang paghinga…itinulak nang ubod lakas ang bagong buhay na nag-uumalpas ….ibinigay niya ang lahat ng pwersang kaya….pwersang mula sa buo niyang pagkatao… katawan…puso… kaluluwa….hanggang sa mapunit ang laman…at ilang saglit pa’y bumulwak ang mainit na dugo at kasabay nito’y iniluwal ang isang sanggol….
…pikit ang mata…kuyom ang palad…ang unang uha ng sanggol na humihinga ngayon sa sarili nitong katawan…ay nagrehistro ng tagumpay sa pinagdaanang pakikihamok….isang pakikihamok sa marahas na proseso ng kanyang pagsibol…
at wala nang tatamis pa sa musikang hatid ng una niyang pag-uha …kinalong ni jen ang sanggol…nahihilam pa ang kanyang mata sa luha ngunit nakasiwang na ang ngiti sa kanyang mga labi…
”ako lang anak…ako lang at ikaw…”…at kasabay sa paghawak sa kuyom nitong palad…bumubulong ang kanyang isip at kinakausap ang bagong silang…
”…binawi kita mula sa impyerno…dahil ikaw ang anghel ko….hindi madali…walang magiging madali…katulad ng marahas nating dinanas ngayon…mabubuhay tayong nakikihamok…lagi tayong hahamunin…at lagi din tayong magpapasya…igigiit natin ang pasyang iyon…at paninindigan…kahit pa ito’y suntok sa buwan…”
…iyon lamang… at wari’y narinig niyang muli iyong tinig mula sa kabilang dulo ng linya ng telepono…isang gabing bilog din ang buwan….narinig niyang muli ang usapang hinugutan niya ng lakas upang ipihit na pabaligtad ang kanyang unang desisyon…
“mahal kita anak….”
“oo, alam ko…”
“mahal na mahal kita anak…”
“oo, alam ko… nay…”

Entries (RSS)
babes! una muna wala ka bang planong mag-publish ng book?i bet you will give few veteran novelist a stiff competition,talking about fiction imitating real life or real life in a form of fiction!!barado ilong ko sa sipon at masakit ang aking ulo ng ako’y magpasyang magpunta dine sa gilid ng bangin.sa loob ko kung ako’y di matatawa siguradong ako’y maiiyak.at ngayon nga sa bibig na ako humuhinga at kailangan ko ng uminom ng biogesic dahil tumitibok ang aking sentido but nonetheless, it is as always a thought provoking experience to be here sa gilid ng iyong bangin sa tabi ng bawtismo ng nagliliyab na apoy………
jen is indeed a fighter,a woman of substance.hinangaan ko sya sa murang edad nya na maghamon sa buhay….life is fighting it one day at a time.(she’s scholar academically i bet by now she’s had her master’s and doctorate in life).we are the product of our choice and the master of our destiny.if there’s one thing i am sure of it is…..life paves way for a person who knows what she wants and wants what she knows.marami pang suntok sa buwan na hahamon sa buhay and yet i am pretty sure she’ll do just fine!
ms. eng…una den muna…thank you at kahit masama ang pakiramdam mo ay binasa mo ang akda…ayan…lalu tuloy lumala sakit mo…..rest ka po at magpagaling ha…..at sori naman po about that…ahahha…yun namang publishing a book…siguro meron…pero kahit anino ng blue print nun ay di ko pa makita sa isip ko sa ngayon…sa totoo kase’y sobrang nakakapiga ng utak den ang magsulat ng fiction…pumapangit ako ng husto…feeling ko nagiging gorilla na ko after ko masulat ang kwento…baka pagbinalak ko pa ang novel…ay maging kingkong na ko nun…ahahhaa
as ever…you generously gave out your best reading on my work…you’ve seen the fighter in the lead character…and recognized that life itself is the ultimate learning spehere where we progressively gain knowledge and wisdom…and you also affirmed that “we are the product of our choice and the master of our destiny”…profoundly said dear friend…and when you u said “i am pretty sure she’ll do just fine!”.. ms. eng…i thought…now i can sleep good….after laboring so hard writing this….now i can really take that much needed rest….because you’ve carried the torch of hope just as bright as “suntok sa buwan” is attempting to do…………………………………………………………SALAMAT ng marami>>>>
Bato-bato sa langit ang suntok mo sa buwan. Sa katotohanan madaming dumadaan sa ganyang kabigat na pagsubok at pag gawa ng desisyon bunga ng kamusmusan at takot. Ang aking paghanga sa character ni Jen - isa sya sa mapalad na nakakuha ng suporta mula sa kanyang ina at kaibigan - at sa pagbibibigay nya ng pagkakataon na makapag isip at mag desisyon ng sa tingin nya ay makakabuti para sa kanyang magiging anak. Sa ibat-ibang cases, malaki ang nagagawa ng emotional support from our family and friends. Malaking bagay ang me makausap ka or masabihan ng problema katulad ng ganito. Nag oopen ang ibat-ibang suggestions at nabubuksan ang kaisipan for other alternatives.
I love support groups and who would be a better adviser than those who had been through similar situation and could relate to this. Thanks for publishing stories like this - another eye opener. Who knows how many will be blessed by the moral of the story.
To the readers : If you are into situation like Jen - weigh all your options, talk to your family or your friends, this is not the end of the world for you, so many had been in this situations and they made it. Someone will listen, someone out there will help you - just speak out and don’t be scared.
Hi Carms! Teka ikaw na ngayon si Abby? Hehehehe…
Labis akong nakakarelate sa post na ito kasi naging isa akong Jen, ng dalawang beses hehehehe….sa iisang lalake lang naman po hehehe…pero malaking kabobohan pa rin yun…kasi nga inulit ko pa….pero subalit datapwat ngunit….di kailan man sumagi sa isipan namin noon na magpalaglag ako…doon naman ako na pa proud sa sarili ko at ke Orly na rin…alam ko kung paano umiyak sa hinagpis ng pagsisisi sa pagpapadala sa kapusukan at kamunduhan…alam ko kung paano kutyain ng lipunan…kung paano bumangon at lumabang muli…parang ang tagal na nun…e ten pa lang naman ang panganay namin and seven yung pangalawa….pangarap ko nun ang first kiss ko sa altar kaso nga nakilala ko si Orly na mabilis pa sa kidlat hehehehe…ayun first year med…nabuntis ako…di pa kami nagpakasal kasi pumasok siya sa training…haaay ayoko nang isipin ang mga panahong ang almusal, tanghalian at hapunan ko ay luha at pagsisisi…internship naulit ang mga pangyayari..ang kulit ng katigasan ng ulo ko noon hehehehe…pero in fairness natupad pa din naman namin ang kani kaniyang mga munting pangarap namin for our own families …kaya eto na kami ngayon, married…masaya naman with the two little boys who were not really planned but so much wanted….so to all the young ladies out there…BE GOOD…hehehehe….
Carms…gawa tayo ng mga script benta natin sa star cinema hahahahaha….
“…binawi kita mula sa impyerno…dahil ikaw ang anghel ko….hindi madali…walang magiging madali…katulad ng marahas nating dinanas ngayon…mabubuhay tayong nakikihamok…lagi tayong hahamunin…at lagi din tayong magpapasya…igigiit natin ang pasyang iyon…at paninindigan…kahit pa ito’y suntok sa buwan…”
—gustong gusto ko ang mga katagang ito Carmen, mula sa pagmamahal nang isang ina na hinarap ang desisyon na hindi madali, at labis kong ikinagalak na despite her struggles, she managed to gather her strength to face the circumstance.
Jen was lucky to have a very understanding friend and mother, who let her decide for herself, without condemning or judging her for whatever her decisions maybe, but guiding her best to gather her strength to face life and love. Because of the support and love from these people close to her, she is able to change her mind and move away from the abortion clinic. Bravo Carmen, like what Eng and Zen said, you can very much give veteran novelist stiff competition.
by the way, si abby ka na ba ngayon? parang baby pa rin ang tunog, hehehe.
Chay, thanks for reading this work as an “eye-opener”…and i hope so too na mayroon ngang liwanag na maidulot ito sa sino mang tinamaan ng “bato-bato sa langit na suntok sa buwan”…salamat sa iyong pagkausap sa reader, for ensuring that “it’s not the end of the wrold” kung sakaling maharap man sila sa katulad na sitwasyon…i love it when you said “speak out and don’t be sacred”…because my friend…fear is the real enemy that silence many of us…and when silence wins…nothing will be resolved…salamat uli fro this bold and daring reading kaibigan…
Zen, ang pagbabahagi mo ng sariling karanasan ay lalong nagpayaman sa teksto…wari’y isang testimonya ng totoong kwento ni “jen” ang naibahagi mo…ang mga detalye ay naipako mo sa partikular na pangyayari sa iyong experience…at sa puntong ito…pinapasalamatan ko ang pagkibo mo…pagbabahagi…pagpapayaman sa istorya…ngayon ay lalong malinaw na totoong may pag-asa na magwagi kahit sa ganito kabigat na pagsubok…at ikaw ay isang buhay na halimbawa…dok, lubos ang aking paghanga at pasasalamat…
Bethchai…ewan bakit nung i-quote mo ang lines na yun…at binabasa ko ulit…ay tumindig ang aking balahibo…at parang kumabog na ulit sa dibdib ko…siguro mas napapatingkad talaga ang isang punto kapag kinukumpirma ito ng isa pang tao na nakasuporta sa kawastuhan nito…ilang ulit ko nang binasa ang teksto…pero nung mai-highlight mo ulit sa comment mo…mas lalong lumiwanag…mas lalong tumalas…mas lalong sumaling sa damdamin…salamat…salamat for seeing it the way you did…
sa lahat po ng bumasa o babasa pa…ang teksto ay atin…ang kahulugan at mga punto ay nasa pagpulso ng babasa…ang may-akda ay walang ganap na awtoridad sa pagpapakahulugan…salamat sa pag-aabalang mapakinggan ang kwento…at lalo’t higit, sa mga nagbabahagi ng inyong reaksyon,…salamat ng marami sa pagpapayaman ng teksto…”affirming is an act of faith”………………………………………………….muli, taos sa aking puso, SALAMAT!>>>>>
Kahanga hanga ang ginawa ni Jen! Mas kahanga-hanga sa kadahilanan na siya mismo ay produkto ng ganitong klaseng buhay. Ang buhay na hinuhusgahan at kinukutya. Hawak nya sa mga kamay ang mapagbago ang kanyang ‘image’ at talikuran ang mga pintas sa pagkatao bilang anak ng disgrasyada… ngunit nanaig pa rin ang tapang. Tapang na harapin ang ano mang darating na panghuhusga at pangungutya at piliin ang mas makakapag paligaya sa kanya.
We are our own destiny. Hawak natin sa ating mga palad and ating kaligayahan. Ngunit mahalaga sa lahat ang matimbang natin kung ano ang kaligayahan para sa atin. Eto ang ugat ng lahat ng ating desisyon…
Saludo ako sa husay mong magsulat Baby. Para akong na transport sa scene na eto. Ramdam na ramdam ko ang emotions ng mga characters…
“we are our own destiny”…napaka-kongkreto ng punto mong ito kaibigan…sa pagsasaalang-alang nga naman ng ating mga desisyon bilang babae…dapat na maging malinaw sa atin na ang pasya ay “atin” at hindi bunga ng dikta ng anu man o sino man….dahil ang ibubungang konsekwensya ng pasyang iyon ay tayo lamang din ang babalikat…
Tes, alam kong kagagaling mo pa lamang sa isang seryosong surgical procedure…magpalakas ka po…magpagaling…at ganun na lamang ang tuwa ko nang makita kita muli sa “gilid ng bangin”…ako ang natatakot para sa yo na baka ikaw ay mabinat sa paglusong mo dito….pero mabuti nalang at nagustuhan mo ang tanawin…lubos ang aking pasasalamat sa ibinahagi mong tinig sa pagbasa ng “suntok sa buwan”………………….at kahit makulit na ang dating nito…hindi ako magsasawa…..maraming, maraming salamat sa ‘yo ma’am Tes……..