Nagmamadali ako sa pag-uwi  galing sa trabaho…excited magbukas ng pc…naiinip bat ang bagal ng network…tsk!…makapagbihis na nga muna ng pambahay….teka lang…habang nagpapalit ako ng damit…naiisip ko…”kase naman istorbo talaga minsan ang work sa pag-i-internet”…(wah!)…ayan na…sign in page na ng yahoo mail….takatakatak….bumukas …excited ako…parang nag-aantay ng resulta sa tinayaang lotto(kahit di naman ako tumataya)….ayan na bumubukas na…bilis namannnnn!…ayan na…ayan….ayan naaaaaaaaa(nyahh! Bat parang malaswa ang dating?)ahahhahha….

 Charaaaaaan!…bulaga!…”no unread messages”…nyahhhh!…sambakol bigla mukha ko… biglang sumigaw utak ko….anu bah!…parang gusto ko mag-sign out at mag sign in nalang ulit…sabe ko…hindi totoo ito…nagkamali lang ang yahoo…titig na titig ako baka magbabago pa ang nakasulat don…pero ayaw mapalitan…talagang nagsusumigaw na… 0 messages…so anu?…wala?…wala?…walaaaaa ngaaaa!….waaaaa!… hmp!…

ansaklap naman!…ilang minuto den bago mag sink-in ang masakit na katotohanan(hehehehe)….hinga ng malalim…sabay himutok…haaaay…anu ba naman yan…kahit ba spam o junk mail walang naligaw?…wala nang nagmamahal sa akin(singhot!)…wala den umaaway (singhot!…singhot!)…patay na ba ko?…wala na ata ako sa mundo?…waaaaa!!..(feeling ko kumulot bigla hair ko…bagong pa straight pa naman)…anu bah toooooo?(ahahaha….sensya na sa emote po)…well smile nalang ako… ganyan lang talaga minsan…nasabi ko nalang pampalakas ng loob….minsan talaga…”it’s raining cats and dogs”…(weh! kahit nga sana sulat nalang ng mga cats at dogs…e meron man lang…kaso nga wala eh…sipol-sipol ako kahit di marunong…ok lang toh!)

Ah, teka… mabuti pa makapag-blog at nang makapagsumbong sa kung sino  man ang suswertehing mapapadpad dito (sori…ikaw po yun..,ayan kase pindot ka nang pindot…hehehhe) …well,normal naman ata na merong “bad hair day” ang mga tao e…dibah?…(ewan lang kung yung mga kalbo e meron din nun? ngurk!)…sabe ko nalang…ahhh…ayus lang…ayokong masira ang araw ko…hindi naman ako nagising sa “wrong side of the bed” (dahil wala naman akong bed in the first place…ngek!)…at chaka yung mga ganitong frustrations…sisiw lang ito…madami na akong training dito…ikaw ba naman kaya ang maglaro ng bingo…na lahat ng number na tinawag e wala sa card mo?… ahahhahaaay!…hindi ka pa kaya maghinala na sinilang kang me kakambal? (alam mo na po kung anu yun…wag na natin spell)…so ayus lang…sanay na kooooo! ..(naghahamong sigaw ko pa)…”bring it on”…wala na ba?…(aba, antapang?)….weh…juks lang naman po…ayoko den naman makahalatang namumuro na ko sa kamalasan…..

Hmmmm…dahil siguro sadyang mapagbiro ang life…kaya parang hindi ako masyadong hapi dun sa sabe na “life begins at 40”…parang hindi ako resolbado…parang narinig ko kaseng bumubulong utak ko… sabe…”weh! antagal ko na…umaani ng kung anu-anu…tapos hindi pa pala yun yun?…praktis palang yun?…buong akala ko andami ko nang binyahe…hinarap na mga pagsubok…hinakot na kahihiyan…nag summersault na ko…tumulay sa alambre…bumuga ng apoy…kumain ng sword (parang circus lang)…nagsplitttttttt!… weh!…tapos sabihin bang hindi pa pala nagsisimula ang lagay na yun?…aba!…ang haba naming praktis nun… ang haba palang lokohan ang nangyari…waahahhahha!

Haaay…hinga ng malalim….haaaaah!…ipihit natin ng 360 degrees ang usapan… ang totoo’y madami naman akong blessings…(ayan…parang ang hirap na tuloy paniwalaan nyan…hehhe…kahit utak ko ata sabe ng onti…weh! Etchos yan!)…pero sandali lang…totoo naman po…kahit na nga yung mga kamalasan ko ay tinuturing kong swerte dahil me nakatagong regalo dun na di lang agad nakita (ayan…umayos den…ganyan po ang mind frame ko kapag walang sumpong…ngek!)  … well anyway,..ang una ko talagang nabuo sa post na to ay ang title “gratitude” …matagal ko na naiisip na magsulat ng pagpapasalamat para naman balanse diba….(lagi nalang himutok ng tatlong kuba ang drama ko…hmp!…kakasawa den yun)….so eto po…

Tuwing mapapadaan kase ako sa tulay na tumatawid sa pinakamalaking river dito…at magagawi ang tingin ko sa malawak na ilog…nararamdaman ko ang kapangyarihan ng nilikha(nature’s wonder)…at ang henyo ng lumikha nito…at lagi na…naibubulong ko sa sarili…thank you heaven…salamat talaga…sa nilikha mong napaka-ganda…salamat at kahit sa maingay na lungsod na ito ay napagmamasdan ko ang nilikha Mo…para ipaalala na handyan ka mula pa nuong umpisa…at walang sawang handyan parin kahit ngayon….salamat sa….(sabay pasok syempre ng itemized kong concerns na thankful ako about…)…at bigla nalang (minsan pati ako den talaga ay madalas magulat sa sarili kong pag-iisip)…out of nowhere, nasabi ko nalang ….salamat din nga pala po dun sa mga bagay na alam kong dapat ipagpasalamat na hindi ko pa nga lang maisip kung anu-anu mga yun sa ngayon….

ayun…parang hindi na mawala ngayon sa isip ko (naging assignment pa tuloy)….anu nga kaya yung mga bagay na  yun?…nag-isip ako…isip-isip-isip ….at biglang kablooom!…nabuo ang listahan bunga ng malikot kong imahinasyon….siguro this may sound weird pero seryoso po ako…(malikot nga ata talaga ang imahinasyon ko kaya umabot sa ganito ang mga naisip ko)….eto po ang mga “buti” nalang na dapat din atang ipagpasalamat…

Øbuti hindi nakakamatay ang tingin… (kung hindi’y  baka nagkaubusan na po ng  tao sa mundo…)

Ø buti hindi nababasa ang iniisip ng iba (walang monitor) (kung hindi’y maririnig mo wari ang mga iniisip ng tao sa iba’t-ibang okasyon…halimbawa sa kasalan….habang sinasabi ng pari…”…’till death do you part?”…sabe ng kontrabida…naku ETCHOS yan! …salbahe diba?…pero totoong me mga cynical…perwisyo yun! )

Ø buti walang spy camera kapag me ginagawa tayong  naughty… (kundi naku baka magsara na ang you-tube sa dami ng scandal na maa-upload dun…buti lang kung camera-ready ka lagi…e pano naman mga tulad ko na camera-shy…ayan! nagblink bigla pc ko…ayaw tanggapin)

Ø buti hindi lahat ng gusto natin ay natutupad  (kundi wala na sigurong gagawa ng mabibigat na trabaho na basic sa ating mga needs….lahat gusto ata yung lifestyle of the rich and famous…mamayani ang katamaran…chaotic masyado kakalabasan ng buhay natin)

Ø buti kapag natutulog  tayo ay nakapikit (at hindi tayo tulad ng isda na nakadilat matulog,,,ansakit ata nun sa mata…ang hapdi?…wanko lang…di ko pa na try po)

Ø buti walang kulay ang utot (eto po talagang dapat ipagpasalamat  lalo na ng mga “big” people….imagine kung in the middle of a presidential campaign e napautot ang kandidato…at nagkulay pula ang hangin…patay na…tapos ang career nya…ahahhaha)

Ø buti me gabi (at least me rason sabihing…”napuyat” ka…meron ba kaseng napupuyat sa umaga?…or mas masarap talaga magpahinga sa gabi…or magmuni-muni looking at the stars and the moon…e kung walang gabi…anhirap ata magpakaromantiko…at nakashades tayong lahat at mukha tayong zombies..nyah!)

Ø buti ang buhay ay may hangganan (dahil lalo nating nakikita ang halaga ng existence natin kapag alam nating limitado lang ang oras…or kasi naman kung hindi…lahat ng tao at hayop na nabuhay  kahit nung prehistoric time e kasalamuha pa den natin ngayon… malamang  makasalubong mo si king Solomon sa mall….at maka-dine-in mo sa Mcdo si Noah…kasama lahat ng hayop sa barko nya…ahahhahha…ang gulo nun…ang kalat!….or kasabay mo nagso-shopping ng damit si Eva at Adan…..kasama pati snake sa puno ng apple…nyah!…..at ang malufet….nakahambalang sa  kalsada ang mga mga dinousaurs…naku po…ang traffic lalo dibah?)

Ø buti naimbento ang papel at ballpen (kung di…sa stone tablet pa den iuukit  ang ticket sa bus….ambigat nun…ala na siguro magkukunduktor…wala deng postman syempre…alangan naman)

Ø buti at me law of gravity (kundi ang hirap siguro mag-cr po…lulutang po lahat kahit yung mga hindi dapat…yakkkkk!)

Ø buti at hindi nagpapakita si kupido (patay na sana sya kung nagpakita sya…dami huma-hunting sa prinsipe ng sablay na lekat na yan eh…ahhahaha)

Ø buti ang ilong natin ay nasa baba ang butas (eto self-explanatory naman to diba?…sino naman kaya gusto suminga na pataas ang talsik ng sipon nya…wah!…ansagwa!….at mabuti na din ito para di tayo malunod kung umulan man at tayo’y  walang payong….wehehehhe)

haaay…little things to be thankful for…madami pa yan alam ko…but  for now…ok na muna to….natawa na ko…naaliw …sana ikaw den… wish ko lang sa ating lahat  sana “we’ll  make our sense of gratitude a dynamic  attitude…” para makontra naman po kahit paminsan-minasan ang malakas na hatak ng negativism….

 ay pahabol:…salamat den at naimbento ang pc…at nakakahanap ako ng masusumbungan (na wag lang naman sanang ang sagot eh…”pakelam ko sa yo?!”…waaaaaa!)

salamat po….at hanggang sa muli! (kindat!)

 

 

11 Responses to “gratitude…”
  1. HAHAHAHAHA SA SOBRANG TUWA KO PO E WALA AKONG MAISIP NA I COMMENT KASO BINIGYAN NYO KO NG IDEA SA HULING TALATA HEHEHEEHHEEH- “PAKIALAM KO SA YO?!” HE HE HE HE SYEMPRE JOKE LANG PO YUN KASE ANG TOTOO LABIS NA NAMAN AKONG NATUWA GALING GALING NYO PO PRAMIS, MAGUNAW MAN ANG EARTH AT ANG BUONG UNIVERSE …WAG LANG NAMAN SANA PO MAGKATOTOO AT YOKO PA MA DEADS KASE SAY NYO E LIFE BEGINS AT 40 E MAY 7 YEARS PA KO NYAN BAGO MAG UMPISA LIFE KO HAHAHAHAHA MAHABA-HABANG PRAKTIS PA PALA ETO YAHOOOO HEHEHEHEHE MY SINCEREST GRATITUDE PO AT NAPADPAD NA NAMAN AKO DITO SA GILID NG BANGIN KUNG SAAN MAGANDA ANG SIMOY NG HANGIN AT SOBRANG GANDA NG TANAWIN….YOU MADE ME LAUGH MY HEART OUT AGAIN PO….TEKA ASAN NA KAYA TUMALSIK YUNG PUSO KO KANINA NUNG TUMATAWA KO…TEKA HANAPIN KO LANG PO HA…..HEHEHEHEEHEHHE………..
    P.S. WAG NA PO KAYA KAYO MAG WORK AT MAGSULAT NA LANG NANG MAGSULAT HEHEHEHEHEHE…AABANGAN KO PO ANG SUSUNOD NA BALAGBLOG NA BLOG…KUDOS PO ULI SA ME PAKANA…TEKA NAWAWALA PA PALA PUSO KO HEHEHEHEHE……..

  2. ha!ha!ha!…bilib talaga ako sa pagiging creative mo, ang argumento mo ay base sa pagiging keen observer mo.sabi nga ni einstein(syempre nag-google pa ako muna)”“Imagination is the beginning of creation. You imagine what you desire, you will what you imagine and at last you create what you will.”…di ba naman akma sa iyo….

    hayaan mo try kitang e-mail para naman di ka maghimutuk ng ganyan..mahirap naman yatang sumama ang loob mo0 at baka maisipan mong tumigil magsulat, pano naman kaming umaasa at nauuhaw sa iyong blog…ha!ha!ha!hindi maari yon, magno- noise barrage kami…ha!ha!ha!

  3. mama, naaliw ako sa blog n a i2.i was trying to put my thoughts into writing ng bigla napindot ko ung sa mail and i saw that u updated ur blog… AGAIN… (heheheh), i said to myself, mkapgbasa nga muna. and so i was really amzed on how u write things like this. naaliw ako at npatawa. gnyan tlga ang mga gurls n “gifted” dba? ayan sumulat kp ng madame, idol kita and ur one of inspirations in writing. Keep on!

  4. As always Baby, pinatawa mo na naman kame. Life begins at 40… nakakatuwang hakahaka ang isiping praktis nga lang kaya ang buhay hanggang dumating ang ika-40th nating kaarawan? Hay, parang gusto ko rin magreklamo sa dami ng nangayari sa, at mangyaayri pa bago, ang aking ika 4oth. Ngutin sa isang tabi, dahilan ng aking kalagayan ngayon (with big C) parang gusto ko na ring sabihing….sige, ok na rin…hahaha… para ng sa ganon pag dating ng aking 4oth ay may re-birth at bagong buhay, at lahat at ay mababago… Hehe… just a thought, nevertheless my friend… there might be truth in that statement –Life begins at 40! “Happy New Life dear Carmen.” New life, new blogs…new friends… (kindat) ;)

    Patuloy ang pagsulat… pagsumbong… pang-aaliw sa aming mga tumatangkilik sa iyong blogs! :)

  5. haaay salamat at may nasumbungan din…salamat Zen sa pagatawa mo…contageous (sana tama spelling) talaga… pati ako’y napapatawa din ng malakas habang binabasa ang comment mo…buti nalang at bungisngis ka din tulad ko…kay Ms. eng na innate (naku sana tama ulet spelling) ang pagiging malikhain…at resorceful…salamat with coming up sa comment na me back-up pa ng wikipedia/google…kahit makornihan sila…ako’y talagang natutuwa kapag napapasaya kita…salamat at nasasakyan mo ang pagka”jologs” ko…ahahhaa….kay ann na parang nataranta sa pagpindot at nagkadoble ang send ng comment (at hindi ko naman matutunan pano delete yung isa…haay yaan mo nga sya jan…hehehe)…alam kong sa dami ng kunsumisyon natin sa trabaho ay bihira na tayong matuwa…kaya salamat at di mo pa din nakakalimutan tumawa…kay Ms Tes…kung totoong “laughter is the best medicine”…sana wag matulog ang imahinasyon ko at makapagsulat pa ng kung anu lang na makakapagpangiti man lang sa yo…kahit bahagya…kase kapag happy tayo…nakakapagpahinga tayo kahit saglit sa bigat ng ating mga dala-dala sa ating araw….
    salamat…salamat…salamat…ansarap-sarap sabihin nito lalo’t taos sa puso mo….at keber kung himatayin ang ibang babasa sa kakornihan…kahit maubos pa ang pages na laan sa blog site ko na ito…gusto kong punuin ang bawat pahina ng walang hanggang pasasalamat…
    haaaay salamat at nasabi ko din ang gusto kong sabihin…o sige po…isang bundok po ang labahin ko kaya labandera muna ang drama ko…hanggang sa muli! (kindat!)

  6. Carmen, maraming salamat sa sulat mo na nagdadala nang mga tawa sa puso, ako, ganyan din parati, ang araw mas lalong lumiligaya pag maraming messages sa inbox ko, kahit naligaw pa na bulk mail :))

    At ang aking buhay ay nagsimula na Carmen, hahahaha, 41 na ako, pero para sa akin, edad lang ang nagbago, pero ang puso, pusong bata pa rin, ang isip, gusto kong isipin na hindi pa dumadating ang isip ko sa pagka-ulyanin, ang pagkamalimutin ko eh simula pa nang bata ako, hahahaha!

    Ang buhay ay napakaganda, at salamat sa law of gravity, ako ay napahalakhak masyado kasi totoo naman talaga sinabi mo.

  7. salamat den betchai at magklasmeyt ang age natin…ahahha…san-ayon den ako na bata pa rin ang puso ko at isip bata padin minsan (masahol pa nga siguro…hehehehe)…ang pagka-ulyanin ko naman po lalo sa names ay inborn po…ahhahah….so sanay na ko dun…at chaka aging gracefully is something to be celebrated naman po diba?…lalo nga tayong gumaganda eh…inside and out ( O ayan…nagbuhat na tuloy ako ng bangko natin…wala naman sanang kumontra) ahahhaha…see you around betchai…at salamat ulit…

  8. Hello Carmen - pati pala sa blog mo patawa ka pa din ! Salamat at nakilala ka namin at nag-iba ang ihip ng hangin since dumating ka. Makita ko palang na me entry ka sa forum naka ready na ang smile ko hahahahhaha Salamat sa mga paalala mo girlfriend !

  9. Ms Chay…welcome po sa pagbisita mo…salamat sa mga comments at sa pagtitiyaga mong magbasa sa mga kuning-kuning ko po dito…thankful den ako at napadpad ako sa pugad ng Salitype…nung una ay talagang natatakot ako at kakaunti lang ang Inggles ko ay baka maubos pa…ahhahaha….mabuti naman po at nasakyan nyo ang kabaduyan ko at naging kengkoy na rin po ata lahat dun…ahhaha…mabuti naman at nang hindi po ako nate-tensyon masyado…yung mga hirit ko sa forum ay mga lakas-loob lang po yun…sabe ko sa sarili ko…naku bahala na nga si Batman kung anu isipin nila…basta labas ko lang kakornihan ko….later on masasanay din sila…ahahhaha…welcome po ulet…and i am very happy to have met warm people like you in this otherwise very cold cyberworld…see you around po!…

  10. favorite ko to sa lahat kc naman pagkatapos kong basahin to nasambit ko agad “buti na lang!” …at pati un binata ko eh natawa din…sabi nya nman… “ang galing tlga ni Lord noh?!”

  11. rose may…my sweet dear long lost younger sister…salamat at nagtagpo muli ang ating landas…at ngayon ay may pareho na tayong binata…paki-kiss mo ko sa kanya…for sounding like a good son to his pretty, brightly spirited mom….nagulat ako nagbabasa ka pala ng blogs ko…salamat naman…at salamat nagustuhan mo…now i;d be more inspired magpakwela….kase iakw ay numero uno deng patawa…welcome rose may….si abby paden ako…alang nagbabago…lalu lang gumanda siguro…ayun!…..ahahahha

Leave a Reply