Bigla nalang sumagot ang utak ko (parang sasakyang humahataw ng 150kph…sabay preno…. skreeettchhhh!)…”bat akala mo ba lahat ng me partner eh masaya?…na jowa ang ultimate solusyon para makamit ang eternal bliss-nirvana- enlightenment- forever-everlasting happiness? …at hindi ka tatanggapin sa langit kung wala kang naging syutah…at kung intact pa ang hymen mo?….at kung wala ka man lang nakalips- to-lips…kat nung nilasing mo na yung kulapong matagal mo nang pinapantasya?…nakanang….e kung iuntog kaya kita sa pader…nang makita moh!”

“loveable naman ako ah”…iyon ata ang huling narinig ko na nagbalik sa’kin sa ulirat… kanina pa nga pala nagmo-monologue ‘tong fren ko (akala nya dialogue…dahil kaharap ako)….salita sya ng salita….akala nya me kausap sya…di nya alam lumilipad utak ko … pumalaot na dun sa mga “sana” na imposible mangyari…tulad ng…

sana ang binabayaran sa trabaho ay yung pag-absent mo… at kung madalas kang late …me extra pay….at pag-undertime…me cash bonus sa pasko…. At ang mga bossing …bawal magsermon…mandatory na magsmile sila…at ipagtitimpla ka ng kape pag tinatamad ka…. ahahhaaay … kelan kaya yun?

Biglang kabloommm!!! (parang pumutok na lobo!) ….nag sharp-turn utak ko…pilit kong ipinihit  ang  atensyon sa fren na parang nangingitm na sa kakaemote nya…ok, ulet nga (nirewind ko isip ko para marecall dakdak nya….anu nga ulet yun?)… ahh… I see…I see…yun naman pala…ang puno’t -dulo  pala ng paghihimutok nya eh…bat wala syang boyprennn??!!!  (anak ng pating!)…ako naman ang nagkulay-violet  …parang tumayo lahat ng balahibo ko… buti inde ako si cyclopse …kundi sunog na sya….kala ko kung ano nah…kala ko yung riot  sa Suanavumi airport sa Bangkok ang isyu…bigla akong nagchant ng pangpakalma ko (kinopya ko ke ness/sis ko)…nihao-pho-nguh-yen….breath- in…breath-out….haaahhh!… ayan… me-oxygen na ulet utak ko…bakit  nga ulet?…anu nga ulet yun?

“maganda naman ako…malambing…mabait…(sniff-sniff)…e bakit nga???? Bakit nga wala akong boyprennnnn???…

Tinitigan ko syang mabuti…tinatantya ko kung kakayanin nya kung detonate ko sa mukha nya ang mga counter arguments na parang bomba atomika ang intensity… ah… inde ata pwede now …mukhang mother of all hormonal havoc  ang tumama ke kurdapya… parang biernesantong  good for ten years…ang hinakot nya at itinambak  sa araw na ito… …seryoso sya sa kanyang pagka-aning…ok, siguro…low-intensity, soft, “call a fren” approach lang ang kaya nya today… (taragis…dito ko na ata gustong isumpa…bat naka-attend pa ko ng gmrc classes ko…hmp!)

Kat  gusto ko na syang bigyan ng pambili ng kausap…hindi ko ginawa (bat kaya walang medal para sa mga gantong kabayanihan…tsk!)…kat gusto na bumula ng bibig ko…nakinig ako…nagpakatino….nagpakahinahon… feeling ko tuloy naka-straight-jacket ako at me busal ang bibig…pigil na pigil ang pagmumura…piling-pili ang mga bibitiwang salita… (foooothang ina!….ayan, dito ko nalang naibubuhos)… pero sempre ang mga lumabas na “feel-good” lines eh ganto:

“okay lang  yan… wala naman sa’yo ang diprensya…natapat ka lang talaga sa mga bungi… at chaka talagang nauubos na po ang lahi ng matitinong lalaki…epekto na siguro ng global warming (nyah!)… inde sya natawa…tuloy sa kanyang pagngunguyngoy haaay… pano ba toh?

 Naisip ko tuloy magsuggest ng solusyong matino…”eh kung try mo kaya mag surf sa mga jowahan na website?” (todoh na…ayun na po ang matino kong advise) sabe nya…”ayoko dun… mahirap makahanap ng seryoso dun”… “sus meron naman siguro….try mo dun sa wanted-matinong –jowa.com…baka andun hinahanap mo”…inirapan nya lang ako…ayus!

Isip…isip…isip…pano…pano…pano…saan…saan…saan… at dito ko naisip na sana…pede nalang umorder ng jowa…yung tipong pasadya…sakto sa sukat..pasado sa quality control… at me warrantee…pede mo isoli…palitan….o ipakumpuni kung me pyesang sira… o di kaya sana me makaisip nalang na i-clone na yung mga lalaking  “ideal” ang dating…parang nagpaparami  lang  ng semilya ng tilapia…ganun!

Naubos na ata powers ko…sabe ko nalang sa kanya…”

alam mo kase…kat  ipagdasal naten na umulan nalang  sana ng matinong lover…e di yun mangyayare… everything good should start slow”

.wanko anu naman ibig kong sabihin dun….pero cute kase pakinggan eh… (ngurk!)…sabay rumepeke nako ng mga chenes-chu-chu na pang-lift ng mood nya…tas sa huli sabe ko…”magfrenstew ka kaya… baka yung mga dati mong kakilala…e  isa dun ang magiging kapalaran mo”…at bigla….parang bumbilyang umilaw ang mata ni kulasa…”uu nga noh?…sige nga…check ko nga mamaya yung tatlong account ko kung anu na bago dun”…(ay  foooothang ina! …. tatlo?!!…ansarap chinelasin ng hitad!)

Niway…pinadugo ko paden ang utak ko para kat papano eh magabayan si kulasa…para malinawan kung kandidato talaga sa pagka-jowa ang matitipuhan nyang fren… binusisi ko ang mga detalye sa “status” field ng frenstew… (kat mas mukhang batikan pa sya…e…baka naman me maiambag den ang listahang ito (katuwaan lang po…baka naman ito ang ibig sabihin ng mga sagut dun)…oy kulasa para  sa yo toh…pakchagaan mo! hehehe

Standard na sagot (at meaning) sa “status” field ng Friendstew:  

  • 1. single  (wala pang nabibingwit)
  • 2. married  (me naka-bingwit na)
  • 3. it’s complicated  (binagyo ang palaisdaan…ahahahha!)
  • 4. in a relationship(me kumagat sa pain…pero nagdadalwang isip kung   bibingwitin o hinde)
  • 5. domestic partner (inuwi na sa bahay ang nabingwit…nyah!)

 Sana/dapat  idagdag sa choices:

  • 6. game over(nagsawa na sa bingwitan…nasa palengke na)
  • 7. desperado(dynamite fishing na itoh!)

At para mas malinaw…sana more specified as follows:

A. Single

  • 1. single na single(galit sa mundo?…naiinip nah o sadyang mababa lang ang libido..waaa!)
  • 2. single na married  (kaliwete…nangangalunya…lagot ka!)
  • 3. single na it’s complicated  (panung?..patiwakal ka na…magulo kah!)
  • 4. single na in a relationship (patikim-tikim lang….safety first!…segurista?)
  • 5. single na domestic partner(ibinahay na ng katikiman…)
  • 6. single na game over (sariling-sikap!)
  • 7. single na desperado (pwede na kahit “ano”! nyahhh!)

B. Married

  • 1. married na married(makapal ang helmet na suot…mabuti naman!)
  • 2. married na it’s complicated(biktima ng double jeopardy?….sinabi ko na nga sa’yo!)
  • 3. married na in a relationship(kaliwa’t-kanan ang diskarte…busy!)
  • 4. married na domestic partner (anu bat toh?…serbisyong-bayan?)
  • 5. married na game over(wala ng sex-life?…o baka temporary impotence lang)
  • 6. married na desperado(nagbababad sa internet café!…cyber na toh!)

C. it’s complicated

  • 1. it’s complicated na it’s complicated (taragis…umayos kah!!)
  • 2.it’s complicated na in a relationship (me reserbang kalaguyo…sinuswerte!)
  • 3.it’s complicated na domestic partner(ewan ko…pano ba toh?…bahala ka na!)
  • 4. it’s complicated na game over (punta na sa araw!)
  • 5. it’s complicated na desperado  (bumubula na bibig…ahahahaha!)

D. in a relationship

  • 1. in a relationship na in a relationship (nakanang…bat di mapakali?)
  • 2.in a relationship na domestic partner (“… pang isports pah!)
  • 3. in a relationship na game over (pauso?…wala nun!)
  • 4. in a relationship na desperado (ramble na itoh!….strike anywhere!)

E. domestic partner

  • 1. domestic partner na domestic partner (inday, di ka makahalata?)
  • 2. domestic partner na game over (basta me sex life ayus!)
  • 3. domestic partner na desperado (malaki fon bill kaka-SOP….weeeee!)
  • F. game over
  • 1. game over na game over(ay salamat nabawasan ang panggulo!)
  • 2. game over na desperado(wak ka na umepal…ubos na sagot …ahahhaa!)

G. desperado

  • 1. desperado na desperado (naku…masama tong biruin…exempted!)

H. dagdag na panggulo

“yet to be classified”…  (at dahil talagang mahirap i-classify ang mga status na yan ….dahil varried ang complications at particularities ng mga cases….mabuti pa e dito na tayo pumwesto lahat…para sakto!)

At para sa fren kong nag-iinarte…later sana marealize nya na…hindi naman lahat ng ligaya ay matatagpuan sa pagkakaron ng jowa…hindi naman kase pwedeng i-asa lang ang pagiging happy naten sa kamay ng isang nilalang na kahit gano kasanto sa dating e “tao” lang den…pano nalang kung bigla den syang topaken…at ihagis ka sa bulkan?… e di nagmukha ka ng…anak ng bulkan?…ahahhaha

palagay ko ang pagiging masaya ay isang attitude na tanging tayo lang ang makapagtuturo sa sarili… kailanagan lang nating desisyunan kung ano ang mga itinuturing nating mga “langit”….( o yan po…kung mali o me kulang… hiritan nyo lang …para naman lalo tayong masaya!)

 smile lang po ha?…lalo na ngayong malamig na ….at panahon na naman ng mga  “wish ko lang”… wag po masyadong magkwenta…tandaang ang mga bagay na mahalaga ay walang tag price…

 Ciao po!

3 Responses to ““yet to be classified””
  1. naaliw po ako hehehe…dun po ako sa classification na married na married pero may sub category pa din…kung ano man yon “yet to be cassified pa hehehe” ..tama kayo hindi jowa ang sagot sa kalungkutan…dahil ang mga lalake di natin kailan man maaangkin ng buong buo magunaw man ang earth…paki sabi sa friend nyo po maswerte sya at wala siyang ipinagtitimplang mortal ng kape at ipinaghahanda ng damit…idol ko po kayo sa pagiging masayahin nyo at sa utak nyong nakakarating sa iba’t ibang planeta hehehe…

  2. haba ah, nakkalito ang mga status at mga classification pero ako single (wala pa nabbingwit hehehe hirap kase mamingwit eh dinadagdagan ko na nga ng maraming pain) tska sigoro single na single (galit sa mundo? hahaha). But i agree with U di lahat ng may mga jowa ay masaya…at di lang dahil sa mga lalake nagging masaya mga babae.. it depends to oneself kung pano sya maging masaya. Let’s enjoy and keep on rockin’ on the free world.

  3. ha!ha!ha! very amusing! wala akong masabi kundi ang mag-agree ulit sa yo.

    naniniwala rin ako na”happiness is a state of mind, an attitude.”and to quote khalil gibran”Your living is determined not so much by what life brings to you as by the attitude you bring to life; not so much by what happens to you as by the way your mind looks at what happens.”

    at para sa fren mo sana matagpuan na nya yung kanyang hinahanap..

Leave a Reply