Nung high school ako… tanda ko…me isang summer vacation na parang binaligtad ko ang gabi at umaga….siguro excited lang na maiiba na ang routine ng days ko…”no more classrooms, no more books, no more teachers’ dirty looks!”…ansarapppp!…kaya naman andami kong binubusisi sa gabi …basa ko ng basa…kahit anu lang….dyaryo…komiks… tiktik…xerex (nyah!)…pati telephone directory tinangka kong i-memorize (sempre pampa-impress sa mga klasmeyt)… sulat ng mga anik-anik…nood ng tv…tapos sa umaga…tulog buong maghapon…nagtataka tatay ko…”anu bang?… bat ka di natutulog sa gabi?…anu ka bampira?! (bawal naman sumagot …sempre baka masapok…pero utak ko sabe…weh…gusto ko maging baranggay tanod…panu?)
Wanko nga ba…inggit ako sa mga taong parang me switch ang mata (pede on/off ng ganun-ganun lang)….masandal lang sa unan….hagok na…yung iba kat sa bus o sa jeep makikita mo tulog! (tulo-laway pah!..ahahha!)…kat parang manok na tumutuka-tuka…at kanda-untog-untog…hala…ang himbing paden…. tapos yung iba… “subsob” daw sa trabaho… kala mo kung sinong masipag…pala subsob nang subsob sa kaantukan…(ahahha!)…well, niweys,..sa palagay ko “gift” den ang pagiging antukin…isang kakaibang talent…ayan…dapat maidagdag iyan sa types ng multiple intelligences dibah?… (sige nga po…ihirit nyo nga iyan…kayo na den mag-isip ng justifications kung bakit at pano…nyah!)
Naalala ko tuloy yung fren ko sa kolehiyo…”si footloose” kung tawagin namin (masama po manlait ng kapwa…pero yaan mo na…minsan lang naman…waaaa!)…e panu ba naman kat san pumunta kat anung okasyon…nakachinelas sya …ewan bat ala man lang pumuna sa kanya…ang husay kase nun sa mga theoretical discussions …kaya siguro wala naglakas-loob pumansin…takot masopla ng mga chenes chuchu na philosophy prof lang siguro kakainteres makinig…(chaka ala naman masama kung proud sya display lagi paa nya na parang puro patay ang kuko…mukhang luya… ang mga toes nya…parang gali-galit…hiwalay-hiwalay…(waaaaa! juks lang po)..…ako personally inintindi ko nalang…inunawa ko nalang …siguro yun lang expression nya ng kanyang rebellion… parang personal vendetta…dun nya ibinuhos galit nya sa mundo…galit sya sa sapatos!…period!
Pero sabe nila me crush daw yun saken (weh!)…ayan nah!!!….sabe na nga ba…sino hindi makaka-isip magmadre pagganyan?…o baka naman lihim na crush ko den sya?…ayunnn!…(nagka-sound effect po bigla… kablooom!… toink!.. gwenk!… boink!…klang-wang-wang…shoingk!… wheeeeee…plonk!…parang whistlebomb na supot) ahahhaha! (kalukring naman yun…but who knows?… waaaaa!…yoko na…hinga ng malalim…haaaaah!
Niweys… kakaiba po sya….sya lang ang nakita kong tao (baka naman alien?) na in the middle of a heated debate….at habang bumabanat sya ng paliwanag… yung halos nanlalaki na butas ng ilong nya sa panggigigil…para makumbinse mga kausap at matumbok ang punto nya…aba e biglang nakatulog? (peksman…true to life po yan!)…anak ng tipaklong!… ibang klase?!! Gifted child talagaaaaa!!! Pambihira!
Well, balik tayo sa isyu…pano ba matulog? nakakapangit pa naman ang puyat… mukha kang zombie… parang panda…parang eyebug na tinubuan ng mukha…parang naka-shades kahit walang salamin…parang “puyat na unggoy”…waaaahh!
Bakit nga kaya anhirap matulog? …siguro kase andami naten iniisip…well, eto po ang mga naisip kong malamang na iniisip natin bat hirap tayong matulog minsan:
· Mga babayarang bills…. (haay naku…katapusan na naman…kwenta…kwenta…kwenta…sweldo minus bayarin equals…kulang!…utang sa bumbay!…tsk!)
· Gusto maging “all seeing Eye”… (eto po sakit ng mga ofw…mahirap talaga po mag-alala…hindi maiwasan…pero sana wag naman sobra…kase diba…ang sobra “is dangerous to your health”…tsaka wag mo na intindihin si misis…andun naman si kumpare…sya na bahala…waaaaaa…juks lang po!)
· Tamang henlab…. (hanu kaya suot na T-shirt ng crush ko?…kumain na kaya sya?…anu kaya ulam nya?… nagtoothbrush na kaya?….dumighay na? nakanang…tantanan mo!)
· Tamang “matic”(problematic)… (walang trabaho…gusto lumipat…gusto magresign…gusto mapromote…gusto ng raise…gusto ng…nampucha!…anu ba talaga gusto?)
· Excited!… (nanood siguro ng porn?….nyah!)
· Me nakaaway… (yung maniningil?…me hearing sa baranggay?….nag-iisip ng patibong sa karibal…oy, wak yan…sama yan!)
· Me assignment …(susulat ng speech…thesis…chenes presentation… pano kaya magpa-intelektwal?…pano kaya wag magkalat?…pano kaya wag magpahalatang jologs?… hirap yan!…alam na alam ko yan eh…ahahhahaay)
· Insecured…(“naku pano ba toh…i’m getting old na…inde pa ata ako financially secured…sana talaga nagsecurity guard ako…para secure lage!…teka, anu kaya number tatayaan ko sa lotto?…san kaya yung puno na namumunga ng pera?…ayan…dito mo na dapat kantahin yung song ng spice girls…”stop right now…thank you very much…I need somebody with a human touch…hey you…always on the run…gotta slow it down baby…gotta have some funnnnnnnnnn”…cute noh?)
· Me gustong singilin…(Kelan kaya ako babayaran ng kumag na umutang saken…anlinaw naman ng usapan…sabe nya sa susunod na pagbibilog ng buwan…aba…hindi lang bilog…nag ilang lunar…solar…eclipse pa nga e… di paden sya nakaalala?…sus umasa ka pah! lista mo na yun sa hangin!)
· Fufutih pa kaya ako?…( ayan…yan na ata ang pinaka mahirap problemahin sa lahat.)
So, pano ba matulog?… ewan ko po…kung alam ko ang sagot eh…bat itatanong ko pah? (ngek! pabibo lang po!)Ang mga sabi-sabi naman (ayan!…tinamad magresearch?):
· Sabi… yung mga “smart” na tao daw talagang mahirap matulog…(weh, hindi totoo!…e bat ako di naman smart?…pede pa siguro mag-ehersisyo lagi…ayun swak!)
· Sabi… me kanya-kanyang “comfort-zone” tayo…hanapin mo style mo na makakatulog ka ng mahimbing…patagilid.. pataob…patuwad…patiwarik…palambitin (parang paniki lang…ganun!)
· Sabi…wag kakain ng madami bago matulog (weh, yun nga ang problema nung iba…walang makain…panu?)
· Sabi…wag magkakape…uminom ng gatas (pano kung walang pambili? pede na tubig?)
· Sabi…mag-isip ng magaganda…magbilang ng tupa…tapos kontra hirit naman ng iba…wag mag-isip ng kahit anu!… aba’t? …anu ba talaga?
Ayan po…inantok na ata ako sa mga sinabe ko…ikaw po ….anu naman iniisip mo minsan at di ka makatulog?…(dadag mo na den…anu naman style mo na pampa-antok?…)
Basta po…kat anu pa yang worries mo na ayaw magpatulog sa ‘yo…iwan mo muna…itulog mo muna at nang di ka pumangit…. Ayos bah? …Good nite po… tulog na tayo?… zzzzzzzzzzzzzzzz…
Entries (RSS)
hehehehe napatawa nyo na naman po ako….”no more classrooms no more books…madlas ko po yan marinig sa asawa ko ewan ba’t nya ni re recite hanggang ngayong di naman na sya nag aaral…hehehehe….naka ka relate ako dun sa pag mememorize…kung nag attempt kayong i memorize ang directory, ako yung makapal na dictionary hehehehe hanggang 4th page lang ata ako hahahaha….hmmmm buti naman po di pinasok ng kung ano man ang utak nyo at di nyo pinatulan yung si Mr. antukin na parang luya ang paa (naki lait na ako hehehehe) kase baka sa gitna ng loving churva churva nyo pag nagkataon e bigla na lang siyang maghilik hehehehe….aaaahhhh kung sa pagtulog kase wala akong problema…matinding puyatan kase ang involved sa work ko kaya pag me chance matulog e talagang with drooling saliva pa po ako hehehehe…..God bless po and sweet dreams always….’love reading your blogs po…
ha!ha1ha!, well, kagaya ng ating friend na si sunsetzens, ako’y napatawa mo rin…again in capital..HA!HA!HA!
tama ka dyan. ako di talaga makatulog pag me kaaway lalo na pag di ako ang me last words parang gusto kong rumesbak ika nga.nakakagigil, di ba??
isa pa. pag me gusto akong isulat kailangan talaga isulat di ko na namamalayan als tres na pala ng madaling araw kaya eye bags ko mas malaki pa sa mata ko..ha!ha1ha1 toto yon, huh!!
di ko pa naman na try i-memorize yung directory pero si webster natatandaan ko pinagdidiskitahan ko noon.
at yung me crush sa yo. me sleep disorder yun.nakalimutan ko kung ano tawag.yaan mo i-wi-wikipedia ko and i’ll let you know.
hahaha! well, ako, gising pag gabi so tilog sa araw. it’s crazy, but at the moment, i’m liking it!
‘tulog’, ano ba yun…
hahaha, Carmen, parang pinupuntirya mo ata ako kasi kahit sa bus minsan makatulog aho, hopefully, hindi naman tumutulo laway ano? at saka hopefully hindi naman naghihilik, hihi! nung kabata-an ko pa, parati, ginigising ako nang driver kasi ako na lang nai-wan eh at iikot na sya pabalik, kung sa-an ba talaga ako bababa, waaaah! Anyway, wala akong problema sa tulog, ako ata yung sinasabi mo na me switch sa mata :), kahit mag-ingay kayo, makakatulog ako, kasi siguro, walang laman ang utak ko, hahahaha, walang ini-isip! kawawa ano? hihi. anyway, hopefully, magkaro-on ka parati nang magandang tulog.
Natawa ako sa “in the middle of a heated debate…” Mabilis din akong maka-kuha ng tulog, pero di naman ganyan kabilis…hahaha! Pareho kame ng case ni Betchai –lalo na sa umaandar na sasakyan… siguro para kaseng hinehele… “rock-a-bye baby…” ehek! Nung college, asows, suki din ako sa “ginigising ng driver” at pabalik na sya sa biyahe may nakahimlay pa sa kanyang dyip… awa ng Diyos, mababait naman ang mga driver sa atin at di pa naman ako dinampot at itinapon palabas! Hehe… hanggang ngayon dala ko yan. Sa umaga, tuwing may pasok, nakakahiya mang aminin, nagigising ako sa bahagyang tapik ng aking carpool-buddy (Indian girl sya) “Tes, we’re here… in school!” Yikes! Hopefully, di naman ako naghilik… or worst… drool! Waaah!
Pero yan eh ang case ng “umaandar na sasakyan,” sa gabi, it’s a totally different ball game…hahaha! Pareho tayo Baby, lalo at walang pasok… nandyan ang mag basa ng kung ano ano… iba iba ang dinadampot…minsan walang matapos basahin, lahat tinitikman –depende sa aking “frame of mind.” Mahilig din ako magbusisi… magsulat… manood ng DVD… hay! At gaya mo… tulog tuloy sa umaga! Hehe…
O sige girl… ayan… balik na ako sa pagbusisi… hahaha…