tinatawag ka na ng langit,
nagkukumahog ako sa pagpasok sa trabaho.
namimilipit ka sa sakit,
teka lang, sandali, kukubra pa ‘ko ng sweldo.
kailangan mo ng swero, santambak na gamot,
hawak ko ang riseta, nalilito sa pagkukwenta…
habol mo ang hininga, humahangos ka…
sagsag ako sa pagtakbo,isinasanla anu mang lakas pa
agaw-buhay, nakikipagdwelo ka kay kamatayan…
ako’y dumadaluhong naman sa daigdig ng mga buhay na bangkay
ayaw mong lumisan, alam ko,
ayaw kong patalo sa karerang ito, alam ko alam mo.
tinatawag ka na ng langit,
wag kang sumama… pakiusap wag muna…
hindi pa ‘ko handa…hindi pa balanse,
hawak ko ang payslip at mga resibong babayaran
sa dialisis, sa antibiotics, sa mga eksamen sa laboratoryo
sa renta sa silid ng ospital, sa respirator, bayad sa doktor…
ngunit pinikit mo ang mga mata, hinugot ang huling hininga
umpisa ng wakas…..wakas ng aking umpisa…
kasabay sa nagpantay na linya ng monitor ng puso mo
ang pagtirik ng orasan sa bandyclock na kaharap ko
tinatawag ka na ng langit…at iyong dininig,
iniwan mo ako… ngunit iyo ring isinama…
kinalag mo ang kadenang sumilo sa aking kaluluwa…
at sa iyong kamataya’y muli mo akong isinilang…
hindi ata ako nakahingi ng tawad,
hindi nakapagpasalamat…
alam kong hindi mo iyon hinihintay,
dahil ikaw ay pag-ibig, payak at tiyak!
kaya’t paalam muna ina…paalam muna…
walang luha….walang luha…
hindi ka mawawaglit, hindi mawawala….
lalo kang malapit ngayong malayo ka…
ikaw ang talang di kukupasan ng kinang
yakap mo’y muli’t-muli kong babalikan…
ikaw ang mukha ng langit na lagi kong tatanawin…
ngayon,at hanggang sa muli nating pagkikita.
(I’d make you proud mama…i will try my best… ) (sensya na sa kasentihang ito…birthday ko po kase kaya namiss ko nanay ko…)

Entries (RSS)
hapi hapi bertday, carmen.
your words never fail to evoke emotions.ang sabihing ako’y suminghot is an understatement! ako’y lumuha dahil ako’y may ina rin at ako’y anak rin …”dahil ikaw ay pag-ibig, payak at tiyak!..”amen to that sis, amen to that!
happy birthday po…katulad ng sinabi ni kaibigang Eng…ang sabihing ako’y suminghot din is an understatement dahil humagulgol ako…….kung nasaan man po ngayon ang inyong mama alam ko “proud sya sa inyo” …”ikaw ang mukha ng langit na aking tatanawin…..” aaaah hindi na po ako makahinga…sisinga muna ako……..
Ms. eng at sunsetzens…tatlo na tayong napuwing…salamat sa pakikinig…salamat sa pakikiluha…it matters a lot to me that you’ve allowed yourselves to bleed with me…salamat ng marami…
tubiggggg! waahhhhh!
kakaloka! nakakasikip ng dibib ang tula mo ateh!
Carmen, belated happy birthday. habang binabasa ko ang tula mo, parang bumabalik din karanasan ko, parang may pagkahambing ang pagkawala nang ating ina, tama ka Carmen, kahit wala na sila sa daig-dig na ito, pero yung alaala nila habambuhay nasa ating mga puso at damdamin.
Carmen… matagal akong natigilan… punong puno ng damdamin ang iyong tula… halos nagsalita ang tula na ito sa aking katauhan! Di ko mapigilan ang pagluha…
Ala-una ng hapon, nagmamadali ako galing sa colehiyo, halos tumatakbo. Pagdating sa ospital, inilalabas ang aking ama mula sa kanyang silid… kailngang maisugod, mailipat sa ICU… salitang ni ayaw kong marinig…hamak makita! Pikit ang mata, walang kilos… walang malay, di ko alam kung ano ang iisipin! Nakatitig ako sa kawalan… di alam ang unang gagawin. Ni ayaw papasukin sa ICU. Sa telepono, di alam ang sasabihin sa aking ina at mga kapatid. Magmadali… humayo kayo…at… baka huli na ang lahat? Parang masamang panaginip… napaka bigat sa dibdib!
Alam ko ang pakiramdam ng mapagdamutan ng magulang… bagkos matagal na ang pangyayari, ako’y nakikiramay Carmen –sapagkat batid ko na ang hinagpis ay nagpapa balik balik.
“hindi ka mawawaglit, hindi mawawala….
lalo kang malapit ngayong malayo ka…”
Happy belated Birthday dear Carmen.
Kakaibang paraan ng pagdaraos ng iyong kaarawan… pag sulat ng tula tungkol sa iyong inal Napakagandang regalo sa iyong sarili! Napaka-gandang tula Baby! Bravo girl!
ms. tes…”ang hinagpis ay nagpapabalik-balik” totoo…11 years kong bitbit sa damdamin ang siguroy kinatatakutan kong haraping pakiramdam (loss)…hindi ako makahugot ng sapat na lakas upang bigyang pangalan ang sakit…dahil sa proseso ng pagsulat o pagkukwento ay muling mananariwa ang hapdi ng sugat…subalit nais kong makakita ng liwanag sa oras na wari ko’y kulimlim ang lahat…salamat sa pagbabahagi mo ng sariling karanasan…lumuha din ako…nadama din kita…ganun kay betchai…salamat…ngayon lalong tumibay ang paniniwala kong tayo ay tunay na magkakapatid na nakasukob lamang sa isang malawak na langit…yakap ko po kayo….
Ay sobrang late na to pero babatiin pa din kita ng Belated Happy Birthday Carmen ! Nakakaiyak to, di kaya ng power ko basta me kasamang article tungkol sa magulang. Andyan pa ang parents ko pero malayo sa akin. Masaya ako at natupad ang mga pangarap nila para sa akin, pero di ko naman sila makasama para makapag celebrate kami. Hay Carmen, bakit kailangang lumayo sa sariling bansa para matupad ang mga pangarap !
Chay salamat sa pagbati mo ha…hindi po iyon late…atleast nga nabati pa ko…gusto nga po lagi akong binabati e….ksp kase ko (wah!)… at yung tanong na “bakit kailangang lumayo sa sariling bansa para matupad ang pangarap”….ay tanong po ng 10 milyong OFW at ilang milyong pinoy immigrants sa iba’t-ibang sulok ng mundo…na sana ay tugunan ng ating gobyerno ng solusyon…sana tubuan naman ng delikadesa ang mga pinuno ng ating bayan…at maisip man lang nila kung ganong nagtitiis ang mga lumayo para lamang matugunan ang pangangailangan ng mga naiwan sa pinas…hay naku pag ganito na usapan…gusto ko na talaga mag-aral mangkulam po….haaaay…Ms. Chay hello den sa parents mo po…makiki nanay at tatay na den ako sa kanila….paampon ko sarili ko…pede po?…ahahha…tnx for sharing your thoughts on my page…balik lang po anytime!
alam mo mejo kinilabutan ako dito sa tula mo kc nangyari din sakin to…sa lolo ko naman (un nagpalaki sakin) kc during his last hours nsa work pa ko…paguwi ko too late na wala na cia…masasabi ko lang, kung ako nga very proud sayo what more pa kaya ang nanay mo!!! pinapabasa ko sa anak ko mga blogs mo, tanong nya agad sakin nung makita nya mga photos mo ” artist ba to ma?”…sabi ko “yes…galing noh?” bilib din cia sayo kahit d ka pa nya kilala!!! hehe…Happy B-day pala syo nung Dec 20 ha…(tagal na nun ah?!) ahehe….
salamat sa pagbati ng happy birthday rose may…salamat for calling me an artist…salamat at pati ang son mo ay nagustuhan din ang mga sulat ko…salamat sa pagkibo mo….hirit lang po kahit anu sa kung alin dito….atin naman kasi itong page e…dito nagtatagpo ang mga thoughts natin…and we enrich each other by sharing what we know to the rest while also picking-up on new ideas by the others…
uy ha…when i read itong comment mo….parang naririnig kitang nagsaaslita in person…ikaw na ikaw…at talagang hindi ko makalimutan yung sabi mo about dun sa nanliligaw saken…”abby…pagkiss mu yan…biyak nguso mo…anlalaki ng ipen eh”…ahahhahah
you are so much welcome in my world may…tambay lang…at hirit lang…lahat ng hirit dito appreciated po…and here’s to say…i am always proud of you too…and i feel like si abby talaga with you around…see you around sister!