Isang umaga magigising ka nalang
Lahat maayos na
Ni hindi mo na matandaan
ano ba ‘yung iniyakan mo nung gabi
Parang may nag-ayos
Nagpatila ng ulan
Nagligpit ng mga kalat
Nagbantay sa magdamag
…parang binibigyan ka ulit ng isang pagkakataon
Para batiin ang buhay
Para makapag-simulang muli
….isang umaga…
hindi na mapigilan…dumadagundong ang mga putukan hudyat ng pamamaalam sa natapos na taon…nagliliyab ang kalangitan sa mga kwitis na waring yumayakap sa pangako ng bagong taon….
salamat at nakaraos tayo…salamat at sinapit natin ang 2009 ng ayus lang…bagong yugto…bagong kabanata ang ating haharapin…isang pagkakataon upang anu man ang maari pang maituwid ay maituwid….upang anumang pangarap ay mapagsikapang maabot…upang anu mang pangangailangan sa pagpapatawad at pag-ibig ay mabigyang puwang…upang makabangon sa malubak na tinahak…upang kumapit ng mahigpit sa ating pananalig…upang makapag-simulang muli…
bumubungad ang bagong umaga…halika na’t atin itong salubungin….salubungin ng may ngiti…ng may pagpapasalamat….ng may buong pag-asa…
…sama-sama lang…salo-salo…byahe lang po ulit tayo!

Entries (RSS)
pede naman atang ako na ren magcomment eh…nyah!…well, hindi po totoo…wala pong nagligpit ng mga kalat habang natutulog ako…kaya nga ako paden ang naglinis kinaumagahan..waaaaaa!…moral of the story…Wag magkalat! ayunnn!
(chaka yung piktyur ko…hawig ko ata si michael jackson dito….ginagaya ko kase billy jean nya eh…weeeeee!)
ha!ha!ha!.. akala super emote ka doon sa picture…
wari ko sa ating paggising sa isang umaga na iyon eh napag-alaman na natin na me kalat nga at pwede naman palang ligpitin,na di naman pala permanenteng kalat temporaryo lang.para pag ligpit natin pwede ulit magkalat…ngek! ano ba yan, nagkakalat ako…ha!ha!ha!
…sama-sama lang…salo-salo…byahe lang po ulit tayo!…yap, my friend, byahe lang muli tayo!!!
Ms eng…nagustuhan ko talaga yung “para pag ligpit natin pwede ulit magkalat…”…kase po feeling ko, isang taon ulit na pagkakalat ang gagawin ko…mabuti naman yun…atleast hindi pressure na maging otherwise (anu daw?)…at masaya ko sa byaheng ito …dahil kasama kita…so yes my friend…let’s hit the road!
oh! carmen…it’s gonna be one heck of a journey with the two of us in the road…ha!ha!ha!
Hey girls, include me! Huwag mag–alala… kasama rin ako sa makalat! Hahaha! Panay din ang kamot sa ulo kapag may hinahanp na gamit at di matagpuan… Hay! Sabi nga ng kaibigan kong madre, kahit anong punas at pag kuskos… babalik at babalik ang alikabok –buhay… patuloy na dadaloy… patuloy ang biyahe mga kaibigan! Kahit anong dami ng alikabok… iba pa rin ang tahanan na puno ng panauhin! Makalat man ang buhay, pinagyayaman pa rin ng mga kabigan! Count me in girls… biyahe tayo!
tes-timony…ang saya-saya ko naman nakita kita dito…yepeeeeee!…welcome po…and i agree na mukha ngang ang ginagawa lang talaga natin sa life ay ang magligpit ng kalat….kalat ng iba…kalat natin…at syempre di maiiwasan nagkakalat den tayo…pero keber lang….tuloy ang pagsasama-sama…lalong masaya ang byahe kung kasama ang mga katulad kong “makalat” na mga manlilikhang makata…tuloy ang biyahe!
Carmen, yung mga sulat mo parati naglalagay nang ngiti at halakhak sa araw ko, minsan kahit malungkot na sulat mo, natatawa pa rin ako kasi yun ata talaga ang regalong binibigay mo sa mga kaibigan mo. Ako din Carmen, makalat din ako, pero hwag kag mag-alala Carmen, marami tayo, hahahaha! Kasi sabi nga nang sysensa, “Disorderliness is the arrow of time”, madali ang magkalat, pero talagang naglala-an tayo nang enerhiya para magligpit, pero tuloy pa rin ang buhay, masaya pa rin ito kung ating pasayahin, lalo na nang mga ka-ibigan na nagdadala nang mga ngiti sa araw araw natin.
betchai…an saya ko talaga ng matagpuan ko kayo…isang tambak na “makakalat” din parang ako….ahahhaha…pero i agree….”naglalaan tayo ng enerhiya para magligpit”…o di ba…ehersisyo ang labas…mabuti yun sa katawan…at magiging napaka-boring ata ng life kung walang challenges o “kalat”…na hahamon sa ating imahinasyon at determinasyon na din…kaya nga kaibigan…tayo na’t bumyahe at ituloy ang ating bonggang bonggang “pagkakalat”..(nyah!)…tuloy lang natin ang ating makalat na creative journey…sama-sama lang ulit para masaya!
Ang sarap ng pakiramdam pag gising pa lang natin sa unang araw ng taon. Pakiramdam ko bagong buhay, bagong simula, isang chance natin na itama kung alin ang mga maling nagawa natin last year at pag butihin pa lalo this year. Ang unang araw ng taon ang pinaka favorite kong araw, same as my birthday, parang regalo sa akin na andito pa din ako at binigyan ng chance na mag celebrate - kaya yan ang pinaka 2 special na araw para sa akin, although everyday is a special day. Thanks Carmen !
you’re most welcome Chay…salamat din sa ‘yong pagbisita…