Kung buo na ang loob mo…

 

Sigurado sa loob ng silid na kwadrado

aabot tayo sa disyerto, tatawid ng mga dagat,

aakyat sa mga bundok, gagala sa mga lungsod,

ng dalawang sulok ng ating mga teritoryo.

At  kung papalarin,

baka maakyat natin ang langit;

baka sakaling magtagpo,

buong ikaw,

buong ako.

 

Hindi ko ipipilit na masangkot ka

sa mga digmaang kinapapalooban ko;

mahirap yun - mabigat na desisyon.

Pero kung buo na ang loob mo,

sige hamunin natin ang  mundo;

iguho ang mga rebulto,

angkinin natin ang layang

di nakakamit ng walang pakikipagtalo.

 

Kung buo na ang loob mo’y handa na rin ako;

hindi kalian man aalis sa tabi mo,

sa gitgitan ng katwiran at prinsipyo,

hindi mananahimik sa’king kamay -

ang punglong tangan ko.

Asahan mo.

 

 

 

 

Tula para kay Zenki

February 29, 2008

Nonthaburi,Thailand

 

 

magulo ang chronological compilation ng  mga postings ko…sensya na …kase naman naiisipan  ko lang maghalungkat sa mahiwagang baol kapag me nararamdaman akong kakaiba…(kakaiba like gustong mahati ng katawan ko pagbilog ang buwan…ngek.)..,,niweys po…sana mapadpad dito ang insiprasyon ng tulang ito…sayang kase …baka abutin na ulit ng leap year…eh hindi pa din nya alam na may tula ako para sa kanya… sana…sana…wish  ko lang talaga…sana.

4 Responses to “Kung buo na ang loob mo…”
  1. ala akong maikomment.ksp lng ako d2…heheheheh…tkabasa lng po enjoy nman ako…MOOOOOOORRRRRRRRRRRREEEEEEEEEEEEEEE

  2. ganda ng tula.. eksaktong eksakto! minsan yan den ang gusto kong sabihin s mga taong gustong mkasama s pagbuo ng pamilyang pinapangarap ko..

  3. hamunin ang mundo…ang sarap hamunin ng mundo kapag may kasama ka…na buo nga ang loob…ang problema kung bumitiw sya at naiwan ka sa gitna ng labanan..na wala ni ano mang sandata…nagawa ko na yan minsan ang makibaka sa tadhana kasama ang isang minamahal…sa bandang huli nagwagi kami pero dumanak ang maraming luha at dugo…ngayon…ayokong isiping nag iisa na ako pero…eto ang tiyak na tiyak ko…kelangang buo din ang loob mo…para kahit maiwan ka man sa gitna ng iran at iraq lulutang kang buhay sa pacific ocean!

  4. well, sabi nga ang taong buo na ang loob aba ay walang uurungan.he knows what he wants and wants what he knows and go for it!!!

Leave a Reply