Mahal ko, ewan ko kung sa puso mo’y naubos na ang tamis ng mga alaala….kung di ito sumapat sa mahabang tag-araw at taglamig na binuno nating di magkasama…naglaho na yata ang init ng iyong pagtingin…nanamlay na ang pananabik…nagsawa na sa paghihintay…. pagod na sa madalas na tampuhang nag-iiwan ng mga latay ng alinlangan…hindi na ba magkarugtong ang ating mga panaginip?…bumitaw ka na ba sa paghawak sa ating mga pangarap?
Napakaraming tanong…bunga na siguro ito ng namamagitang lawak ng espasyo at mahabang panahon ng pananahimik…ayaw kong isipin…ngunit di maikakaila… na sa bawat araw na nalalagas sa kalendaryo…ay lalo kang napapalayo…nagiging estranghero…unti-unti kang nagkukulong sa bakod ng iyong pagsasarili…hindi ko maintindihan…paano unti-unting nadurog ang mga tulay…kung paanong naubos ang bokabularyo ng matamis na pagsusuyuan…hindi ko namalayan…hindi ko napaghandaan…nanaig na yata ang pwersa ng pagkakawalay ….unti-unti nitong inilibing sa limot ang ating pagiging magka-isang palad…
Sa kabilang banda’y….niyakap ko ang pait ng pangungulila…kahit na madalas akong di patulugin ng malalakas na kulog at matatalas na kidlat…sa kalangitan man o sa aking kalooban…nagsisiksik parin ako sa sulok ng ating mga alaala…at duon ay napapayapa ang aking pagkabalisa… di ko alam panong sa tuwing aagos ang tubig sa mata ko’y para bang katabi kita…handuon ka…hinahaplos ang aking mukha…niyayakap ako ng mahigpit….hinahagkan ang mga takot ko at pag-aalala …hanggang sa tuluyan itong mawala…oo handuon ka…kasama ko sa aking pag-iisa…
Kahit na sabihin kong hindi na ako umaasang magtatagumpay pa tayo sa hirap ng mga pagsubok…alam kong sa loob ko’y nakahawak parin ako…kahit na sabihin kong…kaya kong harapin sakaling sabihin mong tapusin na natin ito…alam kong sa loob ko’y maiiwan ako sa ating mundo…kahit na huminto na tayo sa ating pagpipilit na manatili ang pagkakabigkis…. Alam kong ako’y magpapatuloy…. aasa… maghihintay… mananalig parin…
Hindi kita pipigilan sakaling nais mo nang lisanin ang ating pugad…hindi kita pababaunan ng pait at bigat… kakatigan ko ang laya mong hanapin ang iyong bagong langit… kahit na gaano kahirap ‘yon… alam mong hindi ako hahadlang….dahil hindi bitag…hindi hawla…hindi kadena ang ikinawing kong pag-ibig… mauunawaan ko…hindi ko gusto…ngunit tutukuran ko ang kalayaan mo…
Alagaan mo sana lagi ang sarili… at katulad nga ng sabi mo dati….”matulog ng mahimbing…managinip ng maganda”… hangad kong kahit paminsan-minsan sana’y makapagpahinga ka mula sa mabigat na pagpasan sa ‘yong mga alalahanin…
Hanggang dito na lamang…at sana’y umabot sa iyo… ang sa twina’y ibinubulong ko sa hangin… yakap ng aking mga panaginip…laman ng mga dalangin… bukal ng luha ko’t tuwa…dalawang salitang hindi ko kalian man masukat ang lawak at lalim….at minsan ay waring kapos parin upang ipaliwanag kung anu ka sa akin…..
Mahal kita…
P.S
(Praktis lang Shunga!…niwala ka naman….eto talaga gusto ko sabihin….madapa ka sana…mahulog sa manhole… mabilaukan…mauntog…tamaan ka sana ng kulog…masagasaan ng pison…tubuan ka sana ng pigsa sa pwet… buset!)
Entries (RSS)
sometimes jokes are half-truths…
i googled the movie text. naalala ko kasi si nash when we once discussed nash equilibrium sa game theory dito sa office. remembered the movie and how i liked russel crowe’s portrayal of john nash…there really is a thin line bewtween being a genius and having a “cerebral imbalance”…
hahahaahahahahahahahahah… i like it mama. hirap tlga ng busy.ngyon lng ngkaroon time to read all these, lulukuluko pa friendster hirap buksan.musta na ang pagrampa?everyday nkakapagod db? cge lng… “kya natin to” SMB(mahal ‘to) ano n lang Samsong…anu n ung isa?
hope we’ll have tym mgjamming ulet khit 2 lng tau.ingatz!
sa aking mata’y nagingilid ang luha ng pait at sakit.puso ko ay naninikip sa labis na nadaramang para sa iyo’y pag-ibig.sumingsinghot na ako ng bigla kong mabasa ang p.s….killjoy mo naman, feel na feel ko pa naman. ..ha!ha!ha!..got me there.pero tanong lang..baka naman tulak ng bibig kabig ng dibdib.
ahahahahha…”killjoy” nga po…aminado naman ako…madalas ko nga naiisip na i-delete na yung P.S….kase nagmukhang patawa …but on the contrary Ms. eng…ito po ay “tulak ng dibdib na kinabig lang ng bibig”…at kakornihan na kung kakornihan pero ganto po itsura ko habang sinusulat ko to…may isang galong tubig sa tabi (para di madehydrate po)…nagkalat ang siningahang tissues sa sahig…mugto ang mata…singhot…singa…hikbi…buntong hininga…tak…tak…tak….takatakatakatak….waaaaaaaaa!….higa-higa…tulala onte…tunganga…tas…nguyngoy na naman…balik sa harap ng pc…tak…hugot ng lakas ng loob…sabay ng patak ng luha ang patak ng mga salita…..takatakatakakk!….ayun po…kat pautay-utay…kala ko nga po mauutas na ko sa sobrang hinagpis…mabuti naman po at hindi…at natapos den ang akda…lumuwag ng bahagya ang aking pakiramdam…at nagpilit ngumiti at matawa nalang sa kabila ng pagdaramdam…salamat sa ‘yong pakikinig ha…(sa inyo pong lahat na nakarinig)…salamat ng madami…
naniniwala ako doon sa sinabi mong itsura mo habang sinusulat mo to, huh!! ako nga nakikibasa lang eh sumisinghot na, isang paragraph na lang ay siguradong lalagpak ang pinagsanib na luha at sipon ko…baka makihingi pa ko sa iyo ng tissue paper…
lika at yayain na lang kitang magkape.addict ako dyan eh!!
kung minsan ay ganoon tlga ang buhay…nagmamahala tau sa taong di pla para sa atin…gnon pman salamat na rin ay natuto taung magmhal ng totoo…
I reaaly2x feel the letter..but at the end i was shock…hahaha….emotera pa nman ako tpos ang matatamis na liham ay bgla nalang nagbago sa isang mapait at galit na pusong tilay gustong maghiganti!
wow…this is a good read!
ang ganda ng pagkakasulat!
….!!!!!! Ang lalim naman!!!
….!!!akala ko toto u nah!!
….!!!akala ko super in love ka !!!
….!!!!HAHAHAHAHAHAHAH!!!!!! =D