Habang naghuhugas ako ng plato… naisip ko nalang bigla…bakit nga ba ang hirap magkaintindihan ng mga tao kapag nag-uusap sila… hindi lang dahil me language barrier (lalo kung nasa foreign land ka),…which is obviously a natural deterrent para magka-intindihan ….. talagang minsan…or madalas… magulo ang takbo ng mga usapan….
Naisip ko tuloy, siguro pwedeng i-classify ang mga tipo ng usapan/ argumento/“talks” sa mga sumusunod na patterns:
1.”alin ang nauna…itlog o manok?”
(eto yung tipong mapapatid na litid nyo sa paliwanagan, balitaktakan,hanggang mauwi na sa sigawan…talsikan na mga laway nyo…at inabot na kayo ng isang-daang taon (ibig sabihin hanggang sa kabilang buhay yun)… hindi paden tapos ang usapan…..tas me sisigaw na sa inyo…”oy magsaksakan nalang kaya kayo… mga buset!!!!!!!)
2.”sige sumagot ka…aha! sumasagot ka na?!!”
(lahat naman ata ng anak dumanas nito….pwera nalang kung putok ka sa buho…..o napulot lang sa tae ng kalabaw…hinde ka mahal…hindi ka pansin…hindi ka nakatikim ng sermon (merun ba nun?)….well, ewan kung sad or happy yun…pero yung lumaki sa meal-time-sermon-time na mga bata….ay alam na ang arumentong ito ay madalas pa nga na may karugtong na….”sige sumagot sagot ka jan….wala kang allowance makita moh!)(sempre sino pa kikibo nun…ahahhaa…anhirap magpalaki ng magulang noh?)
3.”uu sige tama…panalo ka na…(taena mo abangan nalang kita sa kanto!”)
(sino nagsabing pambata lang toh?… mas masahol pa nga sa pikunan ang matatanda… now kung di mo naman kayang mang-ufakh…kulamin mo nalang!..juks lang!… kaya nga dapat kang mag-ingat sa taong agree lang ng agree sa sinasabi mo…weh hindi mo alam…kumukulo na pala tae nun… nakangite paden sa’yo….delikado!)
4.”uu sige tama…panalo ka na…pautang?
(me kanta toh e…’wag mo akong tingnan na para bang uutang ka…at meron pang padrama-drama ang iyong mata…weeeeeeeeee!….ito ata mas delikado?)
5. “weh! wala yan sa lolo ko….”
(ayan…usapang eat-bulaga! dapat madami kang baon…panalo ang mga lasenggo dito…(isa na ko dun)…pero ito po sure hit… kahit sa malungkot na lugar sa ospital ….kapag narinig mo me nag-uusap ng ganito ang format… natatawa ka na agad e…totoo dibah?…imagine kung bago mag-umpisa ang mga court hearing or congressional sessions ay me hihirit muna ng gantong mga lines…ansaya siguro ng mundo…)
6.” papunta ka palang…pabalik na ko…”
(hindi ka ata tao kapag sa life time mo e wala kang nasagupang ganitong linya….palaging me marunong na isa…matanda man sya… mukhang matanda…or matanda lang mag-isip…meron palaging magmamagaling….tingin ko naman ay ayus lang yun….atleast me gumagabay dibah?….pero kapag sobra na….minsan gusto mo din barahin…at sagutin ng “ papunta?…weh, wala naman kaya akong balak umalis…”)
7.”bato-bato sa langit ang tamaan…wag magalit…”
(mga pasaring ni aling charing… etchusan blues itoh!…dakdak ng dakdak pero hindi tumutumbok…walang tinutukoy kung para kanino yung dakdak….parang carpet-bombing lang …lahatan…pakyawan…lahat inaasar…hanggang sa merong hinde na makapagpigil at mapasigaw …”Futang Ina….sino ba talaga ang umutot…aminin nyo na…kanina pa nakukulili ang tenga ko!!”…ahahhahahaha )
8. “blah-blah-blah-blah-blah… teka anu tanong?”
(ala Rambo style naman ito…bratatatatatatatatat!….ayus ah…hanep ang mga birada…pang famas pa yung iba…tapos lahat naka-taas na ang kilay…umuusok ang ilong..…lalapit sa kanya ang isa… sabay batok….”ngakngak ka nang ngakngak….e anlayu naman ng sinasabi mo….tas sasagut sya…“ah eh…anu ba tanong?…ngurk!)
9.”blah-blah-blah-blah-blah… tamang sirang plaka”
(ganto ata mga bossing eh!….ansarap irecord…kala ata nila dagdag fogi points yun?… hinde pa nila isabay sa national anthem…sermon nila…tutal ganun ka predictable ang frequency ng schedule at content…saulado mo na… naiisip mo tuloy….”kelan kaya sila matitigok?”)
10.”blah-blah-blah-blah-blah… and I quote…sabe nga ni ka jerry tungkol sa pagpapadami ng itlog ng kwago… ”chenes, mhdlskeytf bdnd… chenes…”
(patay tayo jan!….mahirap kausap tong pang “ating alamin” ang dating…wiz ka na spuke mabuti pah….dito mo na kaiingitan ang mga bingi….ahhaahhaha)
Haaaay naku…kaya siguro magulo… kase walang gustong magpatalo? At ang pinaka mahirap gawin…ay payagan ang iba na gamitin ang karapatan nila na magkamali…korek? korek! (o yan na nga bah!….tama na naman! … e pano naman kase… “kelan ba naging tama ang mali?”)…Aray ko!….anu daw?… Ayoko na ata…baka maging “itlog o manok” na usapan na toh….Bahala ka na nga umintindi… malaki ka na! (kindat!)
Madami pa siguro akong hindi naisali… ikaw ba po…anu naman style mo…pano ka naman makipag-usap ng “malabo”?…(nyah!)

Entries (RSS)
galing ah, hanga ako sa taglay mong kaisipan….biro mo naisip mo pa un habang nghhugas ka ng plato, so ngaun ano naman ang naiisip mo kase mas maganda gingawa mo ngaun naghuhugas ka ng ITLOG! habang binbasa ko twa ako ng tawa sa mga ginawa mo! para ka senador, announcer,commentator,MC, at kagawad ng baranggay.(hahahah) Pero teka
forgot mo yata ang ganitong linya ah.(ano ba yan ke bata bata mo pa sumasabat ka na sa mga usapan ng mga mattanda ah! ke bata bata mo pa, may gatas k pa sa labi lumalandi ka na! at pg may nagawa k namang MALi ssabihin sau ano ba yan ki tanda tanda mo na hindi ka pa marunong! hindi ka pa marunong umintindi? ano ba un? kalito! pati ako nalito non? tama ka nga may language barrier kahit nga pareho pinoy d pa rin mag kaintindihan! ( remember this song? nakakalito ang mundo kung sinong mahal mo siyang ayaw sau! ahhahahaa)
sabi pa nila, ” hoy mas marami n ako ng nkaing kanin at nainom n tubig kesa s u kya tumigil ka.”
pag ako d maintindihan. banat ko, “bhala ka n nga jan” “ma at pa”, pagkatapos sigawan mo…ALAYWAH!!!
or, ” ganun?” tlga? grabeh? tutuo? klan? banatan mo tanong kung anu ano matitigil ang usapan…db? ngek!papansin n nman i2!! hehehehhehe
Wow men! alam mo bang haba na ng comment ko pag send ko biglang nag ERROR… wow… labo naman talaga nito..Malabo pa sa SABAW ng PUSIT oh..ANAK talaga ni Tya PUSIT… hahaha Di ko kasi naintindihan ung nakalagay na required at will not be published.. huh! wow.. bomalabs.. so ito na lang masasabi ko.. Nakakatawa itong blog na ito…about sa itlog… naku pwede ba..mangingitlog ka pag pinag talunan pa natin itong ILTOG thing na ito.. hahaha..sa haba haba ng usapan.. Wala ding sense.. hihihi.. any way about the other THING here actually lahat sila nangyari sa akin pero ITO lng po ha.. Pwede mag tanong? SINO si Ka Jerry? wahhahaha… di ako makarelate…. any way nice shot….
hay naku ate! oops! you did it again!
hahahahahah! more more more more more!
ikaw! ikaw! ikaw ang pasimuno ng mga kalokohan ng ating mga kapatid. kahit seryoso na ang usapan…kapag may ganitong mag-isip…hagalpak ang tawa nating lahat.
nakalimutan na may problema pala!
PianoMan…
Hello
I bookmarked this site. Thanks heaps for this!… if anyone else has anything, it would be much appreciated. Great website Super Pianoforte Links http://www.en.Grand-Pianos.org Enjoy!…
Balak…
Utilising a professional service could for certain aid buyers to pay off the majority of existing outstanding charge cards and variant late responsibilities likewise….