Nakatunganga kami sa kanya, hindi sya magaling magpatawa…seryosong-seryoso sya sa kanyang dine-demonstrate…kaming tatlo namang anak na babae, ako…si lisa…at si len…ay seryosong-seryoso sa aming pagkukunwaring pakikinig…nakatingin kami sa kanya pero ang mga utak namin  ay ewan kung saan na napadpad…

 Ganito ang gagawin nyo hahawak nya ang malaking lubid na parang hose ng bombero ang kapal at ubod ng habaitatali ninyo ito sa haligi…ganito…sabay monstra sya…at ilalawit ang dulo ditosabay punta sya sa bintana na fire exit daw namin…dun na kami napahagalpak ng tawang magkakapatid…

Eh, pa…bakit walang hagdan kasi yang fire exit natin?…kapag tumalun kami  jan…sigurado, patay!..10 feet ata ang taas nyan at semento ang babagsakan….at patay na nga…malalapa pa kami ng mga aso ni misis jan sa likod….sabat ni lisa…hagalpak kami sa tawang tatlo…pero hindi ang tatay ko…

Eh kaya ko nga kayo tinuturuan kung paano ang gagawin kung magkasunog…itong lubid nga ang itatali nyo sa poste at ilalawit jan sa bintana ang dulo…tapos maglalambitin na kayo pababa…nakikinig ba kayo ha?…sumungit ang mukha nya…

Nilunok naming bigla ang mga tawa namin…at nagkunwari  ulit na seryosong nakikinig…nagpatuloy ang kanyang fire drill demonstration…

Isa siyang mandaragat, seaman…kaya sanay na kaming taunan lang syang makita…at sa kakaunting panahon na ipinagsasama namin…minemorize siguro ng utak ko…nang hindi malay…kung anong klase syang tao…

Tahimik…seryoso…minsan lang magpatawa kaya pinagbibigyan na namin…bugnutin…matulungin…ayokong sabihing isa sya sa mga taong nakilala kong umani ng sangrekwang kamalasan….pero parang ganun na nga din ata yun…

May ilang beses siyang umuwi at nagulat sa tahasang pagbabago ng script ng buhay nya…nababago iyon ng wala syang kamalay-malay….isang beses halimbawa’y umuwi siyang nakikipaghiwalay na ang nanay at wala na siyang magagawa kundi sumang-ayon….

Nagkahiwalay sila kaya kaming magkakapatid ay nahati na parang pizza… tatlong babae kaming napunta sa kampo ni papa…at talo din ang naiwan sa nanay…hating kapatid ika nga

Isang beses naman bago siya umuwi ay may ganitong usapan sa telepono…

Pa…nga pala yung anak mong isa…yung isa sa kambal…kase ano eh..medyo …hindi wala namang masamang nangyare…hindi naman nadisgrasya…hindi napilayan…wala naman sakit…kaso lang…kase…mahabang patlang at  buntong hininga…kase….si… lisa…buntis!…

hindi ko man sya nakikita sa kabilang dulo ng linya…ay parang naiimagine ko na ang itsura niya’y parang natuka ng sawa…namuti ang mata…namutla na parang binabad sa suka… hindi sya umimik…pero parang nadidinig ko ang pagtambol ng puso nya..bog…bog…bog…hanggang …ting!…flatline!

Pa?…anjan ka pa ba?…hello?..hello?…

ilang sandali…nahimasmaasan na sya….humihinga na ulit…at biglang  sumigaw….

Anooooooooooooooooooooooo??????

At kasunod na ay mahabang litanya ng sermon na kung susumahin ang tema ay ganto ang ibig sabihin…”…hindi yan totoo…rewind…rewind…mali  ang script…take two…hindi!…ayan na nga ba ang sinasabi ko…di ba’t binilin ko sa inyo na..blah…blah…blah….

Di  ako makasagot… wala naman kase akong masasabi kundi…“Amen”.

Pagkalipas ng ilang buwan…heto na naman ang takbo ng usapan sa telepono….

Pa…nga pala yung anak mong isa…yung isa…kase ano eh..medyo …hindi wala namang masamang nangyare…hindi naman nadisgrasya…hindi napilayan…wala naman sakit…kaso lang…kase…mahabang patlang at buntong hininga…kase….si…si  ako…buntis!…

 Bog…bog…bog…ting!…flatline uli sya…

Pa?…anjan ka pa ba?…hello?..hello?…

at ng huminga syang muli…

Anooooooooooooooooooooooooooo????

At ganun ulit ang mga sinabi nya katulad nung una…naimagine ko ulit ang itsura nya… kung nung una ay parang natuka lang sya…ngayon ay natuluyan na syang lunukin ng sawa….

Galit na galit siya…gusto na niya siguro kaming kalbuhin ni lisa…pero pag-uwi niya at makita ang dalawang paslit na walng malay sa kanilang dinatnang sitwasyon…si Diane ni lisa at si Justine ko…ay natunaw na ang himutok niya…paunti-unti…natuwa na din sya sa bago nyang role…ngayon ay isa na syang ganap na lolo…

Hindi niya inambisyong maging santo…pero bakit parang ganoon ang pinupuntahan ng kanyang papel sa buhay…kahit nagagalit siya ay nanatiling  mapagkalinga… napagtiisan niyang unawain…at yakapin ang lahat ng sama ng loob na ibinigay namin sa kanya…At waring hindi pa sapat ang parusang hatid namin… heto’t sinubok pa muli siya ng tadhana…

Isang araw sa buwan ng Marso….napaka-alinsangan ng panahon…. nakatiwang-wang pa ang mga boxes na dala niya…wala pa siyang isang linggong nakaka-uwi…hindi pa namin nabubulatlat ang mga pasalubong… ansarap ng pagkahandusay ko sa harap ng tv…aliw na aliw sa panonood ng eat bulaga…naiinis at panay ang ulit ng anunsyo tungkol sa “fire prevention month”

…tumayo muna ako para magtimpla ng juice…dinig na dinig ko pa ang ingay ng tv habang akoy nasa-kusina… si Justine na nuon ay isang taon at tatlong buwan pa lamang ay abala sa pagkuting-ting ng kanyang mga kalembang na dekolor sa stroller sa salas…sabi ng patalastas sa tv….

Ang buwan ng Marso ay “fire prevention month”…hinihikayat ang lahat na maging maingat…narito ang ilang tips upang maiwasan ang kadalasang pinag-uumpisahan ng sunog…

At bigla…merong sumigaw mula sa kung saan…..

“Sunogggggggggg!!!!!!!…..sunoggggg!!!!!…tawag kayo ng bumbero!!! ….sunogggggggggggggg!

Nabitiwan ko ang basong hawak…anu ba yun?….ayaw kong paniwalaan ang narinig….hindi totoo yun…sabi agad ng utak ko….me nagloloko lang…. dumungaw ako sa fire-exit….tumambad ang eksenang parang masamang panaginip ….

nakakurdon ang ilang kalalakihan sa bubong …pasa-pasa ang timba ng tubig…  binubuhusan ang apoy mula sa dingding ng kapitbahay…..parang singsing na bilog ang pagmarka ng liyab….tuldok lang sa umpisa…palaki  ng  palaki….sing bilog na ng hoolahoop…ilang iglap, para na itong malaking guwang sa kalsada….saglit pa, mistula ng bunganga ng  bulkan ….bulkan na nagngangalit… nagbabanta ng isang mapamuksang pagputok…

Nasusunog ang bahay sa likod…umiling-iling ako…tsk!…tsk!…teka…kinusot ko ang mata….baka naman…namamalik-mata lang ….baka me shooting lang…me pelikulang ginagawa…at ang mga lalaking nakikita ko ay mga stuntmen…pero asan ang camera?…asan?… asaaaannnnnnn?..nangangatog kong tanong…

Wala!..ah, eh….sunog na nga ito!…sunoggggggg???!!!!….. teka.. teka… teka… papaaaaa….lennnnn…Justine….masusunog tayoooooo…sigaw kong ubod ng lakas na parang ke tarzan…..

Pero kaya pa ito….dali-dali akong tumakbo…sumalok ng tubig sa ibaba…bat ba  kasi handun pa ang cr namin sa kabilang ibayo ng mundo….haaay… para akong Tasmanian devil sa cartoons sa bilis ng kilos… hala…salok ng salok…bitbit ang baldeng nagka-ligwak-ligwak ang tubig sa pagmamadali…pag saboy ko sa bintana na ubod naman din ang layo sa apoy….patak nalang ang natira sa tubig ….waaaaaaa!

naalarma na si papa…naturete na din si len… si Justine naman ay patuloy sa paglalaro…walang malay sa kaguluhan…akala nya siguro ay nagkakasiyahan lang kami…nagsasayaw….para nga naman kaming nagririgudon na tatlo sa aming nagkaka-sala-salabit na pag-ikot sa bahay…

Tawag  ng bumbero si len sa telepono…naka-uniform pa ng pamasok sa kolehiyo…helo?…bumbero ka ba?…me tubig…me tubig….kailangan namin ng sunog….uu…sunog nga!…natataranta…magpadala kayo dito ng swimming poolllll!…ayun,…ayun na ata ang dinig ko sa sinasabi nya….

 si papa naman ay umpisa nang umikot nang umikot na parang trumpo…di malaman anu ang uunahin…ikot sya ng ikot pero walang nadadala…ako naman ay parang di-susing unggoy na automatic ang pag-akyat-baba sa hagdan…bitbit ang timba…salok…buhos…hinahanap ko ang drum ng tubig at nang iyon na ang maibalibag ko sa apoy….pero wala…wala pala kaming drum…

hayan na…lumalaki na ang apoy….nararamdaman ko na ang pagkagat ng init sa balat ko…pero saboy parin ako ng saboy ng tubig…kung bat naman ang hangin ay lalong lumalakas at patungo sa aming direksyon…humahalik na sa dingding ng aming bahay ang lagablab ng liyab….heto na talaga…pag-amin ko sa sarili…totoo na talaga ito…madadale talaga kami ng bagyong apoy na ito…tiyak na tiyak na ang delubyo….ayannn naaaaaaaaaa…sunogggggggg….may sunoggggggg!….sabay hagis ng balding hawak ko…

huh?…isang sulyap lang ang naisagot ni len at papa sa aking pagkawindang na yon…parang sinabi nilang…anu?…now mo lang nalaman?…alam na namin yan kanina pa….sabay bwelta sila ulit ng pag-iikot nilang wala ding direksyon…..

Sa oras ng kagipitan ay anu pa nga ba ang magagawa….tinawag ko lahat ng santong kilala…sta claus…sta cruz…san miguel…sta lucia…saklolo…san pedro umabsent ka muna sa tupada…intindihin mo kami…911 sa langit….hello?…hello?…utang na loob…parang busy ang linya…ang hirap kumunekta…mahabaging langit umulan sana ng glacier…ibalibag mo sa nagliliyab na bahay sa likod…asan kahit si superman?….himala…langit magpakitang gilas ka…. now na….now na!…..himala….gusto ko ng  himalaaaaa!…natuluyan na ata ako….

pero wala…ok…ok fine!…nakup…hakutan na talaga ito, naisip ko….walang halong joke…walang kahalo-halong joke…heto na!…ang sumunod ay ang todo-arangkada….umaatikabong hakutan naming tatlo…hilong-talilong kami na parang contestant sa game show na me-title….”hala hataw sa paghakot … ang madampot mo, sa ‘yo na!”….

sinisikap kong wag mawala sa sarili….presence of mind….bulong ko pampalakas ng loob….pero walang epekto…sumisigaw ang utak ko… hindi…hindi…ayoko magpresent…gusto kong umabsent….waaaaaaaaaa!

ay ang anak ko…tinakbo ko ang batang paslit…ibubulsa ko si Justine, isang kilos na automatic…pero teka…hindi naman ako kangaroo?…san ko sya isisilid?…kalong-kalong….itinakbo kong palabas sa kalsada ang bata…ipinasa ko na parang bola sa ale na una kong nakita…”anak ko yan….wag mong iuuwi….pakikalong…”sabay bweltang pabalik sa bahay….

Pag-akyat ko ay  nadatnan kong binubuhat ni papa ang ref…wala nang oras para makipagtalo….pero bakit???!!!..gusto mo bang i-save ang mga galunggong, hipon at pusit na nasa loob ng ref?….

Walang tanong-tanong….tinulungan ko sya sa pagbuhat…sa oras na ito…parang kahit barko ay mabubuhat namin ng walang kahirap-hirap…ang kaso’y paano namin  ibaba ito e makipot ang hagdan matinding maniobra ang ginawa bago ito maiakyat dati…ayun…bumara sa hagdan ang ref…sabay talikod si papa na parang wala sa sarili at nag-ikot na naman sa loob ng bahay…nyahhhhh… bat mo ko iniwan?…pano na itoh?

Nakabara ang ref sa hagdan…tumalon ako para hakbangan iyo…lumundag na parang lito lapid ang style…naghagilap sa baba ng pwedeng tumulong…

Nuon ko napansing …anak ng pating!…andami palang tao sa baba eh bat walang sumasaklolo sa amin?….naglipana ang mga usisero sa kalsada…para bang me linya na naghahati sa amin…kaming umeeksena sa aksyon ay me tag-sign…”men at work”…. at yung mga nakatanghod naman…”men watching”….

haaay…hinablot ko ang isang lalaki …ikaw…tulungan mo ko…wala syang palag….natakot  ata sa itchura ko na parang mukha nang lulunok ng buhay na tao…

 …pinagtulungan naming itulak sa hagdan ang ref…bumali-baligtad ito na parang pinagulong na dice…at sa wakas…natanggal  din iyon sa pagkakabara sa hagdan…

Pag-akyat ko sa taas ay nakita ko na naman si papang binubuhat ang malaking cabinet ng koleksyon nya ng alak…nanang ko po!….kung yung ref nga ay di na nagkasya sa hagdan…iyan pa?…wag yaannnn!!!

Pa…wag na yan!…sigaw ko sa kanya…at sabay bwelta na sya sa kwarto… tinangay na ang mga…gamit na madaling mabitbit…portable tv…electric fan…kumot…unan…punta sa kusina…hinakot naman ang mga sandok…kutsilyo …kutchara…sangkalan…kaldero…kawali…garapon ng asin…dishwashing liquid….pot-holder…sardinas…toothpaste…martilyo…

Si len naman ay magilas din sa kanyang paghahakot…sinabog nya ang mga damit sa sahig…pero wala syang naibaba kahit isa dun….at ang himala ng mga himala…ang kapatid kong payatot at petit ay nabuhat ang washing machine mula sa second floor hanggang sa baba ng bahay…siguro naman ay me tumulong sa kanya…ewanko….sabay akyat ulit… pagbaba ay buhat-buhat  naman nya ang tangke ng lpg….nilunok nya siguro ang bato…at sa mga oras na iyon siya ay ganap na darna!

Ikot pa sya ulit…hakot ng kung anu-anu…..dvd player…baso… tabo.. panghilod …bulaklak na plastic…lalagyan ng tootpick…kabayong figurine…photo album na inihagis nya sa hagdan…hanggang sa sumabog ang mga pictures na parang mga confetti …at sa wakas ay walang isa man ang naisalba…nabura na nang tuluyan ang aming kasaysayan sa mga larawan…

Lahat ay tarantang-itik sa paghahakot…kung anu ang tamaan ng tingin ay iyon na ang dadamputin….nabitbit ko ang …walis tambo… feather duster… pressure cooker….dikdikan ng paminta….bilao… kutsilyo…bandehado…arinola…face towel…pitchel…at ang lubid na sabi ni papa ay itatali daw sa haligi, ilalawit ang dulo sa fire exit at duon maglalambitin pag-nagkasunog…

Hawak ko ang lubid…sabay tingin sa fire-exit…waaaaaa….nanang ko po….ang apoy ….ang sunog….sa fire-exit namin ume-enter…panu?….duon pumapasok… sa takot ko’y naihagis ko na lang ang lubid sa bintana na kung bat fire-exit daw….e  fire-entry naman pala….”ayan…sayo na yan”…sabay dampot na naman ng pwedeng maisalba…

ilang minutong ganuon ang eksena hanggang maramdaman naming game-over na…time is up…finish or not finish pass your paper moment na…hinto na ang hakutan….

Tahimik ngunit tiyak ang pagapang na pagpasok ng apoy… na ba’t hindi naman imbitado ay agad na na-at-home sa bahay naming yari sa kahoy….parang kulay ng bahaghari ang ulo niya…ang katawan ay parang kumukulong putik sa loob ng bulkan…ang buntot ay maitim na hanging na ang dampi ay nakaklapnos …sa saglit kong pagsulyap dito’y parang nakakita ako ng dambuhalang dragon na bumubuga ng apoy…nakangisi ito at inaring tuluyan ang aming pugad….ganap ang kanyang tagumpay…nilamon nya ng buo ang aming kabahayan….

May ilang trak ng bumberong nakarating…atubili pa iyon sa pagbomba ng tubig…naghihintay daw ng suhol sabi ng iba…kinausap ni papa ang isang bombero…at nuon lamang inumpisahan ang parang binubuhat na naming bahay dahil sa makapal at maitim na usok…

Walang magawa ang tubig na para bang di pa man dumadapo sa apoy ay natutuyo na…hindi masawata ang alimpuyo ng liyab….ilang minuto lamang ay anim na bahay na agad ang sabay-sabay na nagliliyab…

Nasa kalsada nalang kami sa tapat…nakamasid sa sakunang nagaganap… kalong ko si Justine at akbay si len…nakatanghod kami’t pinagmamasdan ang  unti-unting pagka-abo ng  aming bahay….para kaming mga estatwa sa aming pagkatulala…at bigla’y napansin kong kumilos si papa… pumihit papasok sa gate ng aming compound…halos pasunggab ko siyang sinilo ng aking kanang bisig…

kalong ko sa kaliwa si Justine…at kalawit ng kanan si papa….nag-uumalpas siya….kukunin daw niya ang attaché case niyang may laman ng mahahalagang dokumento  sa trabaho…titulo ng kabuhayan namin…pera …alahas… halos pasigaw ang matigas kong pagsasalita…

Hindiiiiiiii!!!!….mga bagay lang yan…ikaw ang mahalaga….tayo…buhay  pa tayo…iyon ang mahalaga…hayaan mo na yan!..

Ewan kung saan ko hinugot ang sinabi ko…basta’t naramdaman ko lang na hindi ko sya pwedeng ibigay sa tiyak na kapahamakan….Nakinig siya at hindi na nagpilit…

Gayun man….ang panglulumo ay walang katulad sa kanyang anyo…ang ningas ng apoy ay higit na maliyab sa kanyang  mga mata….wari’y  gusto na rin siyang tupukin ng kanyang panghihinayang….pagtataka…ng takot kung saang lupalop na kami ngayon itatapon ng kapalaran…

Lahat ng katas ng kanyang  pagsisikap…kabuhayang pinuhunanan ng mahabang panahon ng pagtitiis…pagtatapang-tapangan sa gitna ng maalon…mabagyong dagat…pinuhunanan ng pawis, luha, at dugo….ay heto …parang bangkay na naaagnas sa kanyang harapan…napakasakit na biro…..

tatlumpung minuto lamang ang itinagal ng trahedya…natapos na…lumagpak sa bundok ng abo ang matayog na antenna sa tuktok ng bubong namin…at iyon ang hudyat na ang palabas ay tapos na……

…ilang hakbang lamang kami mula sa eksena ngunit pakiwari nami’y  tumilapon na kami sa teritoryong walang pangalan….nasa ibang mundo na kami…at nang umihi sa salawal ang batang kalong ko…nuon ko napatunayang kami’y pulubi na…wala pala kaming naisalbang damit kundi iyong mga suot namin…ni  wala kaming mga sapin sa paa…

Nang matapos ang kaguluhan…lutang ang utak naming sinisinop ang mga gamit na naisalba…takang-taka kami kung saan napunta….wala kaming gaanong mabilang kundi electricfan at washing machine…

Sabi nga ng iba….mas mabuti pang manakawan wag lang  masunugan…totoo…pero mas angkop sa aming kalagayan ngayon ay…mas mabuti pang nasunugan lang…kaysa nasunugan na ay nanakawan pa…

Hindi na kami nag-abalang maghanap sa mga nawawala….napasa-kamay na iyon ng mabubuting nagkunwaring tumulong…kung paano nila nagawa iyon ay hindi ko na gustong intindihin…wala na kaming enerhiyang magalit…gimbal ang nakasaklob sa aming isip…

Ano nga ba ang pwedeng isipin pa sa ngayon?…ngayon na waring mas mapalad pa ang pagong sa amin…ngayon na halos nakahubad na kami sa aming kawalan…wala ng natira….wala na kaming ibang hawak….wala na kundi ang aming mga sarili…at ang isa’t-isa….

Dumating si wiwit galing eskwela, bunsong kapatid ko na hiniram namin sa nanay para mag-aral ng elementary sa malapit na school …at heto nga…pati siya ay nadamay pa…iyung school bag at suot nyang uniform nalang din ang gamit niyang natira….

Kailangang magpahinga ang mga bata…agad na naisip ni papa…hinarap na namin ang unang mahalagang tanong matapos ang pangyayari…saan kami hahapon ngayong gabi?

May nagmagandang-loob na patuluyin kami nuong gabi na yun… ewan kung paanong nangyari na buong pamilya kaming natumpok sa isang silid…handuon si bong, si len, si lisa, si eman, si wiwit, ako, si mama at papa…lahat ay tulala… at parang hindi naman talaga kami hiwa-hiwalay na kampo… nasunog ang bahay ngunit heto kami…isang buong bahay pa rin…isang tumpok sa aming dalamhati….

Nasa ganoong ayos kami ng umpisahan naming bilangin ang mga “sayang”-… yung box ni papa…yung cash na nasa silya lang sa tabi ng telepono ay kung bat hindi pa nadampot…yung di pa nasusuot na regalo kong levis ni len… yung santambak na chocolates…mga libro ko…photo album….eskaparate ng koleksyon ni papa ng alak…ilang set ng mamahaling mga dining wares na me presyo pa at hindi nagagamit….yung mga lucky charms ni papa…ting!…parang magic word ang isang iyon…

 lumiwanag ang mukha naming lahat nang may bumanggit ng “lucky charms”…napangiti kami…hanggang sa may magtanong…

Pa…bakit yung mga pampaswerte mo pa ang unang minalas?…. ahahhahahha!..humagalpak ang lahat sa pagtawa….At bakit mo nga ba unang binuhat yung ref?….ahahahhaha…tapos yung cabinet gusto mo den ilabas…lahat ng mabigat inuna mo.ahahhahahha….At yung fire-exit natin….duon pumasok ang sunog?…ahahhahahaha…malakas ang hagalpakan na para bang nanonood lang kami ng pelikulang comedy….

Pero saglit lamang din iyon at naghari na naman ang katahimikan….naubos ang  tawanan at lahat ay nahulog na naman sa malalim na pag-iisip…

Paano na?…paano tayo magsisimulang muli?…lahat ay waring bihag ng takot… at ng kumibo si papa …

kase naman tong ate mo…pinigilan pa ko…kukunin ko lang naman yung attaché case at handuon ang mahalagang papeles natin nangilid ang luha nya sa mga mata…halos mabasag ang boses sa pagsasalita….hindi maitago ang unti-unting pagkadurog ng kanyang loob….

Agad na sinalo ni len ang panlulumong iyon…

Hindi ka na kase pwedeng bumalik sa bahay nuon…napakalaki na ng apoy… pinigilan ka na ni ate kase tiyak na mapapahamak ka…at lalong mahirap yun…dahil yung mga gamit nating nawala…mapapalitan…pero ikaw…hindi…

At sa mga salitang iyon ay napayapa ang kalooban naming lahat…yapos namin ang isa’t-isa sa gitna ng kawalang ito….wala mang nangungusap…batid naming…dumadaloy sa amin ang pakiramdam na…mula ngayon…sisikapin naming lalong maging matibay ang pundasyon ng aming tahanan…ang pagmamahalan sa isa’t-isa….

Dumaloy ang mga taon…ang lahat ng nawala ay naibalik din…at lumabis pa nga…ang tatay ko’y hindi kinupasan ng sipag…hindi pinanamlayan ng pag-asa…hindi tumigil sa pagpupunyagi na pangibabawan ang hirap…hinarap niya’t binalikat anu pa man iyong salimuot na dumating sa kanyang landas…. nagpatuloy lamang siya ng nagpatuloy…nagpatuloy ng nagpatuloy…hanggang sa kanyang huling sandali…

Ngayon…tuwing sasapit ang buwan ng Marso ay hindi ko mapigilang mapangiti tuwing maaalala ko ang isang araw na iyon sa “fire prevention month”…araw na kami ay nasunugan….

At kahit na siguro lumaon pa ang panahon at tuluyan ng mabura sa alaala ko ang mga detalye ng tungkol duon…katulad ding madalas ko nang makalimutan ang birthday o death anniversary ng tatay ko…ay hinding hindi ko maiwawaglit sa isip ang “fire exit” ni ginawa nya…

Napakaraming ikot pa muna ang nangyari…marami-raming “sunog” pa muna ang pinagdaanan ko…bago lubusang naintindihan…ang kahulugan niyon….

Ang inspirasyon ng tatay ko ang aming “fire exit”….

isang lagusang kakaiba… walang hagdan…walang lubid na lalambitinan…at walang lambat na sasalo sa lalagpakan…walang pangako ng kaligtasan…

Ngunit kapag natagpuan mo ang sarili sa gitna ng “sunog”…kapag wala ng ibang pwedeng takbuhan… kapag ang simoy ng kamatayan ay langkap na ng hanging nilalanghap mo….kapag nasukol ka na ng tiyak na panganib at pangamba….

Lingunin mo lamang ang pintuan…tugunin mo ang hamon nito…tunguhin….at pikit-mata kang lumundag…sakupin ang sarili…iyon lamang ang paraan… lundagin mo ang lagusan… sa iyong pagbulusok… nuon mo mauunawaan…nuon mo matutuklasan na ang tanging makasasagip sa iyo… ay walang iba …kundi ang  tumutubo mong mga pakpak…

 

Comments 14 Comments »

Patalastas:

sinisikap po ng “me pakana” na mabuo ang antolohiya ng mga akda sa ilalim ng kategoryang “Bawtismo sa Liyab ng Apoy“… ito’y upang maunahan niya ang nagkukumahog na panahon na pumipihit sa kanya na tutukan ang ilang mahalaga at personal na prioridad…kaya, sa lahat po ng tumatangkilik ng aking espasyong ito…huwag sana kayong maturete kung magkasunod-sunod ang postings dito (crossed-fingers na sana nga ay magawa ko)…naaatat na din kase akong mai-publish ang mga works at nang di tuluyang umani ng agiw sa aking mahiwagang baol….

salamat po!

__________________________________

Ang “Laging Fiesta” ay lumang tula na hinango lamang mula sa imbakan ng mga creative works ko… nasa mambabasa ang ganap na kapangyarihan sa pagpapakahulugan…

Subalit gusto kong humirit ng kaunti, sa punto na ako ay isa rin sa taga-basa ng teksto…naisip ko lang…bakit kaya sa dulo ng mga relasyong romantiko…kapag nilalagom na ng dalawang partido ang kanilang “kawindangan” nuong sila ay ”bulag” na mangingibig pa lamang…madalas ibalibag ng lalaki ang konklusyon niya na si babae ay “emosyonal”…”OA”…”maarte”… na samantalang nuong kasagsagan ng pagsuyo niya dito…ay itinuring niyang “marikit na tala” sa madilim niyang mundo… ah, siguro galit lang sya…pero ganun man…sumusugat ng malalim sa “ego” ng sinabihan ang ganyang mapanlait na paghusga…

madalas din naman, sa isang banda…na ang babaeng naloloka na sa pag-iisip kung anu ang nangyari…kung bakit ang dating inakala niyang “maayos” na unawaan, ay hindi pala naging malinaw simula’t-sapol…ay nag-iisip na “uu nga ano…wala akong kayang gawin kundi umiyak”….”mahina” ako…

kaya para sa babaeng “umiiyak”…para sa iyo ito….basahin mo ulit ang iyong kwento…hindi ka mahina….huwag mo sana basta tanggapin na walang pwersa ang kakayahan mong magpasya…basahin mo ulit at lagumin ang istorya …pero ngayon…hanapin mo ang sariling tinig at panaligan ito….”kolektahin mo na ang mga naipong barya…at basagin ang mga alkansya!”.

_________________________

Laging Fiesta…

 

Kung ang pumapatak na luha ko sana ay barya,

ang dami ko na siguradong napunong alkansya.

 

Kung ang bawat “sorry” mo sana ay keso de bola,

lagi sigurado akong nagluluto ng lazana.

 

Kung ang bawat paghihintay ko sana ay tinapay,

siguradong busog ang buong barangay.

 

Kung bawat napakong pangako sana ay liletsuning baboy,

siguradong Fiesta buong taon.

 

Totoong masarap ang Fiesta,

nag-uumapaw ang lamesa sa grasya.

 

Ngunit kung aalukin mong muli ako

ng keso de bola, tinapay at litson –

 

Ipagpaumanhin,

hindi ko na ito tatanggapin…

 

Kinolekta ko na kase ang naipong barya,

mula sa binasag na mga alkansya.

 

 

Comments 26 Comments »

Nagriring ang cellphone nya …dinukot nya sa bag at tiningnan kung sino ang tumatawag…nanay daw…hindi nya sinagot… ibinalik nya sa bag…kanina pa sya naghihintay sa silid na ito…ikalawang balik na nya dito…nung una ay hanggang pintuan lang sya…ilang minutong nakatayo duon hanggang pumihit syang palayo….halos patakbong umalis …akala niya’y hindi na siya babalik pa dito…ngunit matapos ang usapan nila ni Miguel ilang araw na ang nakakalipas, ay heto syang muli…

…at ngayon nga’y nakaupo na at naghihintay na syang maisalang… sa madilim, mabaho, maduming silid na ito…pakiramdam niya’y nasa lethal injection room siya…nasa silid na may electric chair….nasa lugar ng pinagdarausan ng firing squad…pagpugot ng ulo…bitayan…isang lugar kung saan kinikitil ang buhay…buhay na hindi pa man nakasilay ng liwanag ay nahusgahan nang tapusin…wala nang kasing dilim sa pakiramdam niya ang  surgical clinic na ito …at hinihintay na lamang nyang tawagin siya ng berdugo….

”ngayong araw na ‘to…dito sa silid na ito….ako ang magpapasya kung kaninong buhay ang mas mahalaga…sa akin ang pasya…buhay ko …katawan ko…kapalaran ko….akin ang pasya…paulit-ulit na bulong niya sa sarili…”at kasabay noon…waring narinig niyang muli ang sagutan nila ni Miguel sa huli nilang ingkwentro….

“jen, heto ang pera…hindi ko na uulitin sa ‘yo…hindi pa ‘ko handang maging dad…maging asawa…magpamilya…ano ang magiging future natin…pareho tayong estudyante…pareho  tayong dependent …hindi pa ngayon…”

“inuutusan mo kong patayin ang sarili mong anak?…ganun ba?…”

…mahabang katahimikan …pagkatapos ay nagsalita ulit si jen… mahina…marahan…”baka  naman kaya rin natin …marami namang iba na nagdaan sa ganito pero kinaya nila…subukan din natin?”

”No!…it’s not that easy…don’t romanticize on this…ano?… magsasama tayo?… magmamahalan?…pero kapag naghirap na …kumalam ang sikmura….when real problems set in…everything will turn sour…at duon natin maiisip…sayang…sana hindi na natin pinaabot duon….and by then…magsisi man tayo ay huli na….you are smart…you know better than that!…Let’s see this in a practical, realistic way…pareho tayong hindi handa…at mangdadamay pa tayo ng isang walang malay na bata….

“pero ang walang malay na bata ay anak mo!…flesh and blood!”…mariin ang pagsalungat…nanghahapdi na ang mata ni jen…ngunit hindi ito oras ng pag-iyak….gusto niyang maging reasonable ang usapan…gusto niya ng pang-unawa at hindi awa…  …tatlong buwan na ang kanyang ipinagdadalang-tao… at kailamgan niya ng malinaw na direksyon kung paano ito haharapin…

“look…sayang ang scholarship mo…and I’m damned sure hindi matatanggap ng parents ko na maipakasal sayo…”

“iyan!…that’s the main reason kaya gusto mong ipaabort ko ang baby…dahil hindi mo ko kayang ipaglaban sa parents mo…don’t make ours a classic  soap- operatic story Miguel…busabos na na-inlove sa mayaman…wag mong ibaba jan ang lebel ng kwento natin!...sumisigaw na sya…naghahamon …”and don’t  you dare talk about my scholarship…being practical and realistic…you are just too scared to give up the comforts of your pathetic  lifestyle…barkada mo…mga bisyo mo…mga luho mo!…I don’t get it…how could you care so much about yourself and not this child… your child!..”

‘shit!…kahit anu pang sabihin mo…I’m not ready!!!!…and yes…now that you’ve mentioned it…totoong hindi ka tatanggapin ng pamilya ko..i don’t mean to insult you….pero alam ng pamilya ko na disgrasyada ang nanay mo…dalagang-ina… even before she married a foreigner and lived abroad…and you”…

hindi na pinatapos ni jen ang sasabihin ni Miguel…

”Gago!…gago ka pala eh…but for the sake of argument papatulan ko ang makitid mong pananaw…disgrasyada?…tama…therefore victim…dapat gamutin…dalhin sa hospital…at yung nakadisgrasya?..anu tawag sa kanya?… criminal…dapat parusahan…dalhin sa preso…at ang pinagagawa mo sa akin ay pre-meditated murder…so anu tawag sa ‘yo?…murderer!…and if I choose not what you wish…magiging dalagang ina din ako…at anu ka naman by then…binatang-ama na ayaw maging ama?!!!

“Putang ina!… stop it!”

“Putang ama!…and who will speak on my behalf?”

“bata pa ko jen…ayoko pa….hindi ko pa kaya ng responsibilidad…I don’t want yet my own family!…”

“bata pa rin ako…hindi ko rin kaya ang responsibilidad…lalo’t ng mag-isa!…and take marriage out of the equation…hindi asawa ang hinahanap ko sa ‘yo ngayon…tatay…tatay ng anak ko…kaya mo ba…pananagutan mo ba ang anak mo?”….

gusto nang malusaw ni jen sa pagkakataong iyon…ngunit nagpapakatatag pa rin sya…at sa mahinahon…halos nakikiusap na pananalita

”sagot ka….sagot ka…Miguel payag ka bang maging ama ng anak mo?”

waring naubos ang hangin sa paligid…hirap siyang huminga… bumalot ang nakabibinging katahimikan….ngunit ilang sandali’y kinabig na ni Miguel ang kamay ni jen…inilagay niya dito ang isang sobre…at habang kinukuyom ng mga palad niya ang mga palad ni jen…marahan niyang sinabi…

”I’m sorry…”

…at pumihit na itong palayo…tinungo ang kotseng naka-park sa kanilang harapan…at lulan ng magarang sasakyan….bumiyahe nang palayo si Miguel…palayo…ngunit sa pakiramdam ni jen…tinumbok ng kotse ang kanyang kinaroroonan…at sinagasaan siyang tuluyan…isang kaso ng “hit and run”…gusto niyang sumigaw…pero sino ang makakarinig?…sino ang dadakip sa kriminal?…hanggang sa tuluyang naglaho na sa tanaw niya ang lalakinghumusga sa kanilang buhay na mag-ina ng “I’m sorry…”

hindi niya alam kung paano siyang naka-uwi…namalayan na lamang niyang kumakatok na siya sa kanilang pinto…binuksan iyon ni net….ang pinsan niyang agad na nakabasa ng hinagpis sa mukha niyang iyon na hindi kayang ilarawan sa salita…niyakap siya nito…niyakap ng buong higpit…at duon na kumawala ang paghagulgol niyang kanina pa bumabayo sa isipan…dumudurog sa kaibuturan ng kanyang kalooban…

sa pagkakayapos niyang iyon ay hinayaan siyang umiyak ng umiyak ni net….matagal na pag-iyak na parang panaghoy ng isang namatayan….at nang wari’y bahagya nang kumalma ang  nagngalit na pagtangis…marahang nagsalita ang pinsan..,

 hindi ko alam ang sasabihin jen…say something…makikinig ako”…

…at parang nangangapa ng anu mang pwedeng makapag-pagaang sa pakiramdam ni jen…bigla nalang nitong pinakawalan ang isang malutong na mura…

”Putang ama nya kasi…ewan kung paano sya naka-buntis eh wala naman syang bayag!”…

…at duon na nag-angat ng mukha si jen…kumislap na bigla ang mata…at kahit umaagos pa ang luha ay napangiti sa kanyang narinig…

“oo nga putang ama nya…wala syang bayag”…inulit ni jen ang sinabi ni net at sabay silang natawa…..ahahahhaansarap sa pakiramdam…at inulit pa nyang minsan…”putang ama nya…wala syang bayag!!!!”…at ngayo’y naging mas malakas ang kanilang sabay na paghalakhak…ahhahaha…

Nagring ulit ang cellphone  na bahagya niyang ikinagulat…nanumbalik ang kamalayan niya sa kasalukuyang kinapaparoonan… handito nga pala siya sa abortion clinic…naghihintay na maisalang matapos ang ilang pasyenteng nauna sa kanya… ayaw niyang sagutin ang telepono…si nanay ulit iyon alam niya… naikwento ni net sa ina ang kanyang sitwasyon…nagkausap na rin naman sila ngunit parang balewala lang sa kanya ang mga sinabi ng ina….ang totoo’y sa kalituhan niya’y  hindi na niya marinig anu man ang sinsabi ng kahit sino…

Isang pasyente pa bago siya, ang naghihintay sa madilim na silid na iyon…walang paghuhusga…nagtataka  lamang siya bakit kapag nanganganak ang babae’y handuon ang lalaki sa tabi nya…ngunit sa ganitong pagkakataon…iniiwanan syang mag-isa…magkasama sila sa sarap…ngunit ngayon…sa impyernong ito…aakuin nang lahat ng babae ang pagdurusa…hindi patas!…

…panay parin ang ring ng telepono nya….ayaw tumigil…kaya’t  naispan niyang lumabas muna ng clinic at sagutin ang kanina pa nambubulahaw na telepono… habang dinudukot niya ito sa bag ay napansin niyang gabi na pala at kabilugan pa ng buwan… naglakad-lakad siya sa gilid ng eskinita palayo sa clinic…sinagot niya ang telepono….

 “o, nay?…

ok naman…

sabe mo ako ang magdedisisyon?…

alam ko…alam ko…

oo…pinag-isipan ko na ito ng matagal…

hindi…bakit ka pa uuwi?…

no, you listen…walang kinalaman sa ‘yo ang desisyon ko…

no, it’s not about you…

…let me have the last say on this…

ok, sige…sige …sige …makikinig ako…”

…habang nakikinig sa boses na nasa kabilang dulo ng linya ng telepono ay titig na titig si jen sa bilog na buwan…hindi niya namalayang mahaba na pala ang nalakad niya palayo sa pintuan ng clinic…hindi niya namalayang matagal na pala siyang nakikinig sa nanay nya…at habang nakikinig ay walang kamalay-malay niyang itinaas ang kuyom na kamao…sinipat ang bilog na buwan…nasambit  niya ng pabulong sa sarili”oo…akin ang desisyon…akin ang desisyon …kahit ito’y isang desisyong suntok sa buwan”

…at muli…sumagot siya sa kausap sa linya ng telepono ng…

”oo…alam ko…

…oo, alam ko nay”

…maraming pagbibilog pa ng buwan ang nagdaan…hanggang isa dito’y bulabugin ng mga sigaw ni jen.,..

“nettttttttt….heto na…daliiiii…arayyyyy….ayan… taxi…tawag ka….dali…yung baby bag…daliii…oy….arayyyyy…. putang ama!…ayan naaaa…net…pumutok na ang panubigan koooo dalian mooooooo…”

…naging masinsin ang paghilab…ang kirot ay hindi na matukoy kung saan nagmumula…ilang saglit pa’y nakasiwang na ang ulo ng bata…lahat ng katas ng katawan ng babaeng naka-apak ngayon ang isang paa sa hukay,  ay sabay-sabay nang umagos… luha… pawis… dugo….ihi….tae…

hinugot niya ang pinakamalalim niyang paghinga…itinulak nang ubod lakas ang bagong buhay na nag-uumalpas ….ibinigay niya ang lahat ng pwersang kaya….pwersang mula sa buo niyang pagkatao… katawan…puso… kaluluwa….hanggang sa mapunit  ang laman…at ilang saglit pa’y bumulwak ang mainit na dugo at kasabay nito’y iniluwal ang isang sanggol….

…pikit ang mata…kuyom ang palad…ang unang uha ng sanggol na humihinga ngayon sa sarili nitong katawan…ay nagrehistro ng tagumpay sa pinagdaanang pakikihamok….isang pakikihamok  sa marahas na proseso ng kanyang pagsibol…

at wala nang tatamis pa sa musikang hatid ng una niyang pag-uha …kinalong ni jen ang sanggol…nahihilam pa ang kanyang mata sa luha ngunit nakasiwang na ang ngiti sa kanyang mga labi…

”ako lang anak…ako lang at ikaw…”…at kasabay sa paghawak sa kuyom nitong palad…bumubulong ang kanyang isip at kinakausap ang bagong silang…

”…binawi kita mula sa impyerno…dahil ikaw ang anghel ko….hindi madali…walang magiging madali…katulad ng marahas nating dinanas ngayon…mabubuhay tayong nakikihamok…lagi tayong hahamunin…at lagi din tayong magpapasya…igigiit natin ang pasyang iyon…at paninindigan…kahit pa ito’y suntok sa buwan…”

…iyon lamang… at wari’y narinig niyang muli iyong tinig mula sa kabilang dulo ng linya ng telepono…isang gabing bilog din ang buwan….narinig niyang muli ang usapang hinugutan niya ng lakas upang ipihit na pabaligtad ang kanyang unang desisyon…

“mahal kita anak….”

“oo, alam ko…”

“mahal na mahal kita anak…”

“oo, alam ko… nay…”

Comments 8 Comments »

dahil nakikita lamang natin ang gustong makita…naririnig ang gustong mapakinggan…nakikilala ang gustong kilalanin…at iyong mga nasa harap natin na ayaw nating pansinin ay nananatili na lamang sa sulok ng ating mata…nasa likod ng isipan…ikinakandado sa imbakan ng mga alala na hinding-hindi natin pagtatangkaang buksan kalian man… inililibing natin sa limot ang mga aninong ni ayaw nating bigyang pangalan…

subalit katulad ng hindi nakikitang dampi ng hangin…mula sa kung saan ay dumadalaw ang mga alaala ng walang abiso…. mga alaalang bakit kung titigan mo ngayon ay waring nagbabago ang kulay…nag-iiba ang anyo…bakit ang aninong itinago natin sa dilim ng nilimot na gunita ay bumabalik ngayon…lumalantad sa liwanag…at nagpakilalang muli kung sino siyang talaga…

May lason ang hanging nagbabalik sa iyong ala-ala…

kumagat na ang dilim…nag-uunahan ang mga paa ko….sagsag sa paghakbang pauwi sa bahay… parang tumatakas sa pagmamadali….hapong-hapo sa pagod sa buong araw na  pagtatrabaho… nanlalagkit sa pawis na pinatuyo ng tambutcho ng mga sasakyang naipit sa trapik…gutom…pagod…antok…bugnutin…kung maari lamang na matulog habang naglalakad ay malamang ginawa ko na…wala na akong napapansin sa aking dinadaanan…sa isip ko’y wala nang pinakamasarap ngayon…kundi ang ako’y kumain at bumulagta sa aking kama…

at sa wakas heto ka’t bumubungad sa aking paningin…pasuray-suray sa kalasingan…nakayukyok sa tabi ng posteng nasa kanto ng bahay namin…at katulad ng dati…nagsasalita ka nang walang kausap…

“magaling!, habang nagbabanat ako ng buto ay heto ka’t nagpapasarap …nagpapakalasing…nagpapakasugapa sa alak o droga…o kung anu pa man iyang tinira mo upang tumakas sa mundo ng “katinuan”…o sya… sige….ganyan nga…lunurin mo ang sarili…ipamukha mo sa mundo na mahina ka…na nakakaawa ka…na ikaw na ang pinaka-bigo…isisi mo sa lahat ang iyong himutok…ganyan nga…patayin mo ang sarili sa  pagsuko…sisihin mo ang mundo na may kasalanan ng lahat ng iyong kasawian…isisi mo sa lahat ang lahat maliban sa sarili mo…DUWAG!

 madaming beses kitang pinalampas…pero hindi ngayon…hahayaan ko nang mawala na ng tuluyan ang paghanga mo sa akin…nag-uumalpas na kase ang mga sumbat na parang kulog na dumadagundong sa utak ko…at oo…ngayo’y makakatikim ka ng hindi mo pa narinig…at marahil hindi inaasahang kaya kong sabihin…pinapatay mo na rin lang ang sarili kaya hayaan mong tulungan na kita…itatarak ko sa utak mo kung ano ka…BASURA!

… nanlilisik ang mga mata ko sa pagkakatitig sa ‘yo…inaantay kong  umusok ka mula sa kinatatayuan mo…hindi naman lagi…pero ngayo’y…damang-dama ko na sana nakakatunaw nga talaga ang mga titig para naman masunog ka na at nang mabawasan na ang mga “kalat” sa mundo…hinihintay kong salubungin mo ang nangungutya kong tingin…wari’y handang-handa ako na komprontahin ang pagpapatiwakal mo …at nang sumabog na rin ang sarili kong galit sa mundo…”hala sige!…tingnan mo ako ngayon…ng makita mo naman gano katalim ang mga pangil kong gustong sumakmal sa iyo…tingin ka ditooooo!!”

pero hindi ka kumikibo…ni hindi ka nag-angat ng ulo upang tingnan ako…dati-rati nama’y hindi nawawala ang mga ngiti mong isinasalubong sa akin na may langkap na ng halimuyak ng alak syempre pa….pero wala iyon ngayon…naramdaman mo siguro… at tuluyang iniwasan ang aking handang-handang pakikipag-ingkwentro…ewan…bakit parang alam mo…nabasa mo kaya ang nasa isip ko?…bakit alam mong sa sobrang pagod ko’y wala na rin ako sa sariling katinuan…na tulad mo’y gusto ko nalamang ding tumakas!…buhol-buhol na ang himutok sa isip ko…ngunit nang makaramdam kong walang sagupaang magaganap… dahil hindi pa man ay sumusuko ka na…wala na akong nagawa kundi ang bumuntong hininga…iniiwas ko na rin ang tingin ko sa ‘yo…

sinapit ko ang pintuan ng bahay na parang ako’y makina na lamang na umaandar sa gatong ng gasolina…wala na akong maisip at wala ring maramdaman…basta’t kikilos na lamang ako sa mga nakagawian…ilalapag ang gamit…magpapalit ng damit pambahay…maghahanda ng pagkain…kakain…magliligpit ng kinainan…maghuhugas ng plato…magsisipilyo, hilamos…at nagmamadaling humimlay sa aking higaan…

ilang saglit pa’y bahagya na akong nakapagpahinga…naghihintay nalang dalawin ng antok…lumulutang na ang isip ko duon sa mga gusto kong panaginip…nakatitig nalang ako sa kisame…winawari ko kung ganito ba ang pakiramdam ng paralisado…at saglit pa ako’y nakikinig na at sumasagot…nakikinig at nagtatanong…nakikinig at natatawa….teka nga sandali!…sino ba ang aking sinasagot?….at magugulat pa akong…ikaw pala ang kanina ko pa naririnig…at walang kamalay-malay kong kinakausap…ang boses moy dinig na dinig ko mula sa tarangkahan ng aming pinto na di kalayuan sa bintana ng silid ko….aha!…at jan ka pa pumuwesto?…isinara ko ang bintana upang hindi kita marinig….subalit kahit mahina…ay nakakarating pa rin sa akin ang tinig mo…haaay…pagod ako at ayoko nang bumangon para bugawin ka…hindi ka naman gaanong nakakabulahaw…at ang totoo’y naaliw naman ako sa mga sinasabi mo…kaya sige…jan ka na nga lang…

napapangiti ako sa mga kwento mo….ang daloy ng iyong monologo ay hindi mapapasubaliang matalinong diskurso…kahit anu ang paksain ng iyong daldal ay may lohikal na pagkukuro…nakakatawa pa nga minsan…sabi mo halimbawa na ang “Tsunami sa Thailand ay natural disaster na mabuti’t hindi sa Pilipinas tumama…kung hindi’y isa ka sigurado sa unang malulunod at ikaw ay lasing nuon dahil birthday ng kumpare mo yun (hmp!…kahit naman walang me birthday e lasing ka…sagot ng isip ko)…at siguro’y sapat na ang madaming bagyo upang lumpuhin ang ating hikahos na ekonomiya…kasali ang bagyo na likha ng kabulukan ng sistema na pinaghaharian ang mga “buwaya” sa ating lipunan…kaya hindi na natin kailangan ang Tsunami… araw-araw na kase tayong disaster case”…ahahaha…natawa ako ng palihim…humahanga ako…subalit sa gitna ng paglilitanya mo’y hindi ko rin maiwasang isumpit ang aking tanong…”paano ka umabot sa ganito?…sino ba ang nagpa-iyak sa iyo?”

at bigla nalamang may sisigaw…naingayan siguro….medyo dis-oras na din kase naman…maliban sa ingay mo’y tahimik na ang nakapikit na gabi….”hoy Idoy!…umuwi ka na!…kung ayaw mong magpatulog…e magpatulog ka!…layasss!!!!”…para kang asong binugaw…hindi ako natuwa…biglang humapdi ang mata ko…parang naramdaman kong ako rin iyong itinaboy na parang hayop….

wala na ang ingay mo…ngunit hindi pa rin tahimik…inokopa mo nang tuluyan ang aking diwa…at hahayaan ko nang  dumaloy…magpapatianod ako…hahayaan kong matangay sa agos ng dumadalaw na alaala ng ating kamusmusan…

ilang tag-araw din tayong namisikleta sa gulod…ginalugad natin ang mapunong mga sulok ng campus na sumasakop sa ating komunidad…Gerardo…iyan ang tawag sa ‘yo ng ate Mercy mo…na ewan kung bakit naman siya’y dalagang-dalaga na…at ako’y nasa-ika apat pa lamang na baitang sa elementarya…ay naging matalik kong kaibigan…lagi akong nakabuntot sa ate mo…kaya lagi din kitang nakikita…

…mahiyain…tahimik…masunurin sa magulang at magalang sa isang-rekwa mong utuserang mga ate…tuwing hapon ay nagpapasiga ka ng kalan na kusot ang gatong…at magsasaing pagkatapos…ilang beses ko din namang natikman ang laing mo na kahit hindi ko matutunan lutuin…ay talagang naging paborito ko…sarap na sarap akong makidulog sa hapag ninyong kahit gaano kasimple ang pagkain…ay inihahain sa akin ng may buong pagtanggap…naging ikalawang bahay ko na tuloy ang bahay ninyo…at maging ang santambak nyong alagang pusa at aso…na lahat ay may pangalang kakaiba…”lukso”…”ngiyaw”…”gilas”… ”ksp”… ay nakilala na ang amoy ko …maging ang puno ng aratiles ninyo’y naging pugad ko sa aking madalas na paghapon doon…katabi ng mga manok na alaga nyo…na oo…may mga pangalan ding lahat…ahahaha … nanginginain ako ng bunga sa tuktok ng puno… at parang opera singer na nagtitili sa pagkanta….

bakit nga ba nuong musmos pa tayo ay hindi naman natin alam na musmos pa tayo …kaya hindi ko din tuloy alam kung anu ang tingin ko sa ‘yo…hindi naman siguro kapatid…dahil madami ka na nun…at ako rin…hindi naman kita crush at wala pa akong regla nuon…hindi pa tinutubuan ng malisya… ni hindi ko nga alam na bawal maghubad, magpalit ng damit sa harapan ng lalaki…ni hindi ko nga alam na “iba” pala ang mga “dapat” na gawi ng lalake’t babae…anu ba naman ang maiiba…samantalang…pareho tayong naglalaro ng teks…goma… luksong-baka…patintero…luksong-tinik…”luksong-bakod”…kapag kinakahol na tayo at hinahabol ng mga aso ng kapitbahay na kinuyog natin ang mabungang puno ng mangga…ahahahha!…football na sa paglaon ay pinagtatakhan ko kung panong naging football ang baseball?…ahahhah…makulay…napaka-makulay na kabataan…

at bat nga kaya wala na akong matandaan isa man sa mga “batang” kwentuhan….ang alam ko lang ay masarap magtakutan kapag bilog ang buwan…at maglalaro tayo ng taguan-pong sa kasukalan ng bakuran na puno ng naglalakihang puno ng balite at akasya…wala tayong kapaguran…mas nauuna pa ngang mapagod ang araw kesa sa atin…gabi na ay hindi pa rin tayo sawa sa ating daigdig ng mga halakhaw at paglalaro…

…ang sarap balikan…sana hindi na natapos…at bigla nalamang  akong natigilan…nahinto ang pagbabali-tanaw….napawi ang ngiti…sumikad na pabalik ang larawan mong nadatnan ko kaninang galing ako sa trabaho…sumusuray-suray sa kalasingan…at ewan…nanikip na bigla ang aking paghinga…parang may bumara sa lalamunan ko…uminit ang aking mga mata…pinigilan ko …ayokong umiyak….asan kana ba?…bakit  diyan?…bakit ka diyan nagpunta?…ano ba ang humahabol sa iyo?…bakit ka tumatakbo?

…at sa mga gabing tulad nito…ilang libong beses kong nahihiling na sana….sana hindi nalang tayo lumaki….na sana’y hindi na natapos ang yugtong iyon….sana’y hindi na kita nakikita ngayon na ganyan…buhay na walang buhay…nagkukulong sa daigdig ng kabaliwan…talunan!… ….sana….sana Gerardo…nuon narin natapos ang ating kwento….para hindi na sumapit ang mga gabing…ayaw mong patulugin….ayaw mong patulugin ng iyong pananaghoy…tulad ng gabing ito…

…lumaon ang panahon…uminog ang mundo kong tiwalag na sa lahat ng may kinalaman sa ‘yo…napalipat kami ng bahay kaya wala na akong nalaman pa…mahabang panahon nang pagku-krus ng ating landas ang namagitan….mahabang panahon ng katahimikan…. mahabang panahon na tinapos ng balitang sumundo sa akin upang ibalik sa iyong harapan…at muli…binasag mo ang katahimikan ng aking mundo…binasag ng pagpanaw mo…

…at  dahil hindi ka naman malaking tao….sino pa nga ba ang dadalo sa iyong burol maliban sa iyong mga kamag-anak…ilang piraso ng mga kakilalang sing tagal lamang ng isang tasang kape ang inilaan sa iyong lamay…mga nakiki-usyoso sa pinagpipistahang kwento ng iyong trahedya…wari bang tuwang-tuwa ang mga itong mistula silang mga imbestigador sa kanilang pagti-teorya… kung anu nga talaga ang nangyari…bihira nga namang kakilala pa nila ang may ganitong kwento na halos karaniwan nang nakatambad sa mga tabloid araw-araw…

“ay!, binigti ng sintron…sa loob ng silid nya na di naman kataasan ang kisame sa sahig…umuulan…madaling-araw … nagkakahulan ang mga aso…at di ba’t balitang hina-hunting yan ng isang grupo ng mga siga dahil sa isang cellphone na ipanasasanla sa kanya’y sukat ipinang-inom ang pinagsanlaan?…kaya ganyan…malamang na malamang na iya’y talagang pinasok at pinatay…pinalabas lamang na suicide…” namanhid ako sa narinig…para lamang silang nagkukwento tungkol sa kinatay na baboy…at wari’y bumubulong ang isip ko…walang hustisya…buhay man o patay…ang hustisya’y naging mailap sa iyo…mailap sa maraming gaya mo…

kasabay ng malamig na dampi ng hanging gusto na ring mahimbing sa matamlay na magdamag….nakinig ako sa kwento  ng ate Mercy mo…binubuhay niya ang mga alaala mo…kayo ang pinaka malapit sa magkakapatid…at sa lahat ng handuon…alam kong siya ang may dala ng mabigat na pagdadalamhati ng pagluluksa sa pagkamatay mo…titig na titig ako sa kanya…at nang hindi na mapigilan ang pagsabog ng kirot sa dibdib niya’y nag-uunahang lumagaslas ang kanyang mga luha….kinabig ko siya ng marahan…tinanganan ko ang mga kamay niyang nanlalamig…mahigpit ko iyong tinanganan…hindi ko binitiwan hanggang sa maramdaman niyang mainit ang mahigpit kong pagkakahawak …alam niyang hindi ko siya bibitiwan…hanggang sa tuluyang pumayapa  ang kanyang kaalooban….

malapit nang mag-umaga ng makakuha ako ng lakas ng loob na silipin ka…matatakutin ako sa patay ngunit gusto kitang makita…sa huling pagkakatao’y gusto kitang kausapin…gusto kong magtanong…gusto kong mapakinggan mo…at oo…gusto kong magpaalam…

…ang totoo’y hindi na ako ginimbal ng pagpanaw mong ito…dahil hindi nga ba’t matagal ka nang nagpapatiwakal?…matagal ng patay…ang kaibahan nga lamang… ngayo’y nasa loob ka na ng kahong mumurahin na ililibing kasama ng iyong katawan….

kinapos ka ba sa init ng pagmamahal?…nabigo sa pag-ibig?…nauhaw sa pang-unawa ng kapwa?…bakit mo hinayaan?…matalino ka at alam kong batid mong ikaw ay naging paksang tampulan ng panlalait  …isang paksa na paulit-ulit na ginagahasa sa talumpati ng mga moralista…banal…mga pantas sa lipunan….isa kang kongkretong imahe na papaksain ng mga nais palutangin ang sariling kalinisan…sariling katapangan…sariling pagmamagaling…sariling kabanalan…ikaw ang nasa kabilang dulo ng timbangan…kalaban ang buong mundo ng kawastuhan…ikaw ang demonyo sa impyerno at lahat ng malayo sa wangis mo ay diyos sa langit na nilikha ng sariling kahambugan at pagmamatuwid…ikaw ang masama…at lahat na ng hindi ikaw ay mabuti….ikaw ang mali at lahat na ng hindi ikaw ay tama….ikaw ang problema…ikaw ang salot…ikaw…

Ah…hindi ako maghuhugas ng kamay…alam kong sa ilang pagkakatao’y kasali ako sa…tumimbang sa iyong halaga…kinapos sa pang-unawa sa iyong mga dahilan….nagmarunong…nagsiksik sa haligi ng sariling seguridad…nakalimot na ikaw ay tao lamang din…nakalimot na ikaw ay sintomas at hindi ang mismong sakit… nakalimot na ikaw ay katulad ko lamang din, isang hamak na manlalakbay sa buhay na hiram…

naririnig mo pa ba ako?…nagsasalita na akong kausap ang sarili…sana’y naririnig mo pa nga ako…katulad ng taimtim ko’t lihim na pakikinig sa iyo dati…tapos na ang iyong paglalakbay…hindi na tayo makakapaglarong muli…makakauwi ka na…napagod na ang araw…napagod ka na rin siguro…uwi ka na…pahinga ka na…at sa wakas…ay kumawala ang luha sa aking mga mata…umagos din sa mata ang pagtangis kong matagal nang nakulong sa dibdib…at parang kasintahang iniwan ng kanyang minamahal…inihatid kita sa iyong huling hantungan…taglay ang pait ng iyong paglisan…inihatid kita ngunit hindi ako nagpaalam…

at ngayon nga’y may lason ang hanging nagbabalik sa iyong alaala…

…ngunit hindi ka na aninong walang pangalan…hindi ka na alaalang itatago sa imbakan ng mga gunita…at kung may lason man ang hanging nagbabalik sa iyo  ngayo’y, hayaan mo na…hayaan mo nang lasunin nito at kitlan ng buhay ang kahungkagan ng pagalalakbay ng maramami sa aming mistulang mga ligaw na kaluluwa…

 …binuksan ko na ang pinto at  mga bintana…halika…tumuloy ka…ituring mong ganap ang aking pagtanggap ngayong inaawit ko ang  masuyo kong pamamaalam sa ‘yo…ngayo’y higit na naging makulay ang gunita ko ng ating kamusmusan…salamat sa pagdalaw mong ito…

Comments 11 Comments »

SALITA

kapag matalas ang salita

lumalatay

humihiwa

 

kapag sinsero ang kataga

        umiiyak  ang  puso

lumiliwanag  ang  diwa

 

kapag  salita’y  tumutudla  ng  katotohanan

        sibat  itong  tatarak

sa  sentro ng kabuktutan

 

kapag  salita’y  umaawit  ng  malayang  kaisipan

        haplos  itong  masuyo

        sa  pangahas  na  kamalayan

 

kapag  salita’y  matalas

sinsero

totoo

malaya

        punglo  ito’ng  uutas  sa  takot

 

kaya’t  kung  katahimika’y  mapanlinlang

…taksil  sa  katwiran

…salat  sa  kabuluhan  

…punla ng  kasinungalingan

 

Kumibo ka

mag-ingay

kalabitin  mo ang  gatilyo

iputok mo ang punglo…

Ngayon!

(29 May 2006 nang isulat ko ang tula…mga panahon ng pangangapa sa dilim…pagsagot sa sariling mga tanong…pagbasag sa katahimikan na  naglilibing sa malalim na balon ng takot at pagkaduwag…ang tulang ito ay hudyat ng pagpihit ko palayo mula sa itinatak na mga depinisyon…patungo sa landas na “walang paumanhin” hindi ako perpekto at madami pa akong kasablayang gagawin…hindi ko tinitiyak na lagi akong magwawagi…ngunit siguradong…palagi kong pangangahasang “kalabitin ang gatilyo,  iputok ang punglo”…kung ito’y upang paslangin ang sarili kong multo…)

 

Nga pala…unang hirit ang post na ito sa kategoryang “Bawtismo sa Liyab ng Apoy”…kalipunan ng mga akda kong naglalayong magpakita ng buhay sa mas matarik na “gilid ng bangin”…Korni  na noh?…sama ka pa ba?…

…sana naman…

Comments 8 Comments »

Nagmamadali ako sa pag-uwi  galing sa trabaho…excited magbukas ng pc…naiinip bat ang bagal ng network…tsk!…makapagbihis na nga muna ng pambahay….teka lang…habang nagpapalit ako ng damit…naiisip ko…”kase naman istorbo talaga minsan ang work sa pag-i-internet”…(wah!)…ayan na…sign in page na ng yahoo mail….takatakatak….bumukas …excited ako…parang nag-aantay ng resulta sa tinayaang lotto(kahit di naman ako tumataya)….ayan na bumubukas na…bilis namannnnn!…ayan na…ayan….ayan naaaaaaaaa(nyahh! Bat parang malaswa ang dating?)ahahhahha….

 Charaaaaaan!…bulaga!…”no unread messages”…nyahhhh!…sambakol bigla mukha ko… biglang sumigaw utak ko….anu bah!…parang gusto ko mag-sign out at mag sign in nalang ulit…sabe ko…hindi totoo ito…nagkamali lang ang yahoo…titig na titig ako baka magbabago pa ang nakasulat don…pero ayaw mapalitan…talagang nagsusumigaw na… 0 messages…so anu?…wala?…wala?…walaaaaa ngaaaa!….waaaaa!… hmp!…

ansaklap naman!…ilang minuto den bago mag sink-in ang masakit na katotohanan(hehehehe)….hinga ng malalim…sabay himutok…haaaay…anu ba naman yan…kahit ba spam o junk mail walang naligaw?…wala nang nagmamahal sa akin(singhot!)…wala den umaaway (singhot!…singhot!)…patay na ba ko?…wala na ata ako sa mundo?…waaaaa!!..(feeling ko kumulot bigla hair ko…bagong pa straight pa naman)…anu bah toooooo?(ahahaha….sensya na sa emote po)…well smile nalang ako… ganyan lang talaga minsan…nasabi ko nalang pampalakas ng loob….minsan talaga…”it’s raining cats and dogs”…(weh! kahit nga sana sulat nalang ng mga cats at dogs…e meron man lang…kaso nga wala eh…sipol-sipol ako kahit di marunong…ok lang toh!)

Ah, teka… mabuti pa makapag-blog at nang makapagsumbong sa kung sino  man ang suswertehing mapapadpad dito (sori…ikaw po yun..,ayan kase pindot ka nang pindot…hehehhe) …well,normal naman ata na merong “bad hair day” ang mga tao e…dibah?…(ewan lang kung yung mga kalbo e meron din nun? ngurk!)…sabe ko nalang…ahhh…ayus lang…ayokong masira ang araw ko…hindi naman ako nagising sa “wrong side of the bed” (dahil wala naman akong bed in the first place…ngek!)…at chaka yung mga ganitong frustrations…sisiw lang ito…madami na akong training dito…ikaw ba naman kaya ang maglaro ng bingo…na lahat ng number na tinawag e wala sa card mo?… ahahhahaaay!…hindi ka pa kaya maghinala na sinilang kang me kakambal? (alam mo na po kung anu yun…wag na natin spell)…so ayus lang…sanay na kooooo! ..(naghahamong sigaw ko pa)…”bring it on”…wala na ba?…(aba, antapang?)….weh…juks lang naman po…ayoko den naman makahalatang namumuro na ko sa kamalasan…..

Hmmmm…dahil siguro sadyang mapagbiro ang life…kaya parang hindi ako masyadong hapi dun sa sabe na “life begins at 40”…parang hindi ako resolbado…parang narinig ko kaseng bumubulong utak ko… sabe…”weh! antagal ko na…umaani ng kung anu-anu…tapos hindi pa pala yun yun?…praktis palang yun?…buong akala ko andami ko nang binyahe…hinarap na mga pagsubok…hinakot na kahihiyan…nag summersault na ko…tumulay sa alambre…bumuga ng apoy…kumain ng sword (parang circus lang)…nagsplitttttttt!… weh!…tapos sabihin bang hindi pa pala nagsisimula ang lagay na yun?…aba!…ang haba naming praktis nun… ang haba palang lokohan ang nangyari…waahahhahha!

Haaay…hinga ng malalim….haaaaah!…ipihit natin ng 360 degrees ang usapan… ang totoo’y madami naman akong blessings…(ayan…parang ang hirap na tuloy paniwalaan nyan…hehhe…kahit utak ko ata sabe ng onti…weh! Etchos yan!)…pero sandali lang…totoo naman po…kahit na nga yung mga kamalasan ko ay tinuturing kong swerte dahil me nakatagong regalo dun na di lang agad nakita (ayan…umayos den…ganyan po ang mind frame ko kapag walang sumpong…ngek!)  … well anyway,..ang una ko talagang nabuo sa post na to ay ang title “gratitude” …matagal ko na naiisip na magsulat ng pagpapasalamat para naman balanse diba….(lagi nalang himutok ng tatlong kuba ang drama ko…hmp!…kakasawa den yun)….so eto po…

Tuwing mapapadaan kase ako sa tulay na tumatawid sa pinakamalaking river dito…at magagawi ang tingin ko sa malawak na ilog…nararamdaman ko ang kapangyarihan ng nilikha(nature’s wonder)…at ang henyo ng lumikha nito…at lagi na…naibubulong ko sa sarili…thank you heaven…salamat talaga…sa nilikha mong napaka-ganda…salamat at kahit sa maingay na lungsod na ito ay napagmamasdan ko ang nilikha Mo…para ipaalala na handyan ka mula pa nuong umpisa…at walang sawang handyan parin kahit ngayon….salamat sa….(sabay pasok syempre ng itemized kong concerns na thankful ako about…)…at bigla nalang (minsan pati ako den talaga ay madalas magulat sa sarili kong pag-iisip)…out of nowhere, nasabi ko nalang ….salamat din nga pala po dun sa mga bagay na alam kong dapat ipagpasalamat na hindi ko pa nga lang maisip kung anu-anu mga yun sa ngayon….

ayun…parang hindi na mawala ngayon sa isip ko (naging assignment pa tuloy)….anu nga kaya yung mga bagay na  yun?…nag-isip ako…isip-isip-isip ….at biglang kablooom!…nabuo ang listahan bunga ng malikot kong imahinasyon….siguro this may sound weird pero seryoso po ako…(malikot nga ata talaga ang imahinasyon ko kaya umabot sa ganito ang mga naisip ko)….eto po ang mga “buti” nalang na dapat din atang ipagpasalamat…

Øbuti hindi nakakamatay ang tingin… (kung hindi’y  baka nagkaubusan na po ng  tao sa mundo…)

Ø buti hindi nababasa ang iniisip ng iba (walang monitor) (kung hindi’y maririnig mo wari ang mga iniisip ng tao sa iba’t-ibang okasyon…halimbawa sa kasalan….habang sinasabi ng pari…”…’till death do you part?”…sabe ng kontrabida…naku ETCHOS yan! …salbahe diba?…pero totoong me mga cynical…perwisyo yun! )

Ø buti walang spy camera kapag me ginagawa tayong  naughty… (kundi naku baka magsara na ang you-tube sa dami ng scandal na maa-upload dun…buti lang kung camera-ready ka lagi…e pano naman mga tulad ko na camera-shy…ayan! nagblink bigla pc ko…ayaw tanggapin)

Ø buti hindi lahat ng gusto natin ay natutupad  (kundi wala na sigurong gagawa ng mabibigat na trabaho na basic sa ating mga needs….lahat gusto ata yung lifestyle of the rich and famous…mamayani ang katamaran…chaotic masyado kakalabasan ng buhay natin)

Ø buti kapag natutulog  tayo ay nakapikit (at hindi tayo tulad ng isda na nakadilat matulog,,,ansakit ata nun sa mata…ang hapdi?…wanko lang…di ko pa na try po)

Ø buti walang kulay ang utot (eto po talagang dapat ipagpasalamat  lalo na ng mga “big” people….imagine kung in the middle of a presidential campaign e napautot ang kandidato…at nagkulay pula ang hangin…patay na…tapos ang career nya…ahahhaha)

Ø buti me gabi (at least me rason sabihing…”napuyat” ka…meron ba kaseng napupuyat sa umaga?…or mas masarap talaga magpahinga sa gabi…or magmuni-muni looking at the stars and the moon…e kung walang gabi…anhirap ata magpakaromantiko…at nakashades tayong lahat at mukha tayong zombies..nyah!)

Ø buti ang buhay ay may hangganan (dahil lalo nating nakikita ang halaga ng existence natin kapag alam nating limitado lang ang oras…or kasi naman kung hindi…lahat ng tao at hayop na nabuhay  kahit nung prehistoric time e kasalamuha pa den natin ngayon… malamang  makasalubong mo si king Solomon sa mall….at maka-dine-in mo sa Mcdo si Noah…kasama lahat ng hayop sa barko nya…ahahhahha…ang gulo nun…ang kalat!….or kasabay mo nagso-shopping ng damit si Eva at Adan…..kasama pati snake sa puno ng apple…nyah!…..at ang malufet….nakahambalang sa  kalsada ang mga mga dinousaurs…naku po…ang traffic lalo dibah?)

Ø buti naimbento ang papel at ballpen (kung di…sa stone tablet pa den iuukit  ang ticket sa bus….ambigat nun…ala na siguro magkukunduktor…wala deng postman syempre…alangan naman)

Ø buti at me law of gravity (kundi ang hirap siguro mag-cr po…lulutang po lahat kahit yung mga hindi dapat…yakkkkk!)

Ø buti at hindi nagpapakita si kupido (patay na sana sya kung nagpakita sya…dami huma-hunting sa prinsipe ng sablay na lekat na yan eh…ahhahaha)

Ø buti ang ilong natin ay nasa baba ang butas (eto self-explanatory naman to diba?…sino naman kaya gusto suminga na pataas ang talsik ng sipon nya…wah!…ansagwa!….at mabuti na din ito para di tayo malunod kung umulan man at tayo’y  walang payong….wehehehhe)

haaay…little things to be thankful for…madami pa yan alam ko…but  for now…ok na muna to….natawa na ko…naaliw …sana ikaw den… wish ko lang sa ating lahat  sana “we’ll  make our sense of gratitude a dynamic  attitude…” para makontra naman po kahit paminsan-minasan ang malakas na hatak ng negativism….

 ay pahabol:…salamat den at naimbento ang pc…at nakakahanap ako ng masusumbungan (na wag lang naman sanang ang sagot eh…”pakelam ko sa yo?!”…waaaaaa!)

salamat po….at hanggang sa muli! (kindat!)

 

 

Comments 11 Comments »

 

 

Isang umaga magigising ka nalang

Lahat maayos na

Ni hindi mo na matandaan

ano ba ‘yung iniyakan mo nung gabi

Parang may nag-ayos

Nagpatila ng ulan

Nagligpit ng mga kalat

Nagbantay sa magdamag

…parang binibigyan ka ulit ng isang pagkakataon

Para batiin ang buhay

Para makapag-simulang muli

….isang umaga…

 

 

hindi na mapigilan…dumadagundong ang mga putukan hudyat ng pamamaalam sa natapos na taon…nagliliyab ang kalangitan sa mga kwitis na waring yumayakap sa pangako ng bagong taon….

salamat at nakaraos tayo…salamat at sinapit natin ang 2009 ng ayus lang…bagong yugto…bagong kabanata ang ating haharapin…isang pagkakataon upang anu man ang maari pang maituwid ay maituwid….upang anumang pangarap ay mapagsikapang maabot…upang anu mang pangangailangan sa pagpapatawad at pag-ibig ay mabigyang puwang…upang makabangon sa malubak na tinahak…upang kumapit ng mahigpit sa ating pananalig…upang makapag-simulang muli…

bumubungad ang bagong umaga…halika na’t atin itong salubungin….salubungin  ng may ngiti…ng may pagpapasalamat….ng may buong pag-asa…

…sama-sama lang…salo-salo…byahe lang po ulit tayo!

 

Comments 10 Comments »

for mama

tinatawag ka na ng langit,
nagkukumahog ako sa pagpasok sa trabaho.
namimilipit ka sa sakit,
teka lang, sandali, kukubra pa ‘ko ng sweldo.
kailangan mo ng swero, santambak na gamot,
hawak ko ang riseta, nalilito sa pagkukwenta…

habol mo ang hininga, humahangos ka…
sagsag ako sa pagtakbo,isinasanla anu mang lakas pa
agaw-buhay, nakikipagdwelo ka kay kamatayan…
ako’y dumadaluhong naman sa daigdig ng mga buhay na bangkay
ayaw mong lumisan, alam ko,
ayaw kong patalo sa karerang ito, alam ko alam mo.

tinatawag ka na ng langit,
wag kang sumama… pakiusap wag muna…
hindi pa ‘ko handa…hindi pa balanse,
hawak ko ang payslip at mga resibong babayaran
sa dialisis, sa antibiotics, sa mga eksamen sa laboratoryo
sa renta sa silid ng ospital, sa respirator, bayad sa doktor…

ngunit pinikit mo ang mga mata, hinugot ang huling hininga
umpisa ng wakas…..wakas ng aking umpisa…
kasabay sa nagpantay na linya ng monitor ng puso mo
ang pagtirik ng orasan sa bandyclock na kaharap ko
tinatawag ka na ng langit…at iyong dininig,
iniwan mo ako… ngunit iyo ring isinama…

kinalag mo ang kadenang sumilo sa aking kaluluwa…
at sa iyong kamataya’y muli mo akong isinilang…
hindi ata ako nakahingi ng tawad,
hindi nakapagpasalamat…
alam kong hindi mo iyon hinihintay,
dahil ikaw ay pag-ibig, payak at tiyak!

kaya’t paalam muna ina…paalam muna…
walang luha….walang luha…
hindi ka mawawaglit, hindi mawawala….
lalo kang malapit ngayong malayo ka…
ikaw ang talang di kukupasan ng kinang
yakap mo’y muli’t-muli kong babalikan… 
ikaw ang mukha ng langit na lagi kong tatanawin…
ngayon,at hanggang sa muli nating pagkikita.

 

(I’d make you proud mama…i will try my best… ) (sensya na sa kasentihang ito…birthday ko po kase kaya namiss ko nanay ko…)

Comments 11 Comments »

 Nung high school ako… tanda ko…me isang summer vacation na parang binaligtad ko ang gabi at umaga….siguro excited lang na maiiba na ang routine ng days ko…”no more classrooms, no more books, no more teachers’ dirty looks!”…ansarapppp!…kaya naman andami kong binubusisi sa gabi …basa ko ng basa…kahit anu lang….dyaryo…komiks… tiktik…xerex (nyah!)…pati telephone directory tinangka kong i-memorize (sempre pampa-impress sa mga klasmeyt)… sulat ng mga anik-anik…nood ng tv…tapos sa umaga…tulog buong maghapon…nagtataka tatay ko…”anu bang?… bat ka di natutulog sa gabi?…anu ka bampira?! (bawal naman sumagot …sempre baka masapok…pero utak ko sabe…weh…gusto ko  maging baranggay tanod…panu?)

Wanko nga ba…inggit ako sa mga taong parang me switch ang mata (pede on/off ng ganun-ganun lang)….masandal lang sa unan….hagok na…yung iba kat sa bus o sa jeep makikita mo tulog! (tulo-laway pah!..ahahha!)…kat parang manok na tumutuka-tuka…at kanda-untog-untog…hala…ang himbing paden….  tapos yung iba… “subsob” daw sa trabaho… kala mo kung sinong  masipag…pala subsob nang subsob sa kaantukan…(ahahha!)…well, niweys,..sa palagay ko “gift” den ang pagiging  antukin…isang kakaibang talent…ayan…dapat maidagdag  iyan sa types ng multiple intelligences dibah?… (sige nga po…ihirit nyo nga iyan…kayo na den mag-isip ng justifications kung bakit at pano…nyah!)

Naalala ko tuloy yung fren ko sa kolehiyo…”si footloose” kung tawagin namin (masama po manlait ng kapwa…pero yaan mo na…minsan lang naman…waaaa!)…e panu ba naman kat san pumunta kat anung okasyon…nakachinelas  sya …ewan bat ala man lang pumuna sa kanya…ang husay kase nun sa mga theoretical discussions …kaya siguro wala naglakas-loob pumansin…takot masopla ng mga chenes chuchu na philosophy prof lang siguro kakainteres makinig…(chaka ala naman masama kung proud sya display lagi paa nya na parang puro patay ang kuko…mukhang luya… ang mga toes nya…parang gali-galit…hiwalay-hiwalay…(waaaaa! juks lang po)..…ako personally inintindi ko nalang…inunawa ko nalang …siguro yun lang expression nya ng kanyang rebellion… parang personal vendetta…dun nya ibinuhos galit nya sa mundo…galit sya sa sapatos!…period!

Pero sabe nila me crush daw yun saken (weh!)…ayan nah!!!….sabe na nga ba…sino hindi makaka-isip magmadre pagganyan?…o baka naman lihim na crush ko den sya?…ayunnn!…(nagka-sound effect po bigla… kablooom!… toink!.. gwenk!… boink!…klang-wang-wang…shoingk!… wheeeeee…plonk!…parang whistlebomb na supot) ahahhaha! (kalukring naman yun…but who knows?… waaaaa!…yoko na…hinga ng malalim…haaaaah!

Niweys… kakaiba po sya….sya lang ang nakita kong tao (baka naman alien?) na in the middle of a heated debate….at habang bumabanat sya ng paliwanag… yung halos nanlalaki na butas ng ilong nya sa panggigigil…para makumbinse mga kausap at matumbok ang punto nya…aba e biglang nakatulog? (peksman…true to life po yan!)…anak ng tipaklong!… ibang klase?!! Gifted child talagaaaaa!!! Pambihira!

Well, balik tayo sa isyu…pano ba matulog? nakakapangit pa naman ang puyat… mukha kang zombie… parang panda…parang eyebug na tinubuan ng mukha…parang naka-shades kahit walang salamin…parang “puyat na unggoy”…waaaahh!

Bakit nga kaya anhirap matulog?  …siguro kase andami naten iniisip…well, eto po ang mga naisip kong malamang na iniisip natin bat hirap tayong matulog minsan:  

·         Mga babayarang bills…. (haay naku…katapusan na naman…kwenta…kwenta…kwenta…sweldo minus bayarin equals…kulang!…utang sa bumbay!…tsk!)

 

·         Gusto maging “all seeing Eye”… (eto po sakit ng mga ofw…mahirap talaga po mag-alala…hindi maiwasan…pero sana wag naman sobra…kase diba…ang sobra “is dangerous to your health”…tsaka wag mo na intindihin si misis…andun naman si  kumpare…sya na bahala…waaaaaa…juks lang po!)  

 

·         Tamang henlab…. (hanu kaya suot na T-shirt ng crush ko?…kumain na kaya sya?…anu kaya ulam nya?… nagtoothbrush na kaya?….dumighay na? nakanang…tantanan mo!)

 

·         Tamang “matic”(problematic)… (walang trabaho…gusto lumipat…gusto magresign…gusto mapromote…gusto ng raise…gusto ng…nampucha!…anu ba talaga gusto?)

 

·         Excited!… (nanood siguro ng porn?….nyah!)

 

 

·         Me nakaaway… (yung maniningil?…me hearing sa baranggay?….nag-iisip ng patibong sa karibal…oy, wak yan…sama yan!)

 

·         Me assignment …(susulat ng speech…thesis…chenes presentation… pano kaya magpa-intelektwal?…pano kaya wag magkalat?…pano kaya wag magpahalatang jologs?… hirap yan!…alam na alam ko yan eh…ahahhahaay)

 

·         Insecured…(“naku pano ba toh…i’m getting old na…inde pa ata ako financially secured…sana talaga nagsecurity guard ako…para secure lage!…teka,  anu kaya number tatayaan ko sa lotto?…san kaya yung puno na namumunga ng pera?…ayan…dito mo na dapat kantahin yung song ng spice girls…”stop right now…thank you very much…I need somebody with a human touch…hey you…always on the run…gotta slow it down baby…gotta have some funnnnnnnnnn”…cute noh?)

 

·         Me gustong singilin…(Kelan kaya ako babayaran ng kumag na umutang saken…anlinaw naman ng usapan…sabe nya sa susunod na pagbibilog ng buwan…aba…hindi lang bilog…nag ilang lunar…solar…eclipse pa nga e… di paden sya nakaalala?…sus umasa ka pah! lista mo na yun sa hangin!)

 

·          Fufutih pa kaya ako?…( ayan…yan na ata ang pinaka mahirap problemahin sa lahat.)

So, pano ba matulog?… ewan ko po…kung alam ko ang sagot eh…bat itatanong ko pah? (ngek! pabibo lang po!)Ang mga sabi-sabi naman (ayan!…tinamad magresearch?):

·         Sabi… yung mga “smart” na tao daw talagang mahirap matulog…(weh, hindi totoo!…e bat ako di naman smart?…pede pa siguro mag-ehersisyo lagi…ayun swak!)

·         Sabi… me kanya-kanyang “comfort-zone” tayo…hanapin mo style mo na makakatulog ka ng mahimbing…patagilid.. pataob…patuwad…patiwarik…palambitin (parang paniki lang…ganun!)

·         Sabi…wag kakain ng madami bago matulog (weh, yun nga ang problema nung iba…walang makain…panu?)

·         Sabi…wag magkakape…uminom ng gatas (pano kung walang pambili? pede na tubig?)

·         Sabi…mag-isip ng magaganda…magbilang ng tupa…tapos kontra hirit naman ng iba…wag mag-isip ng kahit  anu!… aba’t? …anu ba talaga?

 

Ayan po…inantok na ata ako sa mga sinabe ko…ikaw po ….anu naman iniisip mo minsan at di ka makatulog?…(dadag mo na den…anu naman style mo na pampa-antok?…)

Basta po…kat anu pa yang worries mo na ayaw magpatulog sa ‘yo…iwan mo muna…itulog mo muna at nang di ka pumangit….  Ayos bah? …Good nite po… tulog na tayo?… zzzzzzzzzzzzzzzz…

Comments 6 Comments »

 because like real valiant fighters… we brave through life by being pieces of the missing Peace…”

 

 

To My Playmate….

All around are pieces of shattered envisage;

Every tear is like shrapnel embedded to the core of being,

Unable to mobilize the faithful wishes that ought to be.

You wanted solidified pillars of woven promises.

How is it to be formed?

Where would it be conceived?

How will it be born?

The soldiers had left nothing but bloodied footprints…

The air has not cleared of the smokes from gunfire …

The blast of cannons murmured horror that shackles the mind.

Peace has been desecrated.

I want to play around unflustered

So dear, oh dear…

Hand me over your unyielding fortitude…

Let me rebuild this ruined playground.

 

(October 6, 2006)

Reposted to note an earnest wish for everyone to cherish the humming lullaby of a peaceful night… far from the thundering blasts of war weapons fired by human greed… let all our days and nights be spent rebuilding our “ruined playground”…

Comments 2 Comments »